Thursday, July 29, 2010

hotnothot 34

Hothot: PNoy’s first SONA. Hearing (or in my case reading) PNoy’s first State of the Nation Address is just like hearing a Senator who uses his privilege speech in the Senate to expose anomalies specially those that are perpetuated by his political foes. Dahil ginamit ni PNoy yong speech nya to expose the atrocities that Gloria’s regime left behind lalo na pagdating sa mga pondo ng gobyerno. Pero sabi ko nga sa mga kaibigan ko, these exposes are nothing but blurbs until something happens. Yong makapag-sampa sila ng matibay na kaso at may mangyayari sa bandang huli. It will be a big challenge for PNoy to come up with criminal conviction to these ‘crimes’ that the past government did. Pero hindi yon ang main hothot ko. What I find in PNoy’s speech, kahit nong inauguration niya, is that he uses Tagalog in most parts of his speech. Mas madaling maintindihan ng masa. Afterall, sa masa sya nagre-report, hindi sa mga konyo at elitist. Dahil dito, PNoy is enjoying a very high popularity rating. And if he keeps communicating directly to the masses, mas maiintindihan sya anoman ang gagawin nya sa kanyang pagka-pangulo. With that, maaring hindi sya makakuha ng negative at sadsad na rating na ilang panahon ding inani ni Gloria.

Hotnot: Ang kwento ng nabubulok na Bigas. Sa dami ng pasabog ni PNoy sa kanyang SONA, this could be the one that sent my teeth clenching. Bigas na nabubulok sa kung saang tambakan? Samantalang napakaraming tyan ang kumukulo sa Pilipinas, ke mga pulubi o mga taong nagkukumahog mag-trabaho pero kulang at kulang pa rin ang kakayahan para sayaran ng pagkain ng mga bibig. At dahil lang sa kung sinong herodes, sa kung anong kurakutan, sa kung anomang red tape, pinabayaan lang mabulok ang bigas kesa ipakain sa mga nagugutom? I find it so revolting. Para sa akin, this is criminal. Dahil hindi ninyo nararanasan ang kumalam ang sikmura, ang magutom ng ilang araw, ang mahilo at mag-hallucinate dahil walang sumasayad na pagkain sa sikmura, wala kayong pakialam. At wala kayong pakiramdam sa mga kababayan nating nagpapakamatay na lang dahil sa kawalan ng makain. You could have done something to ease their pain. Ang ipakain sa kanila ang bigas na binili rin naman ng pera ng taong bayan. Mabulok sana ang mga kaluluwa nyo kasama ng mga bigas na yan!

Hotnot: A Congressman in HK prison. One of the most scandalous events to hit the headlines lately is the arrest of Congressman Ronald Singson in HongKong for possession of illegal drugs. Despite an obvious news blackout that successfully kept the event from the press for a couple of weeks, it was his father Chavit who gave the confirmation readily followed by a public apology for what’s an obvious misdeed in the part of his son. Bumilib ako coz it showed humility on the father’s side to have done the admission and the apology. Kaya lang, bakit kailangang sundan pa ng press releases like : baka nasulsulan lang. For goodness sake, he’s already in his mid-30’s, old enough to father a high-school student himself. Or yong angle na dahil broken-hearted daw. Jeez, I’d still say the same thing – magku-kwarenta na sya and still nurses a broken heart like it’s his first? Pero ang pinaka-off na nabasa ko eh yong kwentong hindi daw talaga kay Ronald yong drugs, sa isa raw sa mga kasamahan nya. If this angle is being played out to picture the guy as a hero instead of a criminal, then mali pa rin. Dahil kung hindi talaga sa kanya at inako lang nya to save his friend, it’s still irresponsible to put the welfare of his friend above his duty to protect the integrity of the Philippine Congress. Mas malaki ang obligasyon nya sa Kongreso, sa kanyang mga constituents at lalo sa mga kabataan na pinabilib nya sa pagi-sponsor nya ng isang anti-drug law.

Hothot: Wowowee finally off the air. If it will mean bringing down Willie back to earth, it really is something hot. At least ABS-CBN is finally showing this guy who’s the boss. Ang papalit daw na noon-time show ay Pilipinas Win na Win starring Willie’s girls plus Robin and Kris. Originally, Pilipinas For The Win (FTW) ang title nong program but just a day after the station announced it, binago agad sa Win na Win. Ang sabi ng mga intrigerang showbiz writers, bistado raw kasi na yong FTW is F**k That Willie. Hahaha! But let’s forget Willie now and let him wallow in his defeat, lick the deep wounds this blow has inflicted upon his hot air-balloon-sized ego. Gusto kong saluduhan ang ABS-CBN sa ginawa nila. Not just for finally kicking Willie’s ass but most importantly for putting Robin Padilla and Kris Aquino together in a show. Matindi talaga ang eye nila for business. Alam nilang may mabubuong kontrobersya sa mga hosts na pwedeng i-capitalize ng show para sa ratings. With Robin’s charms and Kristeta’s vulnerability from her recent marital debacle, siguradong ngangawa si Mariel Rodriguez soon. Bakit? Sus magpaka-intregera din kayo paminsan-minsan!

No comments:

Post a Comment