Saturday, September 4, 2010

a whiter shade of dark

A recent report by Al-Jazeera caught my attention. The program is called 101 East and the episode was entitled A whiter Shade of Pale. It’s about the booming skin whitening business in India. Napa-huh ako when I saw it. Dahil alam naman natin na ang ating mga kapatid na ‘itik’ as we fondly call them ay medyo mas maraming sunog kesa sa ating mga Pinoy. Maraming whitening cream ang uubusin bago mapa-puti ang isang galing sa Kerala.

But as the report says, kahit sa slums ng Mumbai where most people are scraping for a living, gumagastos sila ng average of 5US$ a month para sa mga whitening cream. Which makes it a billion-dollar business and still projected to grow this year by 25%. Hindi lang pala mga Pinoy ang obsessed na pumuti! Baka kailangan na ni Vicky Belo na maglagay ng branch doon! Hahaha!

To be honest, nag-ambisyon din akong pumuti noong mga unang panahon na nauuso yang skin whitening na yan. Early 90’s at wala pa sa kamalayan ng mga Pinoy ang pangalang Belo, uso na ang pagpapa-derma para magpakinis ng mukha. Kaya nong natigil ako sa Pinas ng 4 months waiting for my next contract sa Saudi, yan ang napagdiskitahan ko.

Pagdating ko ng Saudi, nagulat ang karamihan sa mga kaibigan ko. Pumuti nga naman kasi ang mukha ko. Actually it was pinkish, hindi talaga puputi dahil medyo malakas yatang mag-produce ang sistema ko ng melanin. But my face certainly looked lighter than the other parts of my body. Back then, I didn’t realize na nakakatawa yong hitsura ko. All I knew is that my fairer face made me feel good.

Ngayong matanda na ako, I realized that it was one of the few stupid things I did in my youth. Dahil ngayon, tinatawanan ko na lang yang mga ganyan. Lalo yong report ng Al-Jazeera showing some people obviously having darker skin tone than mine na nagpapahid ng kung ano-anong cream.

Lately natukso rin akong magdala ng gluta when I was coming back from vacation. Kaya lang mahirap magpasok ng mga ganyan dito sa Saudi. And I thought it wasn’t worth the risk. I wouldn’t want to be questioned by customs officers para lang sa pagpapaputi na yan.

In recent years din, nauso dito yong magic cream na ewan kung saan gawa o kung dermatologically tested talaga. Pero ang daming nabiktima ng magic cream na yon. Natatandaan ko off the shelf pa yon sa Kadiwa. Pero biglang nawala. Ewan ko lang kung gaano katotoo ang balita na pinatigil daw dahil may mercury content which, of course, could be hazardous to human health.

Bakit nga ba maraming gustong pumuti. Ayan nga at hindi lang sa Pinas kungdi pati sa ibang bansa pala uso na rin. Was it because we all want to look like movie stars? Yong mga tipo ni Kris Aquino o Ruffa Mae Quinto na akala mo ay wala nang dugong tumatakbo sa katawan dahil kasing-puti na ng papel. At kahit mga machong tulad ni Wendell, Dingdong or Cesar Montano na hinangaan ko dahil pinoy na pinoy ang kulay noong bago pa sya pero ngayon mukhang suki na rin ng skin clinic.

Siguro. Epekto kasi ng media na gamit na gamit ng mga kapitalista. Sa movies, lalo sa Tv, wala tayong nakikita kungdi mga magaganda at nagpuputiang mga tao. And we are made to believe that having fairer complexion is the standard of being ‘beautiful’.

Bukod pa doon, pag maputi daw mukhang mayaman. So ano, itatago natin na ang ating mga ninunuo ay ang mga aliping saguiguilid na taga-silbi ng mga taal na mapuputing insulares? And we will spend our hard-earned money for this vanity, uunahin ang whitening cream kesa ibili ng pagkain na isasaksak sa kumukulong tyan?  Fairer skin over a grumbling stomach? Well, it's individual choice na wala kahit sino ang may karapatang kumuwestiyon.  If it's what makes you happy, then by all means go ahead.

Ang sa akin lang, masuwerte ang mga pinanganak na talagang mapuputi dahil hindi na sila gagastos para sa whitening cream. At kung magpapa-Belo sila, konti na lang ang gagastusin nila compared sa tulad kong pinanganak na kulay-kape. But before you get me wrong, let me make one honest statement:  masaya na ako sa kulay ko.  

In all honesty, tinigil ko na ang pag-gamit ng Fair and Lovely. Matagal na ring lugi sa akin ang mga Papaya soap. At hindi pa natitikman ni Belo or even Calayan kahit isang kusing ng pera ko. Wala akong plano. I’ve now risen above these things. I can now call it vanity without feeling any guilt.

Hindi lahat ng maputi ay maganda/guwapo. Hindi rin naman lahat ng maitim ay pangit. Bakit si Venus Raj, major major ang ginawang paglampaso sa mga nagpuputiang co-contestants nya sa Miss Universe. Bakit si Mayor Binay, sumisikat ngayon not necessarily because he’s the VP’s son and Mayor of Makati.

Which leads me to my closing statement. Hindi tayo nagpapaputi dahil gusto nating maging mukhang artista o mayaman. There is a deeper reason behind it all. And that is the fact that we are never content on what God has given us. We are spending loads of cash to get whiter skin. While the Westerners are exposing themselves to skin cancer kaka-sunbathe para lang magka-tan. Need I say more?

Back to Al-Jazeera’s report, watch nyo na lang ito…

No comments:

Post a Comment