Hotnot: Kris Aquino’s effect on Noynoy’s bid for the presidency. Noon pa lang nag-declare ng candidacy si Noynoy, marami na ang nagsabi na si Kris ang waterloo ng Noynoy’s campaign. Very ironic dahil high profile celebrity si Kris and her stature could have been an ace for Noynoy. Kaso, kabaliktaran ang epekto dahil Kris’ stature was a result of her being tactless, maarte, at very controversial na private life. And the recent scandal of her making sugod the kapitbahay in Valle Verde is so kaka (hehehe). The timing couldn’t be worse lalo pa ngayon that Villar’s popularity is closing in on Noynoy according to surveys. I’m sure gigil na gigil hindi man si Noynoy pero ang mga nasa campaign team nya. But to be fair to Kris, buhay nya yon. She chose to live her life so transparently even long before Noynoy dreamt of Malacanang. Kaya hindi na natin mai-expect na mag-bago sya even if at the expense of her brother’s aspiration. Ang tanong, how damaging is Kris to Noynoy’s campaign? We’ll see that in May.
Hothot: SLEX traffic a breeze. I was so delighted na ang travel time ko from my place in Sta Rosa to Alabang has now been reduced to less than 30 minutes. Kung dati na inaabot kami ng syam-syam dahil sa traffic, lalo na nong ginagawa pa yong expressway, this time hindi ka na pwedeng maka-idlip sa sasakyan. Pero nakakatuwa lang coz I’m just a commuter. Kung ako siguro ang may sasakyan, hindi masyado. Dahil sa taas ng toll fee.
Hothot: Australian Open’s women singles. I’ts a treat for tennis lovers like me dahil bumalik na ang Belgian superstars na sina Justine Henin at Kim Clijsters sa tennis circuit. After a few years na halos sabay silang nag-retire, halos sabay din silang bumalik. A very welcome decision from the two dahil tennis wasn’t the same noong wala sila sa tour. Now that they’re back, we can expect more hard hitting action na hindi kayang ibigay ng ibang stars tulad ng inconsistent at over-hyped na si Maria Sharapova. Kim and Justine, plus the ever-colorful Williams sisters. Magandang labanan to.
Hotnot: Mylene Aguilar and Jason Ivler – perfect picture of Pieta. Mother’s sorrow talaga ang dinadaanan ni Mylene who is now reaping the ire of authorities for harboring her criminal son. Maari pa raw syang kasuhan ng obstruction of justice. Ito ngayon ang pinagtatalunan ng mga law experts dahil may nagsasabi naman na according to law, hindi pwedeng kasuhan ng ganon ang immediate family members, parents included, kung tulungan man nila – to the extent na itago – ang kanilang anak na wanted ng batas. At sa mga nanay, may mga nakiki-simpatya kay Mylene. Gagawin din daw nila ang ginawa ni Mylene coz they have to protect their children no matter what. My take on this? Po-protektahan ko ang anak ko kung alam kung isang pagkakamali ang masangkot sya sa isang kaso. But in Jason’s case na dalawang beses nang nakapatay – una dahil sa aksidente daw, second dahil sa road rage – hindi na tama. Hindi ako papayag na mawalan ng law order ang lipunan natin dahil sa mga kunsintidor na magulang.
Hothot: Meryl Streep’s win in Golden Globe. Kung hindi pa naman sya nanalo magpo-protesta na ako. Double nomination pa nga sya dahil nominated din sya sa romance comedy na It’s Complicated. But it’s her portrayal of an eccentric chef in Julia and Julie that gave her fifth (if I’m not mistaken) Golden Globe. Actually natuwa ako sa Golden Globe ngayon. Avatar, which I just reviewed lately at personal favorite ko, won for Best Film. Winner din si Sandra Bullock ng kanyang first acting award for her touching performance in Blind Sind. They do deserve their wins.
Hothot: Meryl Streep’s win in Golden Globe. Kung hindi pa naman sya nanalo magpo-protesta na ako. Double nomination pa nga sya dahil nominated din sya sa romance comedy na It’s Complicated. But it’s her portrayal of an eccentric chef in Julia and Julie that gave her fifth (if I’m not mistaken) Golden Globe. Actually natuwa ako sa Golden Globe ngayon. Avatar, which I just reviewed lately at personal favorite ko, won for Best Film. Winner din si Sandra Bullock ng kanyang first acting award for her touching performance in Blind Sind. They do deserve their wins.
No comments:
Post a Comment