Nong dumating ako ng NAIA last Thursday, I saw some mediamen waiting for somebody at the arrival area. Mismong doon sa may baggage claim area nakasalubong ko ang grupo. Akala ko nai-tip sa mga showbiz programs na uuwi ako hehehe. But when I realized that some of the men ay mukhang mga pulis kahit naka-plain clothes, sabi ko ‘ay for sure, hindi ako ang hinahanap nitong mga ito’. Siguradong may isang taong involved in something na nakasabay ko sa flight.
True enough dahil two days later, nakita ko sa news na kasabay ko palang dumating ang isang OFW from Doha na ang pangalan ay Jason Aguilar. Sabi sa report, he was mistaken for Jason Ivler, yong bumaril sa anak ng isang Malacanang official last November in a road rage. Jason Aguilar Ivler pala ang kumpletong pangalan ng suspect na sabi ay naka-takas na raw ng Pinas. At itong si Jason Aguilar na taga-Calumpit, Bulacan, ang napagkamalan kaya dinampot at nakulong pa ng 7 days sa Doha.
I particularly remembered the guy dahil nasa parehong section kami nong aircraft. Napansin ko yong bonnet nyang may fire blaze design and I said to myself “ano ba itong si kabayan, hindi naman kalamigan eh nagpapaka-japorms”. Nakita ko pa rin sya sa baggage claim area. Never did I know na kawawa pala ang sinapit ni kabayan.
I just finished watching his interview sa ANC. Doon nya kinuwento ang nangyari sa kanya. The soft spoken, mild manner guy said that all he wanted is to know kung ano ang nangyari at sya ang nadampot at nakulong. Gusto rin daw nyang mag-apologize ang mga may kasalanan. Hindi naman daw nya gustong may maparusahan. A simple apology is what the guy is asking for.
Ang problema, hanggang ngayon, wala naman daw umaamin kung sino ang may kasalanan sa wow mali na nangyari. Nobody among the government agencies are owning up to the horrible mistake. May mga nag-ooffer naman daw ng tulong tulad ng OWWA at POEA. Pinapangakuan sya ng trabaho and other stuff. Obviously to appease him. Pero walang sumisigaw ng mea culpa.
Sino nga ba ang dapat managot sa ganitong klase ng kawalang ingat? Whose carelessness and stupidity took away Jason’s dignity? Sino ang may pakana na ilagay sya sa isang sitwasyon na wala syang kaalam-alam?
Sa tingin ko hindi isang government agency lang ang may kasalanan dito. It could be a series of irresponsible actions ng iba’t-ibang opisina na basta na lang sumige ng sumige at hindi man lang nag-check kahit ng picture nong tao. The wanted criminal would obviously be tisoy dahil anak ng isang foreign diplomat. Eh si Jason na taga-Bulacan ay talagang Pinoy na Pinoy ang mukha. Pero ayon at basta pina-dampot sa Qatari police, pinakulong at pina-deport ng Pinas. Traumatized yong tao at sabi hindi na raw muna sya maga-abroad.
Ang masakit nga nito, nawalan ng chance ang kabayan nating tahimik na naghahanapbuhay sa Doha. His plans destructed, his dreams shattered. Pero wala man lang umamin sa mga culprit. Dahil alam nilang definitely, heads will roll dahil sa kamaliang ito.
Walang kumikibo. Walang umiimik. Parang stop dance ang labanan. Ang unang pumiyok syang nangitlog. O talagang dedma lang ang mga hinayupak, lalo ang mga nasa Malacanang dahil nobody nobody but you lang naman si Jason?
Wag naman sana. Dahil kung talagang tinuturing nilang Bagong Bayani ang mga OFW, then they just did one of their heroes some great injustice.
No comments:
Post a Comment