Sunday, January 3, 2010

winter's here again

The much-delayed winter season is finally here. Just last Friday, the temperature suddenly started dipping. Siguro ilang araw na lang single-digit na naman sa umaga. This after a rather warm December. Dati kasi October to November pa lang nag-uumpisa na ang lamig kaya pagdating ng December talagang todo na. But the earth’s balance should now really be in disarray dahil heto nga at January na saka lang kumakagat ang lamig.

I really enjoy cold weather wag lang sasamahan ng ulan. Yong tipong malamig lang talaga minus the wind chill factor. It’s sooo comfy snuggling in bed at parang ayaw mo nang umalis doon. Sarap din ng tulog kasi walang maingay na A/c.

Though kung nae-enjoy ko ang lamig, some people don’t. Let’s see if you’re really born to stay in the tropics o pwede ka nang mag-migrate sa north pole!

1. Hindi ka nagdya-jacket kahit malamig kasi:
a. Normal sa akin ang 7deg. OA lang yong ibang nangangatog na sa ginaw
b. Actually may suot akong tatlong sets ng long john kaya akala nila bigla lang akong tumaba
c. Nag-aalmusal kaya ako ng isang kilong red jalapenos
d. Wala talaga akong pambili ng jacket

2. On winter mornings, eto ang ritwal mo:
a. Naliligo ako kahit malamig noh! May hot water naman
b. Naghihilamos lang ako kasi hindi ko kaya kahit may hot water (eewww)
c. Wisik-wisik lang kasi di ko pa rin kaya ang lamig ng hilamos (mas eeww!)
d. Change nationality ako pag winter. Itik ako.

3. You enjoy wearing any of these:
a. Bonnet. Actually kahit nga summer sinusuot ko yan (asim non sa ulo!)
b. Scarf. Feeling New Yorker kasi ako pag naka-scarf
c. Trench coat/leather jacket. Idol ko kaya si Neo
d. Ear mufflers with leopard skin print (change nationality nga ako eh!)

4. Your favorite food/drinks pag malamig ang panahon:
a. Hot chocolate or cappuccino
b. Cup noodles with mainit na sabaw
c. Champorado at pritong tuyo
d. Wala. Yosi lang.

5. For you to keep warm in bed, you:
a. Wear layers and layers of clothes
b. Use 3 comforters
c. Use portable room heater
d. Find a bedmate!

6. Pag winter, pinakamahirap ang:
a. Paliligo. Nanginginig pati bilbil ko.
b. Exercise particularly jogging, hindi kasi ako papawisan
c. Pagkain. Natatapon ang pagkain kasi nanginginig ang kamay ko pati ang baba
d. Makipag-chat. Malamig pag masu-show!

7. In general, you enjoy winter kasi:
a. This is the closest thing to being in Europe!
b. Nakaka-get up ako kaya todo porma
c. Hindi ako pinapawisan lalo ang singit ko
d. Ayoko! Pahirap tong rayuma ko!

Please post your answers. Hehehe… wala lang. I just wanted to start the new year on a light note. Bilis ng araw, 3 days agad ang nalagas sa 2010!

No comments:

Post a Comment