I was doing my laundry a while ago at siguro dahil sa kaka-titig ko sa pag-ikot nong mga damit sa washing machine, nahilo yata ako and started wishing for things na absurd. Pero nakaka-aliw sya when I started probing on the idea hanggang sabi ko, mai-blog nga and see what my friends think.
And so, here are 10 things that I wish sana eh nangyayari sa totoong buhay. Mga wish na siguro, masasakyan din ng mga tamad, baliw at weird na tulad ko!
Sana…
1. Clothes are disposable. Sana pagtapos mong isuot, itatapon mo na lang sya, no more laba-laba, at mas lalong wala na ang pinaka-hate ko – yong plantsahan blues.

2. Pwedeng i-xerox ang pera. Yong kahit first copy lang, pwede. Para pag may 100 ka, instant 200 na yon.
3. Body parts are replaceable. Para kung may masakit, para syang sim card ng cp. Papalitan lang, work na ulit!
4. Teleporting is a reality. Di ba. Hindi ka na pupunta ng airport, pipila sa customs, bulatlat ng bagahe, bulatlat ng passport sa immigration tapos hintay to the max sa boarding. Sa 3 to 4 hours na haba ng process na to, parang lagi akong bugbog at tumatanda ng 3 to 4 years everytime na bi-byahe ako!
5. I have x-ray vision. O, aminin, pati ikaw wish mo to no!
6. People’s age freezes at 50. Para yong parents at mga loved ones natin, stay na sila sa 50 at lagi na nating kasama, walang death. Tapos tayo, pagdating ng 50 ganon din. O di pare-pareho na lang 50 ang older generation. At yong wisdom ng lahat ng taong umabot ng ganong edad, iko-collect. Siguro marami tayong problems na maso-solve because of that.
7. Ang buhay ay parang showcase – pwede mong piliin. Showcase no. 1: Rich and Famous. Showcase no. 2: Rich and Powerful. Showcase no. 3: Rich and Beautiful/Handsome…. ahahahahehehe
8. Ang kalendaryo, puro weekends lang. And by weekends I mean Thursday, Friday, Saturday and Sunday. Para kahit sa Pinas o sa Mid-East ka nagwo-work, walang kawala!
9. Lahat ng trabaho, flexi-time. Para yong mga tulad kong tamad, anytime na lang papasok.
10. At sana, isang turo ko lang, magtitino ang mga pulitiko sa Pilipinas lalo yong mga gutom at abusado sa kapangyarihan, lalo yong mga suwapang sa pera at mga numero-unong kurakot!!!
Oooppss, this is supposed to be a fun posting kaya lang nagbabasa ako ng dyaryo on-line while doing this kaya biglang naiba ang timpla. Bwiset kasi tong mga pulitikong to eh, isama ko kaya sa mga iniikot-ikot ng washing machine ko!

No comments:
Post a Comment