May mga kabayan tayo dito na nakaka-aliw. Yong tipong naka-rating na ng ibang bansa, nakasakay na ng eroplano at nakadaan ng Chek Lap Kok airport, pero parang ewan pa rin.
And by ewan I mean… ah basta, kayo na ang bahala. Nakaka-aliw. Nakaka-baliw. Read ‘em and weep sabi nga ni Barry Manilow.
- Si kabayan, tag-lamig naman, in fact 4 to 5 deg C ang temperature at ako’y nangangatog na ang baba pero panay ang rampa sa kalsada ng naka-walking shorts! Kabayan… maghunos-dili kaaaa!!!
- And the same kabayan naman, kahit katirikan ng summer na pati singit ko pinapawisan, aba, naka-jacket naman ng maong! Original kang pasaway huh!!!
- Di ba, ang good morning towel eh sa mga motel lang ginagamit? Eh bakit naman nakatapal sa ulo ni kabayan habang namamasyal sa gitna ng sibilisasyon??? Sa amin sa Mindoro, pandong ang tawag sa kapirasong damit na nilalagay mo sa ulo para hindi ka mainitan o maulanan. Pero ewan ko, hindi naman mainit at lalong hindi umuulan, naka-pandong si kabayan ng good morning!!!! Aaaaggghhhh!!!!
- Sa mga taga-Jubail, alam ko kilala nyo to. Isang kabayan natin na laging umaaliw sa mga umaga ko dahil ang attire papasok sa work: naka-long sleeves at printed necktie pero ang suot sa paa – sandalyas!!! Impluwensya kaya ng mga misyonaryo sa kanilang baryo? Misyonaryong marunong mag-model? Dahil ang lakad ni kabayan habang ganon ang attire – pang-cat walk!!! Bwahahahaa!!!
- Pre-dantespeaks era, may na-email na ako tungkol sa mga kasabay ko sa airport na mga japorms. Mga kabayan na hatinggabi na, proudly naka-sukbit pa rin sa bumbunan ang mga ray-ban. Tanong ko, bakit, may mata ba sila sa bumbunan? O kaya sa batok kasi doon naka-sukbit ang shades? Hayyy… sabagay, can’t afford ako ng Oakley kaya siguro inggit lang ako!
- At don sa same kwento na yon, marami rin akong nakitang kabayan na naka-bonnet. Pordjos por shanto…. eh summer nong time na yon! Ka-asim siguro ng ulo ng mga buktot dahil sa pawis! Eeeewww!!!
- At si Manang, bi-byahe ng international flight, may plastic bag na bitbit. Na-beklat ang isang hawakan kaya ang mga laman, parang bitukang lumuwa!!! Manang kasi, sayang ang jergens lotion at corned beef pag nahulog!
- Habang ito namang si Manong, the ultimate Saudi Boy talaga. Naka-maong na jacket at nagmumura ang mga bling sa katawan! Ang damascus pwedeng ipang-bigti sa laki! At ang singsing, gigantic. Para ngang singsing na tinubuan lang ng kamay! Yo meyn! You’re da meyn!!!
- E yong mga techie…hindi tetchie agbayani. Techie. Yong mga mahihilig at updated sa gadgets. Naka-bitin sa dibdib ang i-pod, naka-sukbit sa belt ang i-mate, may digital cam pang hawak habang nagkakalikot ng laptop nya. E alam mo naman walang hot spot sa Dammam airport! Cool? O cool-ang sa pansin??!!!
- Balik ulit tayo sa Jubail. Eto naman ang isang kabayang naglalakad sa gitna ng bayan na may sariling fashion statement. Okey lang yong t-shirt na ipinatong sa long-sleeves. At least na-uso yon (pero tagal nang laos yon ha). Pero ang short na ipatong mo sa jogging pants??? Lipad Superman, Lippaaaadddd!!!
La lang. Naa-aliw lang ako. At baka kaya mong i-paliwanag kaya, sige, i-esplika mo!
No comments:
Post a Comment