although yong tax na yon daw applies only pag air freight. pag sea freight daw wala. kaso alam naman natin ang sea freight, it takes a whole month bago mo matanggap. baka nakabalik ka na ng saudi, hindi pa nakakarating sa pinas yong pinabagahe mong tv. aside from that, parang mas malaki ang risk of damages pag ganon.
nevertheless, bakit nga ba tayo dito bumibili ng electronics. marami na rin namang mapag-pipilian sa atin. yon nga lang, medyo mabigat na pag sa atin ka bumili. kasi pesos na ang usapan. pero mura nga ang purchase price dito, hindi ba lumalabas na halos pareho lang kung ida-dagdag natin yong tax plus the freight/insurance charges?
eniweys, for those who are planning to go plasma, let me share some prices na nakuha ko nong nag-canvass ako sa atin. i got this prices from only one shop (abenson) and it was december pa. at least baka makatulong if you wanted to compare.
Brand - Model - Price (in Php)
Samsung 32R81B - 54,900
Samsung 32S81B - 47,900
Samsung 37R81B - 74,900
Sony 32V300A - 84,990
Sony 40S200A - 119,990
LG 42PX4MV - 129,999
LG 42 LC4R - 109,999
sige, pag nakabili kayo, maki-panood na lang ako! hehehe!
No comments:
Post a Comment