During my last vacation, my best friend/pinsan and I got into a serious conversation. Something na hindi naman madalas mangyari dahil laging kalokohan at tawanan ang nangyayari pag magkasama kami. But if conversations turn serious, medyo malalim talaga ang pinupuntahan.
Tulad nong umagang yon. Past 9 na pero nagkakape pa lang kami. Pareho kasing kagigising lang. Nagising lang dahil may dumating na tao. More or less, ganito tumakbo ang usapan nang maka-alis yong tao:
Insan : Sigurado ako, hindi na babalik yong hiniram non (referring to the taong kaa-alis lang).
Ako : Eh ganon talaga. Tulong ko na lang sa kanya yon (dahil talagang gipit yong tao at alam kong wala namang pagkukunan para maibalik sa akin yong inutang na pera).
Insan : Alam mo, pag ganyan, naaalala ko si Bay (si Bay ang dati kong driver)
Ako : Bakit naman?
Insan : Kasi sabi nga ni Bay di ba, sa dami mo nang natulungan, diretso ka daw sa langit pag namatay ka.
Ako : Hahahahaa!!! Oo nga, lokong Bay yon.
Insan : Pero naniniwala ka ba don?
Ako : Saan, sa langit?
Insan : Oo. Yong pag tumulong ka, mapupunta ang kaluluwa mo sa langit?
Ako : Ewan ko… (inom muna ako ng kape, yosi, saka nag-isip bigla)…
Ako pa rin : Hindi siguro.
Insan : Bakit naman?
Ako : Kasi, hindi ko inisip kahit minsan na pag tumutulong ako, nag-i-expect ako ng reward na ganon. Tulad nong pupunta ako sa langit.
Insan : Eh di ba ganon nga ang kasabihan, pag daw mabait ka at lagi kang nakakatulong.
Ako : Sabi nga. Pero para sa akin, kalokohan yon. Tumutulong ako dahil gusto kong tulungan yong tao. Or naa-awa ako. Pero honest, hindi ko inisip na dapat may balik sa akin yon. Tsaka di ba mas malaking kasalanan yon. Kasi tumutulong ka nga pero meron ka namang ini-expect na kapalit.
Insan : Sabagay. (sabay yosi. pero alam ko hindi pa tapos ang usapan.)
Insan uli : Eh kung hindi ka nag-e-expect ng kapalit sa mga tulong mo, bakit nagalit ka sa mga pamangkin mo?
Ako : Huh? (sabi na nga ba may kasunod pa eh)…
Insan : Di ba, hindi sila makalapit sa yo ngayon. Kasi nagalit ka sa kanila nong pinag-aral mo sila tapos nag-asawa lang sila. Hindi nasunod yong gusto mo. In short, may expectation ka sa kanila kapalit nong tulong na binigay mo. Nang hindi mangyari yong expectation mo, nagalit ka.
Ako : Iba naman yon noh!
Insan : Eh ganon din yon, may ini-expect kang kapalit.
Ako : Hindi siguro. Yong ini-expect kong kapalit nong tulong ko, yong gumanda ang buhay nila. Eh hindi naman nila ginawa.
Insan : Nag-expect ka pa rin. (ang kulit talaga)
Ako : Oo. Pero para sa kanila din yon di ba. Hindi naman para sa akin yong expectation ko. Tsaka hindi ako nagalit don sa pagtulong ko sa kanila. Nabigay ko na yon eh.
Insan : O eh bakit ka nagalit?
In-explain ko.
(Mahaba tong part na to kaya isang separate posting ang gagawin ko)
Nang matapos ang litanya ko…
Insan : Ah, okey. Ganito na lang, sabihin nating nagalit ka kasi hindi ka nag-expect ng kapalit sa tulong mo. Pero nagalit ka dahil pakiramdam mo, bale-wala yong tulong mo. Ganon?
Ako : Alam mo minsan, hindi ka lang si Bayani Agbayani… may pagka-doctor Phil ka rin minsan.
Insan : Sino yon?
Ako : Wala. Palibhasa puro ka Kapamilya. Lika na nga. Punta na lang tayong mall.

No comments:
Post a Comment