ti's thursday and as usual, babad ako sa bed. ginising ako ng smart roaming ko, nagri-ring. darn ringtone, ang pangit magigising ka talaga. palibhasa mumurahin. hayy... nasan ba yon... for a few seconds i have to gather my senses, re-orient myself and pull my thoughts together. ahhh, san na ba yong cp...kapa-kapa sa may headboard. nakita rin. tumigil ka nga... ang pangit ng tone mo...
si insan/bespren pala. happy valentines day daw. hmmmpp! manggigising eh yon lang pala. para namang wala akong calendar dine at hindi ko alam kung anong araw ngayon. sinagot ko nga: "eh pareho naman tayong walang valentine kaya enjoy na lang your day. chat na lang tayo tomorrow".
hindi na sumagot. nainis siguro sa akin for reminding him na wala rin syang karapatang makigulo sa mga nag-papalitan ng cards, nag-bibigayan ng roses at nagchi-check in sa mga motel sa ganitong araw. that's what you get when you're single.
inaagaw pa rin ng antok ang katinuan ko kaya hindi pa ako bumangon. 9:30 pa lang naman. hmmm sarap talagang mag-babad sa kama.
pero talaga yatang hindi ako patatahimikin ng mga cp ko. eto naman ang isa. at least mp3 ang ringtone... yong pinutol kong chasing cars... 'if i lay here... if i just lay here.... would you lie with me and just forget the world'.... pati ringtone ko puro tulog ang sinasabi... sino ba ito
this one brought me back to earth. with a thud. text ng office mate kong nag-bakasyon. telling me na ang wife nya who has been suffering from cancer for some years now, just passed away. ang una kong naisip, valentines day pa naman. hindi ko sya magi-greet ng happy valentine.
minsan ko lang nakita ang wife nya but i thought she was such a lady. mukhang mabait. kahit hindi kami naging close, sa mga kwento ni mar sa akin, she's a wonderful person. and i feel so sorry for someone like her leave this world so soon.
more than that, i feel so bad for my office mate. i can feel the pain, no matter how second-hand it is. 4 years ko na na syang office mate. and i guess hindi lang basta office mate ang bond namin. friend/confidante na siguro dahil sa dami ng mga napagku-kwentuhan naming personal. lalo na ang tungkol sa family. in fact nasundan ko ang development ng cancer ng wife nya from the day it was discovered. hanggang ngayon.
sinagot ko na lang sya to be strong for his kids. and i'm praying for him. tatawagan ko siguro bukas when things have somehow settled. i have to be a good friend for him and support him at this very trying time.
i was staring at the ceiling ng kuwarto ko while all these thoughts were running in my head. gising ako but my soul is deep into this subliminal level. na inagaw na naman ng pangit din at annoying na ring ng landline ko.
hayy...minsan talaga itong mga telepono, necessary evil.
'hello, hoy mamaya ha, alas-kuwatro na lang' ... si orlee, orgee to the adiks. ina-adjust ang invitation sa birthday celebration nya. na-realize sigurong napaka-aga ng 3:15 as he originally announced.
marami pa siyang sinasabi pero iba ang nasa isip ko. bakit kaya orlando ang pangalan nito. valentine nang ipanganak. dapat valentino. o kaya krisanto para in line with kris aquino.
'o sige ha, mamaya na lang. bye.'
'sige bye.' sabi ko.
saka ko lang na-realize na natapos ang usapan namin na hindi ko siya na-greet ng happy birthday. nakalimutan ko. mamaya na lang tutal we'll be spending the whole afternoon up to evening sa napaka-habang celebration nya. starting from a coffee shop in jubail na matatapos a hundred km or so sa isang restaurant in khobar corniche area na ayaw sabihin kung saan. baka tgif or chili's. pero sigurado akong matatapos sa starbucks na matagal na nyang pinag-aaya.
haaaaayyy.... whatta morning. one life gone, another celebrating his first day in this world. teka, makabangon na nga. magji-jeopardy na.
haaaaayyy.... whatta morning. one life gone, another celebrating his first day in this world. teka, makabangon na nga. magji-jeopardy na.
and oh, by the way, happy valentine sa inyong mga may jowa, asawa, boypren/gerpren, papa/mama, labs, papi/mami, pangga, significant other. at kahit don sa mga in love na hindi naman alam ng kina-inlaban na may nagla-love sa kanila! hehehe! just enjoy the day. hope you have a good one.
No comments:
Post a Comment