Tuesday, August 4, 2009

still missing my tatay

aug 4 na naman. this was the day na nawala sa amin si tatay. died at a young age. ngayon, 14 years ago na and still i sorely miss him.
..
sabi ni madir nagpadasal na raw sila kanina. buti kahit medyo faltering na rin ang memory ni madir, hindi pa nya nakalimutan ang aug 4.
..
wherever you are tay, just be cool. papogi ka lang lagi, wag kalimutan ang three flowers, kailangan laging hapit na hapit yang magandang buhok na yan ala-fpj. at ang pantalon, ilayo mo lang sa mga kasalubong mo, baka maka-hiwa ang liston!
..
i still miss you kahit madalang mo na akong pasyalan sa panaginip. baka busy ka na sa mga kumpare mo dyan. lagi mo lang isipin hindi kita nakakalimutan. pinakamabait at pinaka-poging tatay ko. miss you po.

No comments:

Post a Comment