Hothot: ang buhos ng suporta sa dating Pangulong Cory Aquino. Nakakapanindig-balahibo ang mga images na nakikita ko sa internet, sa mga on-line dyaryo. It felt like 1986 all over again. Nandon ulit ang ulan ng confetti sa Makati, people by the thousands taking it to the streets once again. And they said na sawa na raw ang Pinoy sa mass action? Not quite. Tita Cory proved them wrong again. Hindi sawa ang tao sa pagsuporta sa dapat suportahan. Ang kinakasawaan ng tao, yong rally ng rally pero ang pinag-rarally pala nila, pag-upo, kurakot din. Sayang lang at malayo ako. Naki-pila rin sana ako sa kahabaan ng Edsa para makita ang lahat. Naging part sana ulit ako ng isa pang big event sa Philippine History. And most importantly, naibulong ko sana sa kanya how thankful I was for the freedom that she gave me back. At kung makakahirit pa, sabay ‘kunin mo na rin yong mag-asawa’…. though i'm sure Tita Cory wouldn't like it. She's too good to hear something like that even if it's meant for some people who truly deserve it.
..
Hotnot: ang mga pasaway na Kano. Palibhasa akala nila Uncle Sam is still feared upon tulad nong unang panahon. Pupunta sa gusto nilang puntahan without even thinking twice. Alam namang nagmamaganda ang North Korea, pilit pupunta doon. Eh ano ba kung legitimate reporter sila? Ayun, kailangan pang pumunta si Bill Clinton para ipakiusap ang pag-laya nila. And what about these two hikers na alam namang bawal tumuntong sa Iran, magha-hiking lang akalain mong mapadpad sa unfriendly territory. Eh di another lakad na naman ni Bill yan o kung sino man? Buti ang Pinoy sumusugod sa mga ganong lugar para kumita. At least may sense, may purpose. Eh ang mga pasaway na ito, ano? Wala lang… dahil gusto lang nila…. pasaway kasi.
Hotnot: ang mga pasaway na Kano. Palibhasa akala nila Uncle Sam is still feared upon tulad nong unang panahon. Pupunta sa gusto nilang puntahan without even thinking twice. Alam namang nagmamaganda ang North Korea, pilit pupunta doon. Eh ano ba kung legitimate reporter sila? Ayun, kailangan pang pumunta si Bill Clinton para ipakiusap ang pag-laya nila. And what about these two hikers na alam namang bawal tumuntong sa Iran, magha-hiking lang akalain mong mapadpad sa unfriendly territory. Eh di another lakad na naman ni Bill yan o kung sino man? Buti ang Pinoy sumusugod sa mga ganong lugar para kumita. At least may sense, may purpose. Eh ang mga pasaway na ito, ano? Wala lang… dahil gusto lang nila…. pasaway kasi.
..
Hothot: Michael Phelps winning 5 gold medals in Rome, awarded as the outstanding male swimmer in the 13th Fina World Championships. He was suspended for three months after the pipe-smoking photo was published. Which was, admittedly, a stupid mistake that he bravely owned up to. But he’s back to his old form anyway. A true champion winning his competition no matter what.
..
Hotnot: I should not be posting this kasi may mga words akong masasabi na ayaw kong binabanggit like Willie Revillame and Wowowee. But i have to dahil itong magaling na Revillame gumawa ng eksena sa show nya involving the cortege of President Cory. Nag-object sya dahil naka-inset sa tv screen yong prosisyon ni Tita Cory habang nagho-host na naman sya ng kanyang walang katinuang program. Much as I want to understand this idiot, pero hindi ko magawa dahil siguro sa kung totoo man na masakit sa kanya ang nangyayari, he wasn't able to express himself well. Broadcaster pa naman syang naturingan but he wasn't able to find the right semantics para umakma sa okasyon. Or maybe because he was plain and simple arrogant kaya talagang bastos ang dating sa mga manonood ng ginawa nya. At kahit ilang sorry ang sabihin nya, all i can see is that it was a self-serving act that he was trying to hide under the veil of false commiseration. Plastic. Ayaw lang talaga nyang maagawan ng eksena habang naghahari sya sa ere.
.
Kung ako naman ang nasa traffic ng programming ng ABS, hindi ko naman ilalagay sa programa ni Revillame ang live feed ng prosisyon. Tatanggalin ko sa ere si Revillame para solong mapanood ng mga tao ang nangyayari. Kasi sa totoo lang, isang malaking pag-yurak sa dangal ni President Cory na ma-associate sa taong yan kahit sa ganong paraan lang. Pres Cory is genuinely loved by her supporters, venerated by almost everybody who knows her, respected even by her foes in politics. At ang madikit sa pagmumukha nitong host na ito, kahit sa inset picture lang sa tv is one big mistake ABS management shouldn’t have made.
.
Pasalamat ka, hambog at hindi ako anak ni Gabby Lopez. Otherwise ilalagay kita sa dapat mong kalagyan. Walang ABS-CBN kung walang People Power. At walang People Power kung walang Cory. In short, nasa kangkungan ka pa rin sana kung hindi dahil sa kagagalang-galang na babaeng pino-protesta mong makasabay sa screen. So learn your history, if you can’t learn your manners.
.
No comments:
Post a Comment