Tuesday, July 28, 2009

hotnothot 11

Hotnot: Natapos na ang 9th SONA ni Gloria. Hindi ko napanood dahil wala naman akong Pinoy Tv. But if I were to believe what the newspapers say, sabi daw ni Gloria, hindi na sya mag-e-extend ng term. As in wala raw syang balak mag-stay pa after matapos ang term nya early next year. Kaso, lahat halos ng nabasa kong comment iisa ang sinasabi, ‘eh bakit walang goodbye’? Which sends his critics and all other political pundits speculating na talagang may plano ang Gloria na hindi bitawan ang puwesto nya. I was one of the thousands of rallyists noon sa Edsa na nagpababa kay Erap at naglagay kay Arroyo. And that is one of the very few mistakes I made in my life. Ngayon, I’m one of the millions who wish that she’d really step down at wag mag ala-Miriam. Baka pagdating ng 2010 sasabihin di ni Gloria ‘I was just joking’!

Hothot: Filipino artists winning gold and all sorts of medals at the WCOPA. Former Sexbomb Evette Pabalan won two golds and one silver, a young boy (Raph something) won gold in his category and Kimverlie Molina who used to be a local celeb here in Jubail also won top honors. It looks like every year this Los Angeles-based event is being ruled by Pinoys since year 1 starting with Jed Madela. Ang hindi ko lang alam kung gaano ka-prestigious itong event na ito. Is it even sanctioned/recognized by major entertainment firms in Holywood? Bakit ang mga winners uuwi din ng Pinas at babagsak lang na pang-sahog sa smorgasbord ng isang Sunday noontime show? Ah well, LA pa rin yong venue kaya kahit anong sabihin, proud pa rin ako sa panalo ng mga kabayan natin.

Hotnot: Remember si kabayan na nakapulot ng milyones sa Hongkong pero dahil mabait na tao eh sinoli si milyones sa may-ari? Her case makes me sad. From what I read, may kaso syang pinaglalaban sa amo nya kaya siya bumagsak sa pamumulot ng basura. Which means nasa kawawang kondisyon si kabayan ng mga oras na yon. But despite the huge burden, inuna pa rin nya ang pagiging God-fearing. Sinoli ang malaking halaga. Ang nakakatawa, binigyan lang sya ng isang latang biscuit ng may-ari (company payroll daw yong pera). Ok, sige lang. Ganon talaga. Do not expect a reward kung may ginawa kang mabuti. That’s not the way to do it. Pero ang pinaka-nakakainis, mismong ang opisyales ng gobyerno natin ang kumawawa sa kanya. Nang umuwi sya ng Pinas, one-way visa lang daw ang binigay kaya hindi na nakabalik si kabayan sa HK para ituloy ang kaso sa amo nya. Naiinis ako sa mga taong ito dahil sila ang nagiging dahilan kung bakit ngayon parang ang hirap gumawa ng kabutihan. Malinis nga ang intentions mo but there are people like them who can make you think twice bago gumawa ng kabutihan.

Hotnot: Barack’s first blooper. Napangiwi ako nong mapanood ko yong interview kay Obama about the arrest of a Black professor who was breaking into his house dahil naiwan ang susi somewhere. Naging malaking issue kasi mga puti yong arresting officers. And I thought Barack, who I once said na mabagal mag-speech sa isang event dahil parang very conscious sa choice of words nya, stumbled this time. With the international press huddled with him in front of the White House, he was commenting on the arrest of the Black professor and said that the police officers ‘acted stupidly’ on the arrest. For a statesman of his stature, nagulat ako na masasabi nya yon on worldwide tv. Bawas pogi points. Now he’s working overtime to repair the damage created by that comment. Hope he’s more careful next time.

Hothot: Flying V showing the giants how to do it. Nagbaba daw ng presyo ng langis ang independent player na ito sa atin. As in significant daw yong ginawang price reduction na kinatuwa ng mga motorista. Yan ang maganda pag may ibang players sa market. At least may ibang option ang mga tao at hindi totally dependent sa Shell, Petron at Caltex – ang tatlong higanteng bampira na walang awa kung sumipsip ng dugo ng mga kawawang consumers. Sasabihin hindi makapag-baba ng price dahil malulugi sila pero tingnan mo ang financial reports, laging bilyones ang profit every quarter. What Flying V did was a slap across the faces of these 3 suckers. At sana, itong mga maliliit na players na lang ang i-patronize ng pinoy consumers. At least may puso sila kahit papano.

Hothot: Ang bumabang presyo ng call sa celphones plus the extended validity ng mga load. Salamat naman at napag-tuunan din ng pansin ng mga magagaling na pulitiko ito. Dahil sa totoo lang, itong mga telecom companies na ito sa atin, talo pa ang mga holdaper sa kalye. At least ang mga holdaper, tututukan ka at may chance kang lumaban. Sa mga telecom companies na ito, wala. As in halos dukutin sa bulsa mo ang pera mo na wala kang kaalam-alam. Mag-load ka at aasahan mong magagamit mo pero dahil sa kasuwapangan ng mga hindurupot, magugulat ka na lang wala na pala yong ni-load mo. Salamat sa mga pulitikong nag-ayos nito. It took a long time pero salamat pa rin dahil nagawan ng aksyon.

No comments:

Post a Comment