The other day, may nakasabay akong dalawang kakilala sa bilihan ng isda. What caught my attention was the fact na naghati pa sila sa 10SR na bayaran for 1kg of fish. Samantalang ako na nag-iisa eh 3kg ang binili. ‘Ipi-freezer ko’ sabi ko dahil tiningnan ako na parang gusto akong tanungin kung bakit para akong nag-panic-buying.
A few days before, may dalawang kakilala rin akong narinig na nagdi-diskusyon sa pambili ng tubig (mineral water). And they’re talking of what, 4 or 5SR?. Parang gusto ko na silang bigyan ng 5SR para lang matapos na ang diskusyon. Pero napahiya ako sa sarili ko.
Naisip ko kasi, siguro sa akin no big deal ang ganon dahil natural akong gastador. Pero sa kanila, they seem to understand the value of money. Obviously, better than I do. And that’s something I know I have to work on.
One of the weaknesses kasi that I have is handling money. When it comes to managing my finances, lalo na ang pagtitipid, I’m still one big work in progress.
Ako kasi yong taong may problema sa interpretasyon sa pera. Para sa akin, money is just one piece of overly decorated paper pag nasa wallet ko lang sya. It only comes to life, glowing with so much power pag iaabot ko na sya sa shopkeeper in exchange for whatever I’m paying for. That’s why I have this propensity towards buying. Whether it’s something that I really need or something that I simply want.
Kaya siguro hindi ako pinanganak na mayaman. Coz if I were, lalo sigurong wala akong respect sa pera. Eh ngayon nga na pinaghihirapan ko syang kitain, ganon na lang ako makagastos. How much more kung basta ko na lang minana from rich parents. Everytime siguro na papasok ako ng isang mall eh para akong huramentadong kaliwa’t kanan ang lipad ng cash at credit cards.
Coz I love money the way most of the rich and famous do. Dahil marami silang pera, they enjoy the finer things in life. And I want to live La Dolce Vita too. Have a nice house, a flashy car (a fleet wouldn’t be bad), leisure trips to the Carribean and the Swiss Alps, designer clothes, and probably a 150-ft yacht. Eh kaso hindi kaya ng kakarampot kong sweldo. Kaya ding! ding! Reality check muna.
I know I have to enjoy the fruits of my labor but I know I have to save for the rainy days as well. And start a retirement fund kahit matagal pa naman yon. That’s why I’m trying to find ways on how to control my urge na gumastos. Kaya madalas hindi na rin ako naglalalabas ng bahay. Hindi kasi uso sa akin eversince ang window shopping. Wala man akong balak bilhin pag lumalabas ako, pag-uwi ko ng bahay siguradong may bitbit ako. Again, be it something that I need or simply want.
Kaya pinag-aaralan ko na talagang mag-tipid. And the very first monster that I have to deal with is my taste. I have to tone it down. Hirap kasi ng pasosyal wala namang karapatan. Kaya bawas muna sa mga expensive perfumes. May nadala naman akong ilang bote ng Afficionado nong bumalik ako from vacation, okey na yon. Tigil na muna ng pagpapalit ng laptop pag may nagustuhan. At wala na munang expensive dinners sa classy restaurants. Kaya tinuturuan ko na ang sarili kong kumain sa Al-Bahar kahit pa sabihin ni Raoul na hampas-lupa ako. Hindi pwedeng puro Applebees at Sizzler. Si Ega lang ang nakakagawa non.
Mahirap ang buhay. Wala nang OT. At ang recession baka hindi pa matapos this year. So I have to tighten my belt once in a while. Kung kelan pa naman naging 32 tong bewang na to. Hmmpttt!
No comments:
Post a Comment