May 11 po pala is Mother's day again (na sabi nga ni Raoul eh pabago-bago). Kaya one of our regular visitor dito sa dantespeaks – si Mrs Linds na my dear ng ka-adik kong si JunC – requested me to blog something about being a mother. Mother of two kasi sya ng cute na si Buleg at Bitoy (naku Linds, pinapa-play ko lagi kay Jun yong tawag ni Bitoy sa cp... ang cute-cute ng usapan nila!)
Actually, nag-umpisa na akong magsulat in reply don sa request ni Linds. But something came up. At ito, uunahin ko siyang i-publish. Isang napakagandang preview for mother's day. Sulat po ito ng dear friend nating si sir Raoul. Isang very heartfelt na tribute para sa kanyang Nanay Puring. At ang masasabi ko lang po, isang malaking karangalan para sa akin na dito sa dantespeaks niya idaan ang kanyang tribute para sa kanyang mahal na Ina.
Wala po akong binago, ito po ang buong sulat ni ka Raoul para sa kanyang Nanay Puring:
para sa nanay puring ko!
mahal na mahal ko ang nanay ko higit kanino man! kaya ang lahat ng magagawa ko gaano man ito kahirap… handa ko itong iaalay ng buong puso at kaluluwa! parang katunog ng isang dialogue sa soap operang napapanood sa tv… channel 7 po at hindi abs-cbn… hehe heheh heheheh para medyo mapigil ang luha hehe heheh hehehheh!
medyo may idad na ang aking mahal na nanay… mag-si 77 na siya this coming august three, malakas na malakas ang pangangatawan dangan nga lang at medyo madali ng mapagod kapag siya’y aming ipinapasyal… kaya gustong gusto nya ang baguio city (kaya lagi kaming nagbabakasyon don kapag ako ay umuuwi ng pinas… buti ngayon at libre na ang hotel o transyent haws namin dahil taga roon ang aking naka-isang dibdib) kasi don laging malamig ang panahon na hindi na niya kailangan pang mag-isip ng malaking halagang ibabayad sa meralco kapag binubuksan nya ang split type a/c na talagang ipinakabit ko sa bahay para lang sa kaniyang kaginhawan… sobra kasi init na sa pilipinas!
sa totoo lamang, hindi ko malaman kung san ako magsisimula sa pagkukuwento patungkol kay nanay puring!
OK… nay gaya ng lagi kong sinasabi sa iyo pag tayo’y nagkakausap… i love you! kaya nais kong isalaysay ang part ng life mo… hehe hehehe hehhehehe!
ang buhay namin ay di ko naman masasabing napaka dukha, meron kaming telebisyon na bihira mong makikita sa kabahayan nong late 70’s at early 80’s, isa kami sa mga maagang nagkaroon ng kuryente, madalas may bagong damit kapag may mga okasyon, kumakain kami sa oras at kahit di ganoon kasarap lagi naman kaming mayroong makakain sa hapag kainan na madalas kaysa minsan naala-ala ko nong akoy isang musmos pa lamang… laging napupunta kay don pepe! iyon ang name ng aming bantay sa bahay na isang cute at mabait subalit mabangis na alagang aso sa mga di nya kilalang pumaparoon sa aming bahay.
sa aking pagkaka-ala-ala ang nanay ko ay laging maagang gumising… alas dos ng madaling araw, lagi kong nauulinigan ang kanilang pag-uusap ng aking tatay kapag sila ay magkasalong umiinom ng nescafe… pagkatapos kukuhanin na niya ang maliit na basket (lagayan ng pera at malimit don ako kumukuha ng barya pambili ng tira-tira at kulangot) upang ihatid na siya ng tatay ko patungong “fish house or fish aquarium” heheh eheheheh heheheh (kaya lagi akong natatawa kapag naaala-ala ko ang palaro ni edgardo / na ala win’ lose or draw ng yu es of ey… fish retailer (meron siyang pwesto don sa general trias - malabon wet market) ang mother ko na siyang ipinantulong nyang ipambuhay sa amin… kaagapay sa kita ng tatay ko! masinop sa perang pinaghirapan nya ang mother ko… katibayan kaming sampung magkakapatid na sabay sabay niyang itinaguyod ng mag-isa… dahil maaga kaming inulila ng aking tatay!... darating ng bahay ang nanay ko bago mananghalian, salamat na lamang po at di kami pasaway na magkakapatid kaya bago pa man siya dumating nakapag luto na kami ng aming pagkain… at iyan po ang isang dahilan bakit sa aking murang idad marunong na akong magluto, mag-ayos ng aking mga damit pag pasok sa eskuwela, mag-linis ng bahay, mag-lagay ng floor wax at mag-bunot ng sahig… (kasi dati uso pa noon ang papulahan at pakintaban ng sahig dahil wala pang mga tiles nuon)… kapag merong ispesyal na okasyon, bertdey, pasko, pista at bagong taon… gusto niyang naghahanda ng ibat ibang putahe ng ulam… gustong gusto kong niluluto nya iyong… pork at beef na nilagyan ng sarsa at sweet pickles na hindi ko na natitikman sa ngayon… dahil medyo may idad na sya… maalat na syang magluto… hehe heheh hehhhheh, i love you nay…! kaya ang trono nya ng pagluluto ng masarap ay namana ng aking ate na sinundan ko… ewan ko kung, pampalubag loob lamang ang mga naririnig ko kapag nagugustuhan nila ang mga luto kong pagkain. pagkakain nya ng tanghalian kaunting pahinga… then matutulog na sya sa sobrang pagod at gigising sya kapag meryenda time… bibilangin na nya ang pera sa basket aayusin then maliligo na sya, minsan kapag di gaanong pagod sya pa rin ang nagluluto ng aming hapunan subalit kung may libre sa aming magkakapatid kami na ang umaako niyon… at pagkatapos kumain, uupo na sya sa sofa sa harap ng telebisyon para manood ng anna liza… peyborit na peyborit nya yaon… kaya noong yumao (koling koling… eton) si julie vega… talagang magkakasama pa kaming pumunta sa pinagburulan nya sa mt. carmel church… talagang sobrang haba ng pila para makita ang mukha ni JV.
taong 1980 ng yumao ang aking ama… kitang-kita ko ang kaniyang dalamhati ng pagkakataong iyon… paos na ang kaniyang boses sa pagpalahaw ng iyak… kaya meron syang bantay sa kaniyang tabi pag gumigising sya… tinuturukan sya ng ewan ko kung ano iyon, pampa praning yata… dahil pagkaturok niyon… tatahimik sya then tatanong nya kung sino daw iyong nandon sa loob ng casket habang tumutulo ang kaniyang luha.
kung tutuusin pwede pa siyang makahanap ng makakapareha sa buhay kung talagang gugustuhin nya… subalit ang sabi nya sa kaniyang mga amiga… di na raw kailangan at marami siyang mga anak na kakalingain… sa aking murang isip naitanim ko ang mga katagang yaon… na sadya naman talagang tinupad nya… kaya habang ako’y mayroong hininga… ito’y aking gagamitin sa pagbibigay ng kaluguran at kasiyahan sa kaniya… kaya pilit kong pinagbuti ang aking pag-aaral talagang wala akong bagsak sa ano mang uri ng pagsusulit… dangan nga lamang ay sadyang inaamin kong tamad akong mag-aral… subalit inborn naman yata ang aking katalinuhan (dyan bilib ang mga klasmeyts ko hehe heheh ehheheh yabang!), dahil kahit di ako mag aral ng lubos… sadyang pasado ako pagdating ng eksmineysyon! ang pinakamataas kong nakamit sa akademiko ay ang medalyang 2nd honors! na buong pusong inialay ko sa kaniya.
kaya naman makalipas ang ilang buwan o taon yata… pinilit ng aking mga kuya na huwag na lang siyang mag trabaho at magpahinga na lamang sa bahay subali’t nananaig pa rin sa kaniya ang pusong ina at ang kaniyang tungkulin sa amin bilang kaniyang mga mahal na anak nagpatuloy pa rin siya ng paghahanap buhay dahil malulungkot lamang daw siya kung siya ay mananatili lamang na nasa bahay… salamat naman po at kalaunan ay nakumbinsi na rin siyang mag pahinga na lamang sa bahay.
minsan ko pang napatunayan ang kaniyang pagmamahal sa akin ng isang araw, tag-ulan noon as usual baha sa pinas at malakas ang ulan habang siya ay naglalaba ng basahan yata iyon… may bumagsak sa kaniyang ulunan na naging sanhi ng pagdurugo nito… habang ang aking kuya ay papalapit upang magbigay ng saklolo ang sigaw niya ay ang aking pangalan… sigaw niyang huwag ako papuntahin duon, dahil alam niyang kapag ako ay nakakakita ng maraming dugo… pinapanawan ako ng ulirat… as in hinihimatay ako ng ilang minuto! iyon ay isa lamang sa mga payak na kaganapan na talaga namang naka-ukit sa aking puso na kailanman ay di kukupas.
kaya naman kahit anong okasyon… lalo na ang kaniyang kaarawan, di maaring wala akong i-o organisang salu-salo at gaano man kamahal ang tiket sadyang pilit akong umuuwi ng pinas para personal na makisaya sa kaniyang kaarawan! hanggang sa dumating ang isang pagsubok… sya’y na-stroke at kahit gaano man kalaki ang bayarin sa hospital talagang iginapang ko iyon… sa dakilang habag ng Diyos nating mahal… naka-rekober sya… at lumipas ang mga panahon… isang araw ng ako’y nakabakasyon… pilit nya akong tinatanong kung ano ang gusto kong i-ulam sa hapunan, habang nagluluto sya ng pork adobo… sa kaniyang pagtikim! siya’y biglang nasamid dahil siguro sa suka na sahog sa kaniyang niluluto… ang ubong iyon ay di nawala kahit marami na siyang nainom na tubig… bigla siyang tumahimik na lang na nahiga sa sofa habang kami ay kumakain… kinakausap siya ng ate ko na lagi niyang kasama sa bahay kapag ako ay bumabalik na dito sa gitnang silangan… napansin ng ate kong kakaiba na ang hininga ng nanay ko at medyo pa-bulol na siyang nag-sasalita… tawag na kami sa kuya ko na noon ay chief ng baranggay sa kanilang lugar at upang mapabilis ang pagtakbo sa hospital ay dinala nya ang parang ambulance na naka-assign sa kanilang distrito… wang wang wang! daretso kami sa emergency entrance ng ospital… habang sinusuri ang aking nanay sa kaniyang karamdaman at mga previous records nya… ang sabi ng doctor sa amin, kung hindi naagapan at nahuli ng kahit ilang minuto… komatos daw ang kaniyang aabutin (gaya ng nangyari kay F. Poe Jr.), kaya don ko sya pina-kwarto sa pribadong silid with matching everything para di mainip ang aking nanay pati na rin ang mga bantay… kahit na gumastos ng six digits hokies lang dahil kita mong okay naman sya… at nag hire pa kami ng PT para regular siyang ma-massage.
sa kaniyang kalagayang iyon, parang dinurog-durog ang puso ko ng araw ng aking balik dito sa ksa… iyak sya ng iyak habang ina-alo ng aking mga kapatid! kaya lumipas ang dalawang buwan at pilit talaga akong nagbakasyong muli para lang makasigurong oks na oks ang kaniyang pag-galing… nagbalik sigla ang kaniyang katawan na di mo kakikitaan na nanggaling sa stroke… hiyon nga lamang, nakakapag salita sya subalit maraming pagkakataon na di mo maunawaan ang kaniyang ibig sabihin… kaya ngingiti na lang sya kapag tiningnan mo… ngiting magiliw na magiliw bilang pagtitiyak na siya ay okay!
kaya nga maraming pag-kakataon kapag ako ay nasa bakasyon… kahit siksikan… don kami matutulog na mag-asawa kasama nya sa kaniyang bed, wala lang just for her to feel na nandon lang ako para sa kaniya… kaya pag nalulungkot sya… text lang sa akin ang sister ko… tatawagan ko na sya at patatawanin… tanong ko sa kaniya kung ano ang kinain nya ng pananghalian… meryenda nya… tatanungin ko sya kung ubos na ang allowance nya… pag sinabi nyang meron pa, kunwari uutang ako… hihingi ako ng kinakain nya para ipadala sa akin through sms… para lang tumawa sya!
kaya naman sa tuwing ako ay magbabakasyon sadya namang mas marami syang pasalubong kaysa sa misis ko… at huwag naman sanang magtatampo ang wife ko sakaling mabasa nya ito… na kung aking susuriin… higit sa lahat ng bagay, higit kanino man di ko pwedeng ipagpalit ang nanay ko…!
bago nga pala mawaglit sa aking isipan… nong kasalukuyang ako’y nag-aaral pa… pag nag-ke-kwentuhan ang kung sino man at kausap ang nanay ko… hindi daw nya papayagan ang ate kong mag-abroad dahil dati merehong offer yata na mangibang bansa sya… usong uso noong taym na yaon ang pag-ja-japan (japayuki)… ang lagi nyang sinasabi sa mga kausap nya (heto po ay talagang baon ko kahit san ako makarating… iyon bang proud na proud sa iyo ang nanay mo, naiiyak ako sa tuwing aking maaa-ala ala)… ako lang daw ang papayagan niyang pumunta at magtrabaho sa ibang bansa… dahil daw kilala nya akong isang mabuting bata na marunong makisama sa lahat ng uri ng tao, hindi nakikipag basagulo at higit sa lahat masipag daw at maasahan… isa lang daw ang kaniyang ipinag-aalala… iyong kapag ako ay nakakakita ng dugo…! (hewan ko kung totoo iyon o salita lang ng magulang para sa kaniyang anak)… subalit kahit ano pa man iyon… sa bibig mismo niya ko narinig… kaya ito’y pilit kong iniukit sa puso ko!
i love you nay!... sa kaniyang idad sa kasalukuyan, malimit na siyang magmanya… naghihintay sya ng kahit anong pasalubong kapag ako ay umalis ng bahay… kahit pumasyal lang kami kung saan, basta magtatanong iyan ng pasalubong… gustong gusto nya ngayon ang burger at spaghetti ng mc do or jollibee kung tutuusin napaka mura lamang… subalit masayang masaya na siya doon, kaya pag ako ang nagpasalubong may kasama pang cakes & donuts lagi! lalo na kapag medyo malayo ang aking pinuntahan… at isa pa nyang hilig ay mga bagong damit… kaya pag ako napapasyal ng malls laging sya ang nasa isip ko… bagong tsinelas… damit (hindi ko sya ibinibili ng damit na pang matanda… pati kulay at style dahil ayaw ko sa kaniyang mag suot ng mga kulay pang oldies… gusto ko lagi syang mukhang fresh at bata… kaya ngat sa tuwing birthday nya para lagi siyang mag de debut… talagang nagpa-pa home service pa kami para lang sa kaniyang make up at hair do… ganiyan ko at namin kamahal ang nanay ko.
lagi ko ngang iniisip… na mas nanainisin kong ako ang mauna na mawala sa daigdig kaysa sa kaniya… dahil di ko ma-imagine ang buhay ko,,, kung di ko sya makikita… sa totoo lang po!
kaya nga tamang tama sa araw ng mga nanay… heto ang alay ko para sa kaniya… i love you nay… at talaga namang forever akong thankful kay GOD dahil ikaw ang aming nanay.
ang may akda – seven (raoul c. macahilo)

No comments:
Post a Comment