.
yong naka-checkered polo si Tatay. kahit po matagal na syang nawala sa mundo (1995), hinding-hindi nawawala sa puso at isip ko ang aking mahal na ama.
.
best friend nya ang ninong ko, si Rodrigo Godoy (ondoy, godoy... kaya siguro nagkasundo sila... hahahaha!). ako syempre yong naka-cowboy hat at yong katabi ko naman ay si atid (kinakapatid) na Francis na ang liit-liit sa pic namin pero last time na makita ko sya nong late 90's eh dambuhala na. imagine, pareho ng style ang mga tatay namin dahil pareho kami ni atid Francis na only child! sila yata ang mga unang advocates ng family planning... hehehehe
.
halos hindi ko na matandaan si ninong kasi bata pa ako nang magkahiwalay sila ng ninang Sancha ko at umalis sa aming bayan sa Mindoro. sabi ng Tatay ko noon, nagpunta raw ng Puerto Princessa (Palawan) si Ninong. for a while ay nagsusulatan ang mag-kumpare at natatandaan ko pa na nabasa ko ang sulat ni Ninong. nakapag-asawa na raw siya at may sariling pamilya na sa Puerto Princessa.
.
yon ang last na balita ko sa kanya. until now, hindi ko alam kung buhay pa sya at kung ano na ang nangyari sa kanya. sana naman nasa mabuti syang kalagayan. if not, baka nagkita na sila ni Tatay at pareho na silang mga pasaway kay San Pedro! hahahaha...
.
Ninong - nasaan ka man, hindi ako nagagalit sa yo kahit hindi ako nakaranas makapamasko sa iyo eversince! maganda nga yon, hindi ako natutong manghingi o mag-expect ng kahit ano pag pasko. at kung buhay ka pa, sana magkita tayo. ikaw ang papapaskuhan ko. pero kung milyonaryo ka naman, aba mahabang kwentahan ang aabutin mo!!!
...
No comments:
Post a Comment