Matagal ko na itong natapos kasi karugtong ito nong previous posting ko (byaheng langit), pero hindi ko na na-post. ngayon ko lang na-alala dahil kaninang nag-uumpukan na naman ang mga adiks over meryenda sponsored by ega, natanong ang tungkol sa family ko. kaya eto, itodo ko na. but please, bear with me. mahaba-haba kasi ito.
ang tatay ko, nagkahiwalay sila ng misis nya after a very short marriage. isa rin lang ang naging anak nila. sya yong kuya edgar ko na kasama namin sa pic ng parents ko (pic re-posted here). si kuya edgar, lumaki sa mother nya. kaya malayo ang loob sa father ko. kahit sa akin, hindi kami naging close. siguro dahil madalang kaming magkita. madalang kaming magkausap. matagal na syang seaman kaya may mansion na sa san pedro.
sa mother side ko naman, namatay ang asawa nya and left her with 7 kids. at dahil nasa paligid ko lang sila habang lumalaki ako, naging mas close ako sa kanila. sila rin ang reason kung bakit nagsikap akong mabuti, had one big dream that turned out to be one big disappointment.
ganito yon....
I was still very young nang ma-realize ko na mahirap lang kami. Poor. And believe me, at that age, hindi ko agad nagustuhan ang nakita ko. Poverty is quite ugly if you’re staring at it up close. Kaya bata pa lang ako, I already promised myself to find a better life. Of course, dahil bata pa, nandon yong linyang ‘paglaki ko, yayaman ako.’
Pero syempre hindi ganon kadaling yumaman. Habang nagkaka-isip ako, nari-realize kong getting rich is easier said than done. Mangarap na lang ako ng dilat. Pero kahit ganon, todo sikap pa rin ako. And now, hindi man ako yumaman, I can say hindi naman ako nabaon sa hirap na kinalakihan ko. At kung tutuusin, kung naging selfish lang siguro ako, maginhawa na ako ngayon. May naipon na siguro akong malaking pera or may sarili nang negosyo. But I had other concerns.
One thing kasi na pinursigi ko, aside from improving my own condition, is to help my family as well. Ito ngang mga half brothers and sisters ko. Gusto kong umasenso din sila. Naaawa kasi ako sa hirap ng buhay na nakikita ko sa kanila.
That’s why High School pa lang ako, I made a promise na pag-aaralin ko ang mga first-born kong pamangkin. Ang idea ko kasi, pag nakapag-aral sila, they can get a job and earn, para masuportahan naman nila yong studies ng kapatid nila. Then pasa-pasa na down to the bunso. Parang Pay It Forward (sa akin yata kinuha yong concept nitong film na to eh). At kung hindi man makatapos lahat, at least iba na yong may isa o dalawang professional sa isang pamilya. Malaki na ang chance na gumanda ang buhay.
Kaya first contract ko pa lang sa Saudi, nagpapa-aral na ako ng dalawang College. At extended pa yong charity program ko dahil kahit hindi panganay, pag inilapit sa akin, tinutulungan ko na rin. Pati nga isang pinsan ko naki-angkas pa. Pero sige lang. Basta mag-aral.
Kasabay ng tulong na binibigay ko sa kanila ay yong constant reminder kung bakit ko sila tinutulungan. I’m waging a war against poverty and I’m helping them so they can help themselves wage their own war. Para hindi sila mabaon sa hirap.
Akala ko nagka-intindihan kami. Hindi pala.
Hindi ko naman iningles. Tagalog na tagalog. At may mga nag-iyakan pa, lalo na yong dalawang babae. Ibig sabihin, naunawaan yong mga sinabi ko. Hindi lang siguro itinanim sa mga matitigas na kukote.
Dahil lahat sila, iisa ang pinuntahan. Yong isang lalaki, nakakuha ng marriage certificate one semester earlier than his diploma. Yong isang babae, katatapos pa lang sa High School, sa catholic school ko pa mandin pinapasok para maganda ang foundation sa college, nabuntis na. And it’s almost the same story don sa iba pa. In short, naka-tikim nga ng kaunting edukasyon pero mas nagustuhan ang ibang natikman – sarap ng katawan. At kulang na lang mag-karera kung sino ang mauunang mag-asawa at manganak ng isang dosena.
At syempre, pag nag-asawa na, iba na ang priority. Hindi na ang magkaroon ng career. Karera na ng lampin ang inaatupag, sabi nga ng matatanda.
And that is my biggest frustration in life up until now.
Sabi nga ng pinsan/best friend ko, kaya ako na-disappoint, kasi I was expecting something in return. Na dapat tumulong ako ng walang ini-expect na kapalit. Pero matatawag bang kapalit yong hinihingi kong resulta ng pag-tulong ko? Was I asking too much na tulungan nila ang mga sarili nila using the help na binigay ko?
Besides, ibang usapan sana kung kahit isa o dalawa man lang may nag-succeed. Kaso wala kahit isa. Five – zero ang score. Five ang kalaban, ako ang zero! Bokya!
Lahat parang tinamaan ng autism. Walang nakitang ibang mundo kungdi yong ginagalawan nila. Kahit ilang beses ko nang sinabing masarap mag-abroad. Masarap sumakay sa eroplano. Masarap kumita ng dolyares. Masarap makabili ng ginto, relo at kung ano pang luho sa katawan galing sa sarili mong pera. Masarap kumain sa mamahaling restaurants. Basta. Masarap mabuhay ng may pera. But nobody dared to think and dream outside the tattered box.
Anong nangyari sa kanila ngayon? May namamasada ng triclycle. May nagtitinda ng baboy sa palengke. May waitress sa isang canteen. At kung ano-ano pang trabahong kadalasan ay minimum wage ang sweldo, mas malaki pa ang deductions kesa sa take home pay.
O, wag mong sabihing may trabaho naman pala. At marangal. Hindi yon ang punto.
Ang punto, binigyan ko sila ng chance na i-improve ang buhay nila. The only chance they’ll probably get – ever – in their entire life. And yet, hindi nila pinahalagahan. And in doing so, they chose to stay right where they are. Mahirap. At lalo pang lulubog sa hirap ngayong gumawa sila ng mas malaking problema sa buhay nila.
Dahil hindi lang responsibility to their own selves ang binalewala nila. Hindi lang yong nawalang chance na makatulong sa mga kapatid at mga magulang. Ngayon, nagdadagdag pa sila sa statistics ng NCSO para lalong lumobo ang population living below poverty line.
Dahil ang mga batang inaanak nila sa mundong ito, ang mga kawawang bata na walang kamalay-malay, are heir by default to a life full of hardhisps. Isang buhay na kung inayos lang muna sana nila, ay mas magandang kalakhan ng isang bata.
Tapos ano? Sa mga anak naman nila ipapasa ang pag-asa na pag-laki ay mag-aaral at aasenso, maiiahon sila sa hirap? And the vicous cycle starts all over again. Di ba isang malaking katangahan. They’ve just propagated something that they, themselves, could have done something to stop.
Sabagay, nagmana lang siguro sa akin ng katigasan ng ulo ang mga batang ito. Dahil matapos ang mahabang litanya ko sa taas na kina-maga ng mata ninyo, and after 3 or 4 years na sumigaw ako na “tama na, ayoko na, suko na ako!”... eto at may isa naman akong college. Criminology. Sana makatapos at nang hindi bumagsak sa pagiging sekyu. O kaya TMG kotong.
sensya na kayo kung pati personal na bagay nasi-share ko na dito. actually, it's embarrassing. it's something i can never be proud of. but what the heck.... that's a fact of my life. and whatever good it may do to you, i wouldn't mind sharing. kung wala man, salamat na lang for reading on... haba noh!
No comments:
Post a Comment