Saturday, May 31, 2008
Friday, May 30, 2008
no. 7: pangit!!!
i have one more pangit in my body. pero ito, hindi talaga ako na-bother kahit kailan. in fact, nag-enjoy pa ako in several instances. nakakatawa kasi ang reaction ng mga tao and pseudo-palm readers sa pangit kong palad. sa pangit nya, marami na akong pinasakit na ulo ng mga manghuhula!
ang sabi ng karamihan na 'bumasa' sa palad ko, magulo ang buhay ko dahil daw sa dami ng nga guhit na nagsala-salabat sa palad ko. eh doon pa lang, bagsak na sila. bakit? eh ang pagkaka-alam ko, matino ang buhay ko. tahimik akong nagta-trabaho at namumuhay as one responsible, productive member of the society. never did i commit any crime nor was involved in any illegal activities. kaya don pa lang, hindi na ako naniniwala sa mga palm readers. my life is my choice. kaya walang epekto sa akin magulo man ang palad ko.
second thing na madalas kong marinig sa mga palm readers, marami raw akong magiging asawa. bilangin ba naman yong mga guhit sa gilid ng palm ko. yon daw ang number ng mga magiging ka-relasyon ko. eh di bagsak na naman! eh ni hindi pa nga ako nakaka-isa. pero kung bibilangin ang mga illicit love affairs, pwede. marami na nga. hahahaha!!! jowk lang po!!!
another thing na naririnig ko sa mga manghuhula eh hindi raw ako yayaman. dahil yon daw little finger ko ay hindi umabot sa upper line nong ring finger ko. eto talagang totoo. pero siguro kahit hindi na ito ihula sa akin, alam ko na at tanggap ko na hindi ako yayaman kahit kailan. kasi, yayaman lang ako kung magpapaka-selfish ako. and turn a blind eye on things goin on in my family. pero hindi ko yata yon kaya. kaya hindi talaga ako yayaman.
kaya pag may nakakapansin sa palad kong magulo at mag-aattempt na basahin, sorry na lang kayo. sasakit lang ang ulo nyo. tingnan nyo na lang ang pix.... o, dare???
Thursday, May 29, 2008
darn counter
Tuesday, May 27, 2008
one big dream
ang tatay ko, nagkahiwalay sila ng misis nya after a very short marriage. isa rin lang ang naging anak nila. sya yong kuya edgar ko na kasama namin sa pic ng parents ko (pic re-posted here). si kuya edgar, lumaki sa mother nya. kaya malayo ang loob sa father ko. kahit sa akin, hindi kami naging close. siguro dahil madalang kaming magkita. madalang kaming magkausap. matagal na syang seaman kaya may mansion na sa san pedro.
sa mother side ko naman, namatay ang asawa nya and left her with 7 kids. at dahil nasa paligid ko lang sila habang lumalaki ako, naging mas close ako sa kanila. sila rin ang reason kung bakit nagsikap akong mabuti, had one big dream that turned out to be one big disappointment.
ganito yon....
I was still very young nang ma-realize ko na mahirap lang kami. Poor. And believe me, at that age, hindi ko agad nagustuhan ang nakita ko. Poverty is quite ugly if you’re staring at it up close. Kaya bata pa lang ako, I already promised myself to find a better life. Of course, dahil bata pa, nandon yong linyang ‘paglaki ko, yayaman ako.’
Pero syempre hindi ganon kadaling yumaman. Habang nagkaka-isip ako, nari-realize kong getting rich is easier said than done. Mangarap na lang ako ng dilat. Pero kahit ganon, todo sikap pa rin ako. And now, hindi man ako yumaman, I can say hindi naman ako nabaon sa hirap na kinalakihan ko. At kung tutuusin, kung naging selfish lang siguro ako, maginhawa na ako ngayon. May naipon na siguro akong malaking pera or may sarili nang negosyo. But I had other concerns.
That’s why High School pa lang ako, I made a promise na pag-aaralin ko ang mga first-born kong pamangkin. Ang idea ko kasi, pag nakapag-aral sila, they can get a job and earn, para masuportahan naman nila yong studies ng kapatid nila. Then pasa-pasa na down to the bunso. Parang Pay It Forward (sa akin yata kinuha yong concept nitong film na to eh). At kung hindi man makatapos lahat, at least iba na yong may isa o dalawang professional sa isang pamilya. Malaki na ang chance na gumanda ang buhay.
Kaya first contract ko pa lang sa Saudi, nagpapa-aral na ako ng dalawang College. At extended pa yong charity program ko dahil kahit hindi panganay, pag inilapit sa akin, tinutulungan ko na rin. Pati nga isang pinsan ko naki-angkas pa. Pero sige lang. Basta mag-aral.
Kasabay ng tulong na binibigay ko sa kanila ay yong constant reminder kung bakit ko sila tinutulungan. I’m waging a war against poverty and I’m helping them so they can help themselves wage their own war. Para hindi sila mabaon sa hirap.
Akala ko nagka-intindihan kami. Hindi pala.
Hindi ko naman iningles. Tagalog na tagalog. At may mga nag-iyakan pa, lalo na yong dalawang babae. Ibig sabihin, naunawaan yong mga sinabi ko. Hindi lang siguro itinanim sa mga matitigas na kukote.
Dahil lahat sila, iisa ang pinuntahan. Yong isang lalaki, nakakuha ng marriage certificate one semester earlier than his diploma. Yong isang babae, katatapos pa lang sa High School, sa catholic school ko pa mandin pinapasok para maganda ang foundation sa college, nabuntis na. And it’s almost the same story don sa iba pa. In short, naka-tikim nga ng kaunting edukasyon pero mas nagustuhan ang ibang natikman – sarap ng katawan. At kulang na lang mag-karera kung sino ang mauunang mag-asawa at manganak ng isang dosena.
At syempre, pag nag-asawa na, iba na ang priority. Hindi na ang magkaroon ng career. Karera na ng lampin ang inaatupag, sabi nga ng matatanda.
And that is my biggest frustration in life up until now.
Sabi nga ng pinsan/best friend ko, kaya ako na-disappoint, kasi I was expecting something in return. Na dapat tumulong ako ng walang ini-expect na kapalit. Pero matatawag bang kapalit yong hinihingi kong resulta ng pag-tulong ko? Was I asking too much na tulungan nila ang mga sarili nila using the help na binigay ko?
Besides, ibang usapan sana kung kahit isa o dalawa man lang may nag-succeed. Kaso wala kahit isa. Five – zero ang score. Five ang kalaban, ako ang zero! Bokya!
Lahat parang tinamaan ng autism. Walang nakitang ibang mundo kungdi yong ginagalawan nila. Kahit ilang beses ko nang sinabing masarap mag-abroad. Masarap sumakay sa eroplano. Masarap kumita ng dolyares. Masarap makabili ng ginto, relo at kung ano pang luho sa katawan galing sa sarili mong pera. Masarap kumain sa mamahaling restaurants. Basta. Masarap mabuhay ng may pera. But nobody dared to think and dream outside the tattered box.
Anong nangyari sa kanila ngayon? May namamasada ng triclycle. May nagtitinda ng baboy sa palengke. May waitress sa isang canteen. At kung ano-ano pang trabahong kadalasan ay minimum wage ang sweldo, mas malaki pa ang deductions kesa sa take home pay.
O, wag mong sabihing may trabaho naman pala. At marangal. Hindi yon ang punto.
Ang punto, binigyan ko sila ng chance na i-improve ang buhay nila. The only chance they’ll probably get – ever – in their entire life. And yet, hindi nila pinahalagahan. And in doing so, they chose to stay right where they are. Mahirap. At lalo pang lulubog sa hirap ngayong gumawa sila ng mas malaking problema sa buhay nila.
Dahil hindi lang responsibility to their own selves ang binalewala nila. Hindi lang yong nawalang chance na makatulong sa mga kapatid at mga magulang. Ngayon, nagdadagdag pa sila sa statistics ng NCSO para lalong lumobo ang population living below poverty line.
Dahil ang mga batang inaanak nila sa mundong ito, ang mga kawawang bata na walang kamalay-malay, are heir by default to a life full of hardhisps. Isang buhay na kung inayos lang muna sana nila, ay mas magandang kalakhan ng isang bata.
Tapos ano? Sa mga anak naman nila ipapasa ang pag-asa na pag-laki ay mag-aaral at aasenso, maiiahon sila sa hirap? And the vicous cycle starts all over again. Di ba isang malaking katangahan. They’ve just propagated something that they, themselves, could have done something to stop.
Sabagay, nagmana lang siguro sa akin ng katigasan ng ulo ang mga batang ito. Dahil matapos ang mahabang litanya ko sa taas na kina-maga ng mata ninyo, and after 3 or 4 years na sumigaw ako na “tama na, ayoko na, suko na ako!”... eto at may isa naman akong college. Criminology. Sana makatapos at nang hindi bumagsak sa pagiging sekyu. O kaya TMG kotong.
sensya na kayo kung pati personal na bagay nasi-share ko na dito. actually, it's embarrassing. it's something i can never be proud of. but what the heck.... that's a fact of my life. and whatever good it may do to you, i wouldn't mind sharing. kung wala man, salamat na lang for reading on... haba noh!
Monday, May 26, 2008
Saturday, May 24, 2008
Alfa Nero and Amevi Anastasia
PARTYTIME
Thursday, May 22, 2008
mano po ninong
Monday, May 19, 2008
kwentong barbero
In the short conversation namin ni kabayang barbero (na hindi ko man lang naitanong kung ano ang pangalan), natanong ko sya kung tulad sya ng ibang barbero na boundary system ang laban sa kanilang sponsor. Yong tipong nagbibigay sa sponsor nila ng agreed amount isang buwan at kung anoman ang sumobra, yon ang kita nila.
In his case, hindi raw ganon. Employee talaga sila nong hotel and they are being paid a fixed salary which means lugi sya dahil sa ganong klase ng trabaho, mas maganda ang chance kumita ng malaki kung boundary system. At kahit hindi ko tinatanong, dahil siguro sa frustration ni kabayan, sinabi nyang SR 600 lang ang sweldo nya. Plus 200 daw na food allowance and 200 fixed overtime pay samantalang 12 to 14 hours daw ang trabaho nila everyday. I-total mo man yon, that’s SR 1,000 monthly pay lang – approximately US$ 265 or Php 11,000. Medyo maliit sa isang nag-aabroad lalo na ngayon at mahal na kahit NFA rice.
For a while I struggled for words. Hindi ako makapag-comment kay kabayan. If I say something to commiserate, baka magatungan ko lang kung ano man ang frustration na nararamdaman nya. However, sya na rin ang nagtuloy ng conversation by saying na tatapusin lang nya yong contract at maghahanap sya ng ibang opportunity.
Kagabi, just before na makatulog ako, yong conversation namin ni kabayan ang iniisip ko. It had such an impact on me dahil sa sitwasyon ko. Na-realize ko na yong conversation na yon gave me a different perspective of my situation. A situation na ilang buwan nang naka-store at the back of my mind.
Close friends know kung ano ang nararamdaman ko sa trabaho ko ngayon. I wouldn’t elaborate pero nandon na ako sa point where I have seriously considered making another major decision. Something that, in my younger years, eh madaling gawin. Noon, pag sinabi kong that’s it, yon na yon. Whatever I have to do, I do it right there and then. No hesitations, no considerations.
Pasalamat naman ako dahil kahit ganon ako ka-impulsive noon, wala akong major decisions na pinag-sisihan ko. Nothing that led to some life-altering situations. Pero sabi nga, as we grow older, we should grow wiser. And this time, I think I've learned to control my impulses. Paunti-unti, natutunan ko kung paano yong sinasabing think twice.
Kaya yong problema ko sa trabaho, hinayaan ko lang. Whatever ngitngit na nararamdaman ko, I learned to deal with it. At sabi ko, I’ll just make the decision whenever the right time comes. Meantime, sabi ko sa sarili ko I’ll just let it be. Baka maka-kita ako ng solution or even a single clue kung paano ko ireresolve yong sitwasyon. At yon nga, mukhang yong usapan namin ni kabayan ang isang clue na hindi ko inaasahan, dumating.
I pity kabayan for his misfortune. Obviously, hindi maganda ang napuntahan nyang trabaho. Oo nga at may choice naman tayo pag nag-aaply sa Pinas, but I wouldn’t blame him na kumagat sa ganong klase ng sweldo. He must have his own reasons na hindi natin alam. At wala tayong karapatang kwestiyonin.
Pero hindi sya ang punto ko dito. Ang mga sinabi nya ang gumawa ng impact sa akin. Kaya wala man syang kaalam-alam, pero natulungan niya ako na i-appreciate kung ano ang sitwasyon ko ngayon. He was such an eye-opener for someone like me who has forgotten to appreciate things, good things, that have been coming my way. Things that I've been taking for granted for the longest time.
Hindi na-solve ng conversation naming yon ang problema ko. The fact remains that I still have a problem to face and resolve. But what that conversation did is that it reminded me of something I should have been doing all along. Na dapat pala, I should be looking at the situation from a wider perspective. Mas madaling mag-decide, at mas tama ang decision na mararating mo if you do that.
And that one, I owe to kabayang barbero. I promise I’d give him a bigger tip next time na magpagupit ako sa kanya.
Saturday, May 17, 2008
Whatcouldit.be
Uploud your photo and make a puzzle with Whatcouldit.be
Maak een puzzel online met een foto naar keuze , als je een website bezit hoeft je alleen maar de widget te selecteren en hem in je post te plaatsen , geldt vrees ik alleen niet voor Hyves ,die zal hem wel niet herkennen........Image Anonymiser geeft ook weer meer kleur aan je foto's , het tooltje wat erbij zit gaat van 1 tot 10 en als extra kan hem ook nog in de stand invert zetten.
Thursday, May 15, 2008
what's goin on
china quake - another disaster claiming lives of more than 10,000 people. seeing dead bodies, wailing mothers, lost children and faces grimacing from pain breaks my heart. nakaka-iyak makita yong mga mukhang nakalabas while half of their bodies are trapped under a slab of concrete. i couldn't help but close my eyes and just pray for these poor souls. at sana naman, wag nang tumama sa pinas ang mga ganitong disasters. sana.
justin’s retirement - with just 11 days to roland garros, it came as a shock in the sporting world to have someone who's currently ranked no 1 announce her quitting. for goodness sake, halos 2,000 points ang lamang nya kay sharapova na no 2. i was personally disappointed. i've long been a fan of this diminutive champ. along with roger federer, sila ang mga reason kung bakit nanonood ako ng grandslams. mga genuine talents kasi sila. coz in these days of highly glamorized tennis where media hype creates superstars out of mediocre players, justin is the real deal with her killer forehand and equally lethal backhand. sana naman temporary lang ito and she'll soon come back to give back the tennis circuit some excitement and credibility.
smart car - with a length of just over 8 ft - you can park two of them in a space for one lincoln town car - hindi maiwasan na pagdudahan ang safety nito. however, it grabbed headlines again today after getting high marks on crash tests finally putting those skepticism to rest. hindi naman kasi basta-basta ang gumawa - daimler benz lang naman. with it's sleek design, high fuel efficiency (45 miles per gallon), reasonable price (starts at $11,500) and an assurance that you wouldn't easily get crushed, i'd buy one if i have the money. may isang problema lang ako - sobrang liit nya at hindi kakasya ang isang batalyon na laging kakabit ko pag may lakad. darn!
local scene naman
the meralco debacle - so the philippine government is pointing an accusing finger at the lopez family porke ninakawan daw nila ang mga pilipino with their high rates and inexplicable charges. sabi pa, yong kuryente raw ng mga meralco offices eh sa publiko din naka-charge. with that, the government is asking the filipino people to file charges against meralco. if this isn't stupidity, i don't know what to call it. kung talagang nangulimbat ang meralco sa mga tao, bakit hindi ang gobyerno ang kumastigo? bakit mag-aantay pa sila ng class action suit? besides, bakit ngayon lang sila umaalma? nasaan sila at ano ang ginagawa nila for the last twenty, thirty years na taas ng taas ang singil ng kuryente? natutulog sa pancitan?
umento? nasan? - the arroyo government beamingly announced that the minimum wage of the poor filipino workers has just been increased. yeheyyy... sabi dapat ng mga manggagawa. pero parang awa mo na gloria - 20 pesos??? ipagmamalaki mo na ba yon? do you honestly think your poor juan de la cruz will be ecstatic with that? saan aabot ang twenty pesos na dagdag sahod mo when everything from food to transport fare has increased a thousand fold compared to that salary adjustment? kawawang manggagawa. kawawang pinoy. pero walang awang gobyerno.
Tuesday, May 13, 2008
the blogging fever
ganon din ang kaso ni raoul who realized he needs to write something about his mom at pinaki nya dito sa dantespeaks ang isang heartfelt tribute nya kay nanay puring just last week. and after a little help, heto at may sarili na rin syang space on the web where we will look out for his postings soon.
Sunday, May 11, 2008
Dordt in Stoom
Dordt in Stoom:
May 17 & 18 2008
In 2008, the largest steam power event in Europe will be held for the thirteenth time in Dordrecht (the Netherlands). Organisers expect 250,000 visitors at this steam celebration. Admission to 'Dordt in Steam' is free. Day-tickets will be sold for round trips on historic transport (the 'Steam circuit Dordt' - Stoomrondje Dordt).
In Dordrecht wird, nun bereits zum dreizehnten Mal, das größte Dampffest Europas veranstaltet. 250.000 Besucher werden erwartet. Der Eintritt zu Dordt in Stoom ist kostenlos. Zur Beförderung mit historischen Transportmitteln, für die 'Dampfrunde Dordt', kann man eine Tageskarte kaufen.
Op 17 en 18 mei 2008 wordt in Dordrecht, voor de dertiende keer, het omvangrijkste stoomevenement in Europa georganiseerd. Er worden 250.000 bezoekers verwacht. De toegang tot Dordt in Stoom is gratis. Voor historisch vervoer worden dagkaarten (info prijzen kaarten) verkocht, het 'Stoomrondje Dordt'. Deze STOOMRONDJES zijn nu al te koop aan de balie van het VVV/INTREE in Dordrecht of online via de STOOMSHOP te bestellen!
Bron DordtinStoom
Saturday, May 10, 2008
Scalemodels
Welcome to Scale Models Weston Ltd. We are a well established scale marine model making company with over 35 years experience of all types of scale marine models and scale naval models
We would like to introduce our quality scale model making services to your company.
Thursday, May 8, 2008
before the capulets
at first, what caught my eyes was the fabulous cinematography vividly capturing the serenely beautiful landscape of the english countryside. pag ito ang setting, interesado ako talaga. lalo yong mga rugged coastline ng scotland, ireland and the cornwall area where the medieval setting was shot. luv it!
but what kept me glued to the tv was the story. in fact, it was a mistake delaying my dinner dahil hindi ko na naisip kumain until the film was over - at inabot ng 11pm! gandang-ganda kasi ako sa love story ni tristan and isolde told against the backdrop of the war between england and ireland noong early middle ages (the film site said the story occured sometime in the 5th century).
in the story, tristan of eragon is a valiant army of britain led by his uncle, lord marke. in one of the encounters with the irish army, he was thought to have died. kaya along with the other dead, nilagay sila sa boat and was sent afloat to the seas. tapos arrows with fire are shot to the boat para masunog yong boat and supposedly incinerate the dead body. traditional burial rites of the medieval ages.
kaso, his boat washed ashore sa ireland where the princess isolde discovered him na buhay pa pala. the princess nursed him back to health, hanggang they fell in love although isolde never disclosed her real identity to tristan. then one day, tristan had to escape the temporary caring of isolde dahil natunugan na ng irish army na may nakapasok na english soldier sa teritoryo nila. so tristan went back to cornwall kasi hindi sumama si isolde despite his begging.
fast forward and by some twist of fate, britain sent a team of warriors to ireland, kasama si tristan, to compete in a gladiator-type competition organized by the irish king para daw mag-initiate ng unity between the warring clans. although that was just a ploy para ma-invade nila (irish) ang english army. anyway, the english team led by tristan won the competition. ang premyo is the princess na mapapangasawa ni lord marke who will soon be king. imagine tristan's shock and grief nang makita nyang si isolde pala yong princess!
and imagine the suffering of the two lovers who had to put what's right above their heart's yearnings. lalo si tristan who owed lord marke his life. naputulan ng kamay si lord marke sa pagsi-save kay tristan noong bata pa sya. and when tristan was orphaned, lord marke raised him as his own son. kaya hindi nya pwedeng agawin si isolde from him dahil nakita nyang minahal agad ni lord marke si isolde.
so the wedding went on. kaya lang, hindi rin napigil ang dalawa. and what followed were secret meetings of infidelity between the lovers. at this point, naiinis ako sa kanila. kasi the king was too good and magnanimous para lokohin nila. the king even made tristan his second (in line to the throne). he even confided to tristan na may kutob daw syang may ka-affair si isolde. ganda nong scene.
the story ended when their affair was discovered - thanks to the orchestration ng mga kontrabida na ang hinahabol ay yong throne ni king mark. sinabay sa coronation nya ang atake ng mga irish army led by the father ni isolde (which, of course is the biyenan ni king mark). just before the bloody battle started, king marke let go of isolde and tristan. pinag-tapat kasi ni isolde kay king yong kwento nila ni tristan. and the king, being a righteous man, gave them the freedom. kaso, tristan felt indebted to his king kaya sya naman ang hindi sumama kay isolde.
Wednesday, May 7, 2008
The Million Dollar Yachts
Met behulp van Rapidshare en een DVD Ripper heb ik mijn DVD De Miljoen Dollar Jachten om kunnen zettten in het bestaand format MPEG4 een 50 minuten 45 seconden duurde film met de bovenstaande jachten.
Tuesday, May 6, 2008
si nanay puring
Actually, nag-umpisa na akong magsulat in reply don sa request ni Linds. But something came up. At ito, uunahin ko siyang i-publish. Isang napakagandang preview for mother's day. Sulat po ito ng dear friend nating si sir Raoul. Isang very heartfelt na tribute para sa kanyang Nanay Puring. At ang masasabi ko lang po, isang malaking karangalan para sa akin na dito sa dantespeaks niya idaan ang kanyang tribute para sa kanyang mahal na Ina.
Wala po akong binago, ito po ang buong sulat ni ka Raoul para sa kanyang Nanay Puring:
para sa nanay puring ko!
mahal na mahal ko ang nanay ko higit kanino man! kaya ang lahat ng magagawa ko gaano man ito kahirap… handa ko itong iaalay ng buong puso at kaluluwa! parang katunog ng isang dialogue sa soap operang napapanood sa tv… channel 7 po at hindi abs-cbn… hehe heheh heheheh para medyo mapigil ang luha hehe heheh hehehheh!
medyo may idad na ang aking mahal na nanay… mag-si 77 na siya this coming august three, malakas na malakas ang pangangatawan dangan nga lang at medyo madali ng mapagod kapag siya’y aming ipinapasyal… kaya gustong gusto nya ang baguio city (kaya lagi kaming nagbabakasyon don kapag ako ay umuuwi ng pinas… buti ngayon at libre na ang hotel o transyent haws namin dahil taga roon ang aking naka-isang dibdib) kasi don laging malamig ang panahon na hindi na niya kailangan pang mag-isip ng malaking halagang ibabayad sa meralco kapag binubuksan nya ang split type a/c na talagang ipinakabit ko sa bahay para lang sa kaniyang kaginhawan… sobra kasi init na sa pilipinas!
sa totoo lamang, hindi ko malaman kung san ako magsisimula sa pagkukuwento patungkol kay nanay puring!
OK… nay gaya ng lagi kong sinasabi sa iyo pag tayo’y nagkakausap… i love you! kaya nais kong isalaysay ang part ng life mo… hehe hehehe hehhehehe!
ang buhay namin ay di ko naman masasabing napaka dukha, meron kaming telebisyon na bihira mong makikita sa kabahayan nong late 70’s at early 80’s, isa kami sa mga maagang nagkaroon ng kuryente, madalas may bagong damit kapag may mga okasyon, kumakain kami sa oras at kahit di ganoon kasarap lagi naman kaming mayroong makakain sa hapag kainan na madalas kaysa minsan naala-ala ko nong akoy isang musmos pa lamang… laging napupunta kay don pepe! iyon ang name ng aming bantay sa bahay na isang cute at mabait subalit mabangis na alagang aso sa mga di nya kilalang pumaparoon sa aming bahay.
sa aking pagkaka-ala-ala ang nanay ko ay laging maagang gumising… alas dos ng madaling araw, lagi kong nauulinigan ang kanilang pag-uusap ng aking tatay kapag sila ay magkasalong umiinom ng nescafe… pagkatapos kukuhanin na niya ang maliit na basket (lagayan ng pera at malimit don ako kumukuha ng barya pambili ng tira-tira at kulangot) upang ihatid na siya ng tatay ko patungong “fish house or fish aquarium” heheh eheheheh heheheh (kaya lagi akong natatawa kapag naaala-ala ko ang palaro ni edgardo / na ala win’ lose or draw ng yu es of ey… fish retailer (meron siyang pwesto don sa general trias - malabon wet market) ang mother ko na siyang ipinantulong nyang ipambuhay sa amin… kaagapay sa kita ng tatay ko! masinop sa perang pinaghirapan nya ang mother ko… katibayan kaming sampung magkakapatid na sabay sabay niyang itinaguyod ng mag-isa… dahil maaga kaming inulila ng aking tatay!... darating ng bahay ang nanay ko bago mananghalian, salamat na lamang po at di kami pasaway na magkakapatid kaya bago pa man siya dumating nakapag luto na kami ng aming pagkain… at iyan po ang isang dahilan bakit sa aking murang idad marunong na akong magluto, mag-ayos ng aking mga damit pag pasok sa eskuwela, mag-linis ng bahay, mag-lagay ng floor wax at mag-bunot ng sahig… (kasi dati uso pa noon ang papulahan at pakintaban ng sahig dahil wala pang mga tiles nuon)… kapag merong ispesyal na okasyon, bertdey, pasko, pista at bagong taon… gusto niyang naghahanda ng ibat ibang putahe ng ulam… gustong gusto kong niluluto nya iyong… pork at beef na nilagyan ng sarsa at sweet pickles na hindi ko na natitikman sa ngayon… dahil medyo may idad na sya… maalat na syang magluto… hehe heheh hehhhheh, i love you nay…! kaya ang trono nya ng pagluluto ng masarap ay namana ng aking ate na sinundan ko… ewan ko kung, pampalubag loob lamang ang mga naririnig ko kapag nagugustuhan nila ang mga luto kong pagkain. pagkakain nya ng tanghalian kaunting pahinga… then matutulog na sya sa sobrang pagod at gigising sya kapag meryenda time… bibilangin na nya ang pera sa basket aayusin then maliligo na sya, minsan kapag di gaanong pagod sya pa rin ang nagluluto ng aming hapunan subalit kung may libre sa aming magkakapatid kami na ang umaako niyon… at pagkatapos kumain, uupo na sya sa sofa sa harap ng telebisyon para manood ng anna liza… peyborit na peyborit nya yaon… kaya noong yumao (koling koling… eton) si julie vega… talagang magkakasama pa kaming pumunta sa pinagburulan nya sa mt. carmel church… talagang sobrang haba ng pila para makita ang mukha ni JV.
taong 1980 ng yumao ang aking ama… kitang-kita ko ang kaniyang dalamhati ng pagkakataong iyon… paos na ang kaniyang boses sa pagpalahaw ng iyak… kaya meron syang bantay sa kaniyang tabi pag gumigising sya… tinuturukan sya ng ewan ko kung ano iyon, pampa praning yata… dahil pagkaturok niyon… tatahimik sya then tatanong nya kung sino daw iyong nandon sa loob ng casket habang tumutulo ang kaniyang luha.
kung tutuusin pwede pa siyang makahanap ng makakapareha sa buhay kung talagang gugustuhin nya… subalit ang sabi nya sa kaniyang mga amiga… di na raw kailangan at marami siyang mga anak na kakalingain… sa aking murang isip naitanim ko ang mga katagang yaon… na sadya naman talagang tinupad nya… kaya habang ako’y mayroong hininga… ito’y aking gagamitin sa pagbibigay ng kaluguran at kasiyahan sa kaniya… kaya pilit kong pinagbuti ang aking pag-aaral talagang wala akong bagsak sa ano mang uri ng pagsusulit… dangan nga lamang ay sadyang inaamin kong tamad akong mag-aral… subalit inborn naman yata ang aking katalinuhan (dyan bilib ang mga klasmeyts ko hehe heheh ehheheh yabang!), dahil kahit di ako mag aral ng lubos… sadyang pasado ako pagdating ng eksmineysyon! ang pinakamataas kong nakamit sa akademiko ay ang medalyang 2nd honors! na buong pusong inialay ko sa kaniya.
kaya naman makalipas ang ilang buwan o taon yata… pinilit ng aking mga kuya na huwag na lang siyang mag trabaho at magpahinga na lamang sa bahay subali’t nananaig pa rin sa kaniya ang pusong ina at ang kaniyang tungkulin sa amin bilang kaniyang mga mahal na anak nagpatuloy pa rin siya ng paghahanap buhay dahil malulungkot lamang daw siya kung siya ay mananatili lamang na nasa bahay… salamat naman po at kalaunan ay nakumbinsi na rin siyang mag pahinga na lamang sa bahay.
minsan ko pang napatunayan ang kaniyang pagmamahal sa akin ng isang araw, tag-ulan noon as usual baha sa pinas at malakas ang ulan habang siya ay naglalaba ng basahan yata iyon… may bumagsak sa kaniyang ulunan na naging sanhi ng pagdurugo nito… habang ang aking kuya ay papalapit upang magbigay ng saklolo ang sigaw niya ay ang aking pangalan… sigaw niyang huwag ako papuntahin duon, dahil alam niyang kapag ako ay nakakakita ng maraming dugo… pinapanawan ako ng ulirat… as in hinihimatay ako ng ilang minuto! iyon ay isa lamang sa mga payak na kaganapan na talaga namang naka-ukit sa aking puso na kailanman ay di kukupas.
kaya naman kahit anong okasyon… lalo na ang kaniyang kaarawan, di maaring wala akong i-o organisang salu-salo at gaano man kamahal ang tiket sadyang pilit akong umuuwi ng pinas para personal na makisaya sa kaniyang kaarawan! hanggang sa dumating ang isang pagsubok… sya’y na-stroke at kahit gaano man kalaki ang bayarin sa hospital talagang iginapang ko iyon… sa dakilang habag ng Diyos nating mahal… naka-rekober sya… at lumipas ang mga panahon… isang araw ng ako’y nakabakasyon… pilit nya akong tinatanong kung ano ang gusto kong i-ulam sa hapunan, habang nagluluto sya ng pork adobo… sa kaniyang pagtikim! siya’y biglang nasamid dahil siguro sa suka na sahog sa kaniyang niluluto… ang ubong iyon ay di nawala kahit marami na siyang nainom na tubig… bigla siyang tumahimik na lang na nahiga sa sofa habang kami ay kumakain… kinakausap siya ng ate ko na lagi niyang kasama sa bahay kapag ako ay bumabalik na dito sa gitnang silangan… napansin ng ate kong kakaiba na ang hininga ng nanay ko at medyo pa-bulol na siyang nag-sasalita… tawag na kami sa kuya ko na noon ay chief ng baranggay sa kanilang lugar at upang mapabilis ang pagtakbo sa hospital ay dinala nya ang parang ambulance na naka-assign sa kanilang distrito… wang wang wang! daretso kami sa emergency entrance ng ospital… habang sinusuri ang aking nanay sa kaniyang karamdaman at mga previous records nya… ang sabi ng doctor sa amin, kung hindi naagapan at nahuli ng kahit ilang minuto… komatos daw ang kaniyang aabutin (gaya ng nangyari kay F. Poe Jr.), kaya don ko sya pina-kwarto sa pribadong silid with matching everything para di mainip ang aking nanay pati na rin ang mga bantay… kahit na gumastos ng six digits hokies lang dahil kita mong okay naman sya… at nag hire pa kami ng PT para regular siyang ma-massage.
sa kaniyang kalagayang iyon, parang dinurog-durog ang puso ko ng araw ng aking balik dito sa ksa… iyak sya ng iyak habang ina-alo ng aking mga kapatid! kaya lumipas ang dalawang buwan at pilit talaga akong nagbakasyong muli para lang makasigurong oks na oks ang kaniyang pag-galing… nagbalik sigla ang kaniyang katawan na di mo kakikitaan na nanggaling sa stroke… hiyon nga lamang, nakakapag salita sya subalit maraming pagkakataon na di mo maunawaan ang kaniyang ibig sabihin… kaya ngingiti na lang sya kapag tiningnan mo… ngiting magiliw na magiliw bilang pagtitiyak na siya ay okay!
kaya nga maraming pag-kakataon kapag ako ay nasa bakasyon… kahit siksikan… don kami matutulog na mag-asawa kasama nya sa kaniyang bed, wala lang just for her to feel na nandon lang ako para sa kaniya… kaya pag nalulungkot sya… text lang sa akin ang sister ko… tatawagan ko na sya at patatawanin… tanong ko sa kaniya kung ano ang kinain nya ng pananghalian… meryenda nya… tatanungin ko sya kung ubos na ang allowance nya… pag sinabi nyang meron pa, kunwari uutang ako… hihingi ako ng kinakain nya para ipadala sa akin through sms… para lang tumawa sya!
kaya naman sa tuwing ako ay magbabakasyon sadya namang mas marami syang pasalubong kaysa sa misis ko… at huwag naman sanang magtatampo ang wife ko sakaling mabasa nya ito… na kung aking susuriin… higit sa lahat ng bagay, higit kanino man di ko pwedeng ipagpalit ang nanay ko…!
bago nga pala mawaglit sa aking isipan… nong kasalukuyang ako’y nag-aaral pa… pag nag-ke-kwentuhan ang kung sino man at kausap ang nanay ko… hindi daw nya papayagan ang ate kong mag-abroad dahil dati merehong offer yata na mangibang bansa sya… usong uso noong taym na yaon ang pag-ja-japan (japayuki)… ang lagi nyang sinasabi sa mga kausap nya (heto po ay talagang baon ko kahit san ako makarating… iyon bang proud na proud sa iyo ang nanay mo, naiiyak ako sa tuwing aking maaa-ala ala)… ako lang daw ang papayagan niyang pumunta at magtrabaho sa ibang bansa… dahil daw kilala nya akong isang mabuting bata na marunong makisama sa lahat ng uri ng tao, hindi nakikipag basagulo at higit sa lahat masipag daw at maasahan… isa lang daw ang kaniyang ipinag-aalala… iyong kapag ako ay nakakakita ng dugo…! (hewan ko kung totoo iyon o salita lang ng magulang para sa kaniyang anak)… subalit kahit ano pa man iyon… sa bibig mismo niya ko narinig… kaya ito’y pilit kong iniukit sa puso ko!
i love you nay!... sa kaniyang idad sa kasalukuyan, malimit na siyang magmanya… naghihintay sya ng kahit anong pasalubong kapag ako ay umalis ng bahay… kahit pumasyal lang kami kung saan, basta magtatanong iyan ng pasalubong… gustong gusto nya ngayon ang burger at spaghetti ng mc do or jollibee kung tutuusin napaka mura lamang… subalit masayang masaya na siya doon, kaya pag ako ang nagpasalubong may kasama pang cakes & donuts lagi! lalo na kapag medyo malayo ang aking pinuntahan… at isa pa nyang hilig ay mga bagong damit… kaya pag ako napapasyal ng malls laging sya ang nasa isip ko… bagong tsinelas… damit (hindi ko sya ibinibili ng damit na pang matanda… pati kulay at style dahil ayaw ko sa kaniyang mag suot ng mga kulay pang oldies… gusto ko lagi syang mukhang fresh at bata… kaya ngat sa tuwing birthday nya para lagi siyang mag de debut… talagang nagpa-pa home service pa kami para lang sa kaniyang make up at hair do… ganiyan ko at namin kamahal ang nanay ko.
lagi ko ngang iniisip… na mas nanainisin kong ako ang mauna na mawala sa daigdig kaysa sa kaniya… dahil di ko ma-imagine ang buhay ko,,, kung di ko sya makikita… sa totoo lang po!
kaya nga tamang tama sa araw ng mga nanay… heto ang alay ko para sa kaniya… i love you nay… at talaga namang forever akong thankful kay GOD dahil ikaw ang aming nanay.
ang may akda – seven (raoul c. macahilo)
Sunday, May 4, 2008
now beat this
Friday, May 2, 2008
Befunky.com
Met Befunky kan je , je favoriete foto op een postzegel ,shirt , sleutelhanger en mok zetten , voor je dat gaat doen kun je ze weer bewerken met een cartoonizer in schets kleur en vervormen ook bewerken met acccesories en tekst naar je zin , save en daarna klik je op print op mok poster, zo kom je dan op Zazzle.com terecht waar je nog wat aanpassingen kan doen en klaar is Kees.......
Thursday, May 1, 2008
first of may
masaya na ako pag ang ulam namin ilang piraso ng karneng baboy. parang pasko o piyesta yon. araw-araw kasi isda o gulay ang ulam namin. minsan pa, pag naubusan ng budget ang nanay ko at walang raket ang tatay ko, bagoong ang pampa-lasa ng kanin. luxury na rin pag may gatas condensada kami at yon ang ibubuhos ko kahit sa kaning lamig. sarap na non.
at noon, masaya na ako pag nakapanood ako sine sa bayan namin. kahit maraming surot, mainit at mapanghe yong venus. double program naman. wala pang censors kaya kahit bold ang palabas okey lang. pero buti nga maluwag sila don. biro mo bata pa lang ako mga out of africa na at a passage to india ang pinapanood ko. pati yong ten commandments at el cid ni charlton heston.
then lumakad ang panahon kahit wala namang paa. nagbilang ako ng nagbilang ng mga birthday na karamihan walang handa. wala lang, ordinary day lang. at ang bilang, parang metro ng taxi kung bumagsak. buti sana kung nare-reset yong number pag na-flag down. kaso hindi. dire-diretso. hanggang mamalayan ko, kailangan ko na ng pantalon. hindi na pwedeng shorts lang pagpasok sa school. at ilang panahon pa, hindi na school ang pinapasukan ko, trabaho na. hindi na grades at classcard ang pinipilahan ko, payslip na.
tuloy-tuloy pa rin ang bagsak ng mga taon sa metro ng buhay ko. hanggang hindi na basta jeep o taxi ang sinasakyan ko para pumunta ng trabaho. nag-eroplano pa. at kung dati, puro usok at alikabok ng maynila ang sinasagap ng sensitive kong baga, ngayon, sandstorm na ng saudi.
now we are tall... and christmas trees are small...
actually, hindi lumiit ang mga christmas trees. lumalaki pa nga lalo. dahil pag bumibili ako sa shoemart, hindi na pwede yong maliit lang. kailangan malaki at bongga ang christmas tree namin. nakakahiya, parang hindi abroad kung maliit lang.
at dahil don, hindi na pwedeng piso lang ang laman ng bulsa ko ngayon. pag isang libo na lang ang nasa wallet ko, hindi na ako mapakali. parang feeling ko mamamatay na kami sa gutom ng nanay ko at lahat ng mga alipores ko sa bahay. tatakbo ako agad sa bangko tapos sa forex para magpalit ng dollar.
ngayon kasi, akin na lahat ang responsibilities. pambili ng pagkain, pambayad ng tubig, ilaw at cable. pati pang-sweldo ng mga katulong. eh hindi pa naman pwedeng isa lang ang katulong ng nanay kong bukod sa makulit eh mahirap pang ispelingen. matanda na kasi. kaya suportado na rin ng gamot at vitamins na konti din naman ang binibigay na discount ng watsons o kaya mercury. buti nga yong steel walker at wheelchair nya hindi na kailangang palitan.
ngayon, hindi lang damit ang binibili ko para masaya ako. pati iba-ibang brands ng perfumes. ck, givenchy, ralph lauren, dolce & gabbana. yan na ngayon ang mga inaamoy-amoy ko. kaya nagka-allergic rhinitis ako. isama mo pa yong usok ng marlboro lights na ii-inhale tapos ilalabas din naman.
ngayon, hindi na isang buong set ng crayola ang gusto kong bilhin. syempre, iba-ibang electronic gadgets na. kahit hindi naman ganong kailangan. para lang ma-compensate yong pakiramdam na denied ako noong bata pa ako. na hindi maganda. pera ko rin ang nawawaldas. napupunta sa wala. so hintuan ko na lang. di na nga ako bumili ng psp tutal hindi naman ako marunong gumamit. at di ko ma-appreciate ang mga laro. hanggang tetris lang yata ako at scrabble.
ise-save ko na lang yong pera ko sa rcbc account ko. para sa mga emergency na araw-araw na yatang nangyayari. kasi ang mga pamangkin ko, kamag-anak at kung sino-sino pa, ang dami laging request. pang-tuition ni ganito. pampa-gamot ni ganyan. pampa-kasal ni ganito. pampa-binyag ni ganyan. lecheng buhay to. akala yata tumatabo ako ng pera dito.
ngayon, nagtitiis na nga lang ako sa free channels ng hotbird at arab sat. hindi na ako nagpakabit ng tfc o gma. tutal nakaka-inis lang ang karamihang palabas nila. mga soap na hindi mo mawawaan, gagawin ka pang ma-drama. sa al-jazeera documentaries na lang ako, tutal mas ma-drama sila. at sa american idol na delayed man ng ilang weeks, orig naman. di tulad ni jolina at ogie na sobrang nice. ang sasarap batukan.
now we are tall and christmas trees are small.... you used to laugh while others used to play.
buti na nga lang matibay-tibay ako. i still find time, and even the smallest of reason, para ma-enjoy ko ang buhay ko. makatawa kahit papano. kahit mga walang kawawaang bagay na corny or irrelevant kung tutuusin. pero at least nakakatawa ako. kung hindi, bata pa ako pero tatawagin nyo na akong grumpy old man. ayoko kaya yon.