Sunday, October 31, 2010

no. 19: the kid in me

it's been a week since my last post. medyo busy kasi ako.  i'm planting lots of sunflower in my backyard kasi the zombies are coming! hahahaa!  opo, kinakarir ko ang plants vs zombies na karamihan ng mga adik ay na-adik na rin.  in fact, i held the record sa grupo ng 27 flags for two weeks kaso kanina lang inabot na ako ni maccoy.  kaya pag-uwi ko ngayong hapon kinarir ko ulit.  hmmm, matagal-tagal na ulit before they can catch up with my 32 flags! haha!
.
oo naman, nag-pupuyat din ako sa computer games just like everybody else.  noong mga unang panahon na family computer pa ang uso, natapos ko yong 50 levels yata ng bomber man, pati galaga, queen bee, 1945 at syempre ang super mario na ang kalaban ko eh yong mga pamangkin kong napapalo ng mga nanay nila kasi hindi na umuuwi.  buti na nga lang hindi na ako pwedeng paluin ng nanay ko noon kahit magpuyat ako kaka-laro!  yon ang sarap ng being an adult! hehehe!
.
nabaliw din ako non sa prince of persia na computer game pa long before it was made into a not-so-hit movie by jake gylenhall. and about 2 years ago, bumili pa ako ng games sa yahoo like ranch rush which is a better version of farmville pati ang kumpletong build-a-lot 1, 2 3 and 4.  hanggang ngayon nilalaro ko pa rin sila. 
.
sa yahoo din ako bumili ng jeopardy pati family feud which, of course alam nyo namang spin-off ng favorite tv game shows ko na buti naman hanggang ngayon pinapalabas pa rin ng mbc4 during weekends.  but my all-time favorite ay scrabout na computer version ng scrabble.
.
hindi ko lang sinubukan yong mga violent games like counterstrike coz i'm one who doesn't find excitement on bloods sputtering all over.  or yong mga strategy games like warcraft and age of empire. wala kasi akong tyaga. besides, pambata lang talaga ang nae-enjoy kong games.  wag ka nang magtaka, isip-bata eh! hehehehe.
.
o, dx ball?  aba expert ako dyan! ahahha! so who said i'm boring and old-fashioned? 

No comments:

Post a Comment