Saturday, February 13, 2010

hotnothot 26

Hotnot: US Senator, may sex tape din? Hay naku itong si Sen Edwards, wala palang pinag-kaiba kay Hayden Kho. Ayun at inutusan ng korte ang dati niyang aide na i-surrender ang tatlong video tapes or else kalaboso sya. Buong ningning kasing sinabi ng alalay na may tatlong sex tapes daw ang Senator with his kalaguyo. In case di nyo kilala si Senator, sya yong kumandidato dati ng VP sa US of A last 2004 (with John Kerry as the Presidential bet) pero natalo. Nabunyag na may kulasisi pala sya at yon nga, may video tapes daw ng kanilang paglalampungan. Ang ironic sa kwentong ito, may cancer ang misis nitong si John. Kaya lumalabas na super-villain itong si John. At least hindi na nag-iisa si Tiger Woods! Sino ngayong magsasabing marumi ang politics at showbiz ng Pinas? Sa totoo lang, wala pa tayong binatbat sa eskandalo ng mga Kano!

Hothot: Ping’s ghosts finally haunting him. Hindi naman Halloween pero ayan at hinahabol si Lacson ng mga multo nya. Mantakin mong from a hard-hitting PNP chief at high profile Senator, sya naman ngayon ang laman ng mga Wanted posters ng NBI. Buhay talaga. Parang gulong. Minsan nasa taas ka at wave ka lang ng wave sa mga hampaslupang kababayan. Ngayon, ikaw naman ang nagtatago. Yon nga lang, sosyal sya dahil can afford syang magtago sa China. If I know, nasa isang luxury villa yan sa Central Region ng China na hindi inaabot ng Interpol. He was a former police chief, baka nakakalimutan nyo!

Hothot: 201 million Lotto jackpot. Napanalunan na raw ang biggest-ever lotto jackpot sa atin. According to PCSO, solo lang daw ang winner. Sa tulad kong umaasang maka-jackpot ng milyones, maniniwala ako. Sabi ng PCSO eh. Although alam naman nating may lumulutang na kwentong hindi totoo ang lotto na yan. Ginagawa lang daw gatasan yan ng kasalukuyang gobyerno. Buti pa sa Europe, siguradong totoo at walang hokus-pokus yong Euromillions nila. Played in nine European countries (UK, France, Austria, Spain, Belgium, Luxembourg, Ireland, Portugal and Switzerland), biggest ever din yong 113m UK pounds jackpot na tinamaan daw ng dalawa – isang Brit at isang Spanish. Kaya tig-56million+ sila. Kaswerteng mga tao!

Hotnot: Comelec’s ban on celebrity endorsers. Ewan ko ba naman sa Comelec. Kung mag-decide parang sinusumpong lang ng LBM. Banat ng banat hindi muna pinag-iisipan. Kung bakit after so many years of Philippine politics na laging sinasahugan ng mga artista, ngayon lang sila umalma. Dahil ba multi-milyones na ang bayaran ng mga artistang ito? Eh ano namang paki nila kung may pambayad naman ang kandidato? Besides, dagdag pogi points lang yong habol nila but the millions they are spending for these endorsers doesn’t necessarily translate to votes. Eh kahit pa magtutuwad yang mga artistang yan sa entablado kung ayaw talaga ng masa na iboto ang kandidato, anong magagawa nila. Wag na lang sanang makialam ang Comelec dito. Pag may eleksyon lang naman rumaraket ng ganito kalalaki ang artista eh. At least maraming maku-kolekta ang BIR sa kanila after the campaign. Ayan naghamon tuloy si Kris. Ikulong nyo raw sya. Just make sure na aircon yong kulungan at may air purifier ha. Baka she will get ubo-ubo coz mabaho the kulungan! Hmmptt!

Hothot: Year of the Tiger at V Day pa! Ang tigre, matapang. Valentine’s Day, pula. Pulang matapang. Sus nakakatakot naman. Huramentado siguro ang ipapanganak bukas. Pero ang alam ko lang, siguradong maraming tigre ang magkukulong sa mga motel ngayon. At sa matinding laban, magkukulay pula ang paligid! Oh, wag mag-isip ng kung ano… GP ang DS! Happy V Day na lang to all and wish you a luckier year of the Tiger. Year of the ano ka ba?

No comments:

Post a Comment