Sunday, June 7, 2009

anatomy of a scandal

To DS friends, pasensya na po but I have to go beyond General Patronage this time. Medyo sensitve po ang topic ko this time so Parental Guidance muna tayo....

After a couple of weeks na laging headline ng dyaryo at tv ang hayden video scandal, mukhang nasa saturation point na ang kontrobersya. Nawala na ang dati nyang init. Natatakpan na sya ng mga English-speaking swine flu victims ng La Salle. Ng pag-uwi ni Mancao. Ng paglalayas ni Ruffa. At kahit ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila.

Hindi ako agad nakisawsaw sa isyu. I mentioned this controversy once dito sa Dantespeaks but not in detail. I just sat back, amused myself with the drama being played out and, most importantly, inantay ko munang mabuo ang picture. And now that the dust seem to have settled at karamihan ng nakisawsaw ay tahimik na, ako naman ang eentra at makikisawsaw sa isyu. Solo ko na ang stage, hahaha!

Bakit nga ba nag-hit ng sobra itong kontrobersyang ito. Because it’s a sex scandal? Partly yes. I said partly lang dahil come on, hindi ito ang unang sex video na kumalat. Ang tagal na ng mga ganyan panahon pa ng Betamax. Sa internet, sandamakmak ang mga ganyan. But never have those scandals reached this magnitude. The way I see it, it has became such a big hit for two reasons:

First - It’s the characters. Celebrity lahat ng involved. But what sets the Hayden videos apart from the other celebrity video scandals is the fact na puro magagandang babae ang ka-partner nya. And by that I didn’t mean the likes of Ethel Booba or Criselda Volks. Mga babaeng sa panaginip lang ng milyong barakong pinoy makikita ang bedroom expertise. But thanks to Hayden, millions of hot blooded pinoys now know what these girls can do. Kaya si Haden, bidang-bida sa mga kalalakihan. Except for Bong Revilla siguro and Abner Afuang na galit daw sa ginawa nya. Asus, maniwala naman ako.
.
Second – it’s the number of videos involved. Kasi kung ang sex video scandal dati ay paisa-isa lang, si Hayden ay more than 40 daw ang collection. At kung hindi man totoong 40, aba, the 3 or 4 na lumabas sa internet are more than enough para koronahan natin sya. Hindi man sya ang first sa ganitong controversy, sya naman ang record holder sa paramihan. Quite a feat di ba?
.
Aside from these two reasons, kumpleto rin ng rekados yong kwento kaya naging isang mala-circus na telenovela ang nangyari. At tutal tungkol din lang sa sex ang topic, let me paint the picture using body parts. Here goes:
.
YON. Hindi ko pwedeng banggitin dito kung ano YON coz I’m still trying not to breach the PG rating I promised at the start of this post. Pero YON ang part ng katawan ni Hayden na pinag-umpisahan ng lahat. The part which seem to rule the entire being of Hayden. And by that I didn’t mean his brains. Kasi kung pinagana nya ang utak nya na sigurado namang marunong dahil hindi sya papasang doctor kung hindi, sana walang pinag-pistahan ang bansang Pilipinas ngayon. Hindi utak ang ginamit nya to decide on the videotaping. Ang pinag-decide nya, YON. Yon na YON.
.
MATA. Aba syempre, tayong mga nakapanood sa video. Mula Aparri hanggang Jolo (pahiram Eat Bulaga) and from Akrotiri to Zimbabwe (syempre, kumalat sa internet di ba). Lahat tayo, dilat na dilat ang mga mata. We might not be aware of it pero part tayo ng kontrobersya. Kasi kung walang nanood, walang mag-uusap. Kung walang mag-uusap, walang kontrobersya. But hey, we know it’s not gonna happen. Si Mahal nga na naliligo using a ‘tabo’ hindi pinalagpas sa youtube noh!
.
BIBIG. Walang iba kungdi ang media. They turned one a youtube clip into one whole travesty worthy of centerspreads and airtime. A controversy na alam na alam nilang bebenta sa masa. And sell they did. Bumenta ang mga tabloid, pati ang mga broadsheet na pumatol sa isyu. Tumaas ang rating ng mga radio program at Tv shows. At binomba tayo ng minu-minutong reports. Up to the point na pare-pareho na tayong nagsawa at nasuka sa isyu.
.
Isama na rin natin dito ang mga Senador na nakakita ng opportunity to do some grandstanding. Para makapag-ingles sa session, para mag-prodyek na women’s right advocate sila. Aba malapit na ang election noh. At syempre, wag nating kalimutan ang iba pang nakisawsaw sa isyu. Ke mga individual like Lolit Solis at ang eksenadorang ina na si Irene. Pati mga cause-oriented groups like Gabriela, provincial governments like Palawan, moralista, Atenista, siklista, manikurista at kung sino-sino pa. Basta lahat ng may sinabi, ke may sense o wala tungkol sa isyu. Maibuka lang ang bibig. Kasama na rin ako!
.
PUSO. Syempre si Katrina yan. Dahil umibig sya kay Hayden kahit may ibang girlfriend na. Ginamit ang puso at hindi ang utak. Tumihaya at nagpa-ubaya kahit alam nyang hindi tama. At ngayon, puso pa rin nya ang tinatamaan. She’s the one feeling the pain that’s coming from all directions. From the indignation and humiliation to the underhanded attacks coming from almost everywhere. Sa mga self-righteous na mga manang. Pati yong mga taong akala mo’y nabili na ang kaluluwa nya kung makapag-comment. All because of one mistake. And with all these, bilib ako sa batang ito. For a girl of her age, matibay ang puso nya at kinaya nya lahat. And didn’t give in to the vicious text na kumalat na nag-suicide na raw sya. After the dust settled at natapos ang kontrobersyang ito, sana matutunan nya lahat ng lessons this nightmare is trying to teach her.
.
TENGA. I’d say it’s Maricar Reyes. Why? Coz she chose to just listen but never be heard. Mas malinaw ang video nya kumpara kay Katrina (according to those na nakapanood nong kay Kat, yong kay Maricar lang kasi ang napanood ko). At kung pwede sanang i-deny ni Katrina dahil malabo nga, ito namang si Maricar na undeniable na ang guilt ay hindi man lang pumiyok. She let Katrina do the talking, the crying and carrying on the fight. Kung manalo man si Katrina sa laban at maparusahan si Hayden, makikinabang din naman sya kahit indirectly. Didn’t this Maricar realize that by what Katrina is doing, she (Kat) can salvage some of her damaged reputation. Nakakakuha sya ng sympathy sa mga tao by playing the role of a victim very well. Hindi yong tulad ni Maricar na parang gumawa ng pelikula but doesn’t want to take credits for her superb performance. I know it’s a personal choice to be silent about the issue. But whatever reason she has, it would have been 10 times better kung sumigaw din sya ng foul. Keeping mum about the whole thing is just like saying ‘ok lang ang ginawa ni Hayden sa akin. I’m fine with it’. Tsk, tsk…. not too smart doktora Maricar.
.
KAMAY. The hands that rocked the Senate. Yan ang mga kamay na nag-upload ng video clip sa youtube. Mga kamay na nag-kopya sa cd at nag-pakalat ng video for whatever purpose. Ke yan man ay kamay ng mga humihingi daw ng 4 million pesos na hindi nakahawak ng ganon karaming pera. Ke yan man ay kamay daw ng bestfriend na inagawan ng girlfriend. Whatever and whoever it is, it’s the hands that played a major role in this circus.
.
UTAK. Si Vicky Belo. O, kala nyo hindi ko babanggitin si Mama Vicky dito ha. Hindi ko sya pwedeng kalimutan dahil sya ang utak na gumalaw behind the whole circus. Sya ang utak na nagsabi sa bestfriend na ‘here’s the key to his condo, kunin mo yong video from his laptop’. Kung ano man ang reason nya para kunin yon, at kung ano man ang ginawa nya sa mga video after mapunta sa kamay nya yon, she removed the pin of a highly explosive grenade. Afterall, kahit pa sabihing boytoy nya si Hayden, the videos were personal collection of the guy. And by personal I mean not conjugal. (At kahit naman conjugal eh hindi pa rin sya entitled di ba). The videos are for his personal consumption (aside from the usual pagyayabang nya raw sa mga friends nya while showing the videos) and no amount, kahit pa 300,000 pesos a month or a porsche can give Vicky the right to copy, delete or whatever she wants to do with those videos.
.
So, after the gruesome picture was painted, sino ang panalo dito?
.
Syempre ang mga boserong tulad natin. Voyeurs never had a field day like this, never hit a jackpot as big as this one. Katrina, Maricar and Mariana. Sino pa kaya ang madadagdag sa listahan.
.
Panalo din si Vicky if revenge is what’s on her mind. Ayan nga at nakapag-linya pa raw ang doktora ng ‘pag boyfriend na ng iba wag na kasing pumunta sa apartment ng guy’ or words to that effect. Di ba parang linya ng mga bida-kontrabida sa pelikula who comes back with a vengeance matapos na apihin sa previous eksena.
.
Of course, biggest winner dito si Hayden. Coz he got the fame he obviously was craving for na hindi kayang ibigay ng stint nya sa Celebrity Duets. O kahit yong pagiging boytoy nya sa isang cougar na tulad ni Vicky. Ayan nga at sa halip na magalit ang ibang babae sa kanya, sinisigawan pa raw sya ng ‘ayyy, ang guwapo!’. Baka gusto rin nilang ma-video kasama si Hayden!?
.
And the only loser? Si Katrina. Coz her life will never be the same from here on. She’ll forever be haunted by this nightmare. She’ll be stigmatized dahil sa maling judgment nya when she fell in love and trusted a wolf in a sheep’s clothing.
.
At ako? Well, may naisulat na mahaba-habang blog. Hahaha!

No comments:

Post a Comment