Now that Noynoy has announced his bid for the Presidency, the Philippines’ political arena seem to have changed completely. Kung noon ay puro Villar, Roxas, Escudero, de Castro etc ang pinagtatalunan, heto at biglang pumasok ang isang pangalan that could easily be a dark horse, thanks to the recent outpouring of support for Tita Cory.
Sabi nga, kung ngayon daw gagawin ang election, Noynoy would run away with the Presidency. Dahil nga mainit pa ang reaction ng mga tao sa pagkamatay ni Tita Cory. That is why, ang mga nakapaligid kay Noynoy, kinarir ang pag-sulsol sa only son ni Tita Cory. Thinking that they have the ‘yellow’ vote or sympathy vote or whatever kind of vote na nakikita nila ngayon.
Ang tanong – will they be able to sustain this momentum until election time? Eh alam naman natin ang mga Pinoy, madaling makalimot. Si Imelda nga after palayasin sa Malacanang, ayan at binigyan pa ng parangal ng PICC nong isang araw. At si Willie Revillame nga bukas isang araw nakabalik na sa programa nya at wala nang magre-reak.
Whatever happens, maraming binago ang kandidatura ni Noynoy. Unang-una na si Mar Roxas who had no choice but to charge his million-peso infomercials to experience na lang. At si Korina na nabuhusan ang pangarap na maging first lady.
Nagkukumahog na ang ibang partido para bumuo ng kani-kanilang teams. Ang latest balita si Loren pumayag na raw mag-vice kay Chiz because of the straw vote ng kanilang partido. At si Noli de Castro daw nawawala na sa bilang ng mga presidentiables ng administrasyon. Salamat naman.
So let me give you my two-cent’s worth pagdating sa mga pangalan na lumulutang ngayon sa pagka-Presidente ng Pilipinas. I’ve also included a poll box somewhere in the right panel of this blog. Gawa tayo ng independent survey para makita natin kung ano ang pulso ng DS. Meantime, here’s my take on those wannabes.
Noynoy – pwede. If he will be elected as president, he has to keep the integrity of his parent’s names kaya siguro iiwasan nyang maging corrupt. Yon nga lang ang tanong – kaya ba nyang ipanalo ang laban?
Chiz – pwede sana. Dati bilib na bilib ako sa kanya. Kaso narinig ko na wala naman syang naipasang bill. Na kung totoo, he was more into style than substance. Tapos nabisto pang tira sya ng tira pero tumatanggap naman ng pork barrel. These things made me rethink his intentions.
Villar – mas pwede. With his clout as a respected Senator and successful businessman (kahit may gustong sirain sya) kayang-kaya nyang patakbuhin ang gobyerno. At siguro naman hindi na nya kailangang mangurakot dahil sobrang yaman na nya. (But then again, yan ang inisip ko noong nag-rally ako sa Edsa. And boy, was I wrong!).
Noli – hindi pwede. Para sa akin wala syang karapatang maging Presidente. Bakit? Naging Senador na sya at naging Vice President pa pero tingnan nyo ang Mindoro. Still one of the poorest and most backward provinces in the PI.
Binay – pwede na rin. I think he’s a man of firm resolve. Something na kailangan sa uupong Presidente. Sa dami ng pasaway ngayon lalo pa ang mga anay na naka-bantay sa kahit sinong uupong Pangulo. Besides, baka gumanda ang economy dahil may experience sya ni running the country’s premier financial district. Yon nga lang, baka pro-rich sya instead of being pro-masa.
Erap – pwede ba? Yan ang sinasabi kong madaling makalimot ang mga Pinoy. If Erap runs again, baka kailangang ipa-alala natin sa mga tao ang mga salitang Boracay mansion, Senate hearing at kahit iced tea na iniinom, hindi kinakain!
Jamby – pwede, paki-gising?! Tulad nga ng nasabi ko na dati, someone should shake this lady back to sanity. Baka nakatulog at nanaginip. O kaya gising pero tumira ng whisky kaya nag-hallucinate na kaya nyang maging presidente. Lalo pa ngayon na nag-reklamo ang mga hinawi nya sa DFA? Sus!
Marami pang pangalan ang lumulutang ngayon as presidentiables daw. Para sa mga ito, eto lang ang masasabi ko – pwede mag-dasal kayo at humingi ng guidance from above? Baka sakaling ma-realize ninyo that you will be doing the country a whole lot of favor kung hindi na lang kayo tatakbo. And if you’re still lost and confused, balik kayo dito after some time. You’ll know if you stand a chance – reliable ang on-line poll ko, walang dagdag-bawas!
No comments:
Post a Comment