Tuesday, September 15, 2009

he said, she said

I’m sad dahil ded na si Patrick Swayze who gave me some of the films I enjoyed like Dirty Dancing, To Wong Foo and most specially Ghost where I laughed and cried and fell in love. Sad din ako coz Roger Federer lost his cool in the US Open at nanigaw din ng umpire (what’s wrong with the US Open by the way? first it’s Serena then Roger? Hmmm). Ayun, talo din sya and Martin del Potro became the new US Champ. It’s also sad that unethical reporters twitted Obama’s remark about Kanye West just for the sake of sensationalism. Kakainis sila huh.

Pero ang mas nakakainis at nakakalungkot, ang nangyayari sa Philippine Senate.

Bakit? Just look at Ping Lacson using his privilege speech para tirahin si Erap. Mudslinging at its finest.

Bago kayo mag-react, let me explain. Hindi ako maka-Erap and I’m not cringing from whatever Ping is ‘divulging’ against him. Wala akong pakialam kahit anong pasabog ang gawin nya tungkol sa jueteng at kung ano-anong pag-abuso daw ni Erap sa power. Hindi yon ang pino-protesta ko.

Ang pino-protesta ko, ginagamit ang isang oras ng Senado para sa mga ganitong kababaw na purpose. Bakit hindi ang problema ng bayan ang i-discuss? Bakit hindi ang kakulangan ng pagkain, gamot, pabahay at iba pang basic needs para sa mahihirap? Bakit hindi gamitin para makapag-dala ng bagong ideas on how to stop corruption, poverty and social inequality sa Pinas? Bakit hindi mag-speech para i-encourage ang kapwa Senators to do their best to serve the country?

Dahil ba sinabing privilege speech gagamitin na kung saan gusto? Kahit sa kababawan? Kahit sa mga pang-sariling motives? Kahit sa demolition job at character assassination ng isang tao? Bakit?

Dahil ba if it is done outside the privilege speech, it would mean multiple counts of slander? Eh di ginagamit pala yan as protective shield. So what do you call it? Cowardice maybe one. Opportunism is another. Dahil ayan nga at may libreng isang oras ka na nakikinig ang mga Senators sa iyo. Libre pa at nakatutuok ang nationwide tv sa iyo. Heck, it couldn’t get any better than this, di ba.

So sige, abusuhin mo na. Tirahin mo na ang gusto mong tirahin.
.
But of course we can find better ways to make use of this 60 minutes instead of barking like mad dog.

Dahil kung talagang ganon at may ginagawang kabulukan ang isang tao, then bring him to court. Idaan sa legal process. Kung talagang tumanggap ng jueteng payola, dapat tumindig as witness during the impeachment. Ilabas ang mga ebidensya. Wag idaan sa trial by publicity.

Ang nangyayari kasi, magpapasabog kuno. Sasagot ang kabilang kampo. Magkakahulan back and forth. All the time syempre naka-tv at dyaryo. Pag-uusapan ng buong bayan for a few days. So sikat ang nagpasabog. Damay din yong inaakusahan kuno. Laging in the news.
.
Tapos magsasawa ang mga tao. Move on na naman sa panibagong controversy. So kung publicity hungry kang tao at gusto mong laging bida sa primetime news, hahanap ka na naman ng panibagong controversy para pasabugin. Making yourself no longer a Senator but rather a showbiz figure.
.
All along, anong nangyari? Wala. It only feeds the hunger of a population that is so addicted to soap operas. In the end, ang vision ng mga tao, blurred na. And the line between reality and drama can no longer be distinguished.

Like Ping, ilang ‘pasabog’ na ba ang ginawa ng mga Senator na yan. From Joker to de Venecia to Santiago. May naparusahan na ba? May nakulong na ba? Pinagpipistahan ng bayan ang mga sinasabi pero hindi naman nakatulong para ma-solve ang mga problema ng bansa.

Kaya sana, the Senate will make use of their time on what they are supposed to be doing. Hindi yang ganyan. Daldal ng daldal walang kinapupuntahan. Tapos papatulan ang pag-iimbestiga ng mga kung ano-anong allegations. Senate is for legislation. And it should command one of the highest form of respect from the public. Leave the soap operas to the artistas and tv networks.

No comments:

Post a Comment