nabanggit ko na sa previous posting ko (cappuccino at multo) ang tungkol sa bmw. eto ang ginagawa namin noon ng mga officemates ko sa makati. and i’m sure many of us still do it. we bitch, moan and whine on anything and almost everything that comes our way – lalo na sa trabaho.
so i thought maganda siguro i-expound yong topic that’s why i started writing about it. but before i knew it, nakaka-four pages na pala ako ng nasusulat, hindi pa ako makapag-conclude. then i realized how big the topic is. kaya instead na isang mahabang article, i divided it into sections. sana pagtiyagaan ninyong basahin and tell me if i missed out on anything.
saan ba nanggagaling ang bmw? sa germany dapat dahil doon ang gawaan ng bmw cars. lol! but seriously, nagkakaroon ka ng mga complain, himutok, sama ng loob at kung ano ano pa because of people or situations sa trabaho mo. either because of a co-worker who’s a jerk, o isang amo na boss from hell, o kaya ay isang client who’s an ass, lagi kang naa-upset, naha-high blood at nagpuputok ang butse.
kung ang conflict ay na-resolve immediately o yong tipong nagsagutan kayo ng boss mo or ng officemate mo and then natapos agad, walang problema. kasi nailabas mo agad yong nasa loob mo, may resolution yong sitwasyon and all you have to do is to move on (unless na ikaw yong tipong pinapahaba ang dapat eh tapos na).
but what if you are stuck in a situation na parang wala kang magawa. may inis/galit ka sa isang tao pero hindi mo magawan ng solusyon. a boss who treats you badly. o isang officemate na inaangasan ka. and many other things that bothers you pero hindi mo magawan ng solusyon.
all you can do is go fuming, ranting and spewing tirades na hindi mo masabi ng diretso sa mga taong kinakainisan/kinamumuhian mo. dakdak ka ng dakdak tungkol sa sitwasyon or tungkol sa kaaway mo but you’re just barking at yourself.
bakit? kasi naiinis ka sa ginagawa ng office mate mo pero di mo masabi sa kanya kaya idadakdak mo na lang siya sa best friend mo. or bwisit na bwisit ka sa amo pero ang lahat ng p***ng ina or f**k na dapat ibato mo sa kanya eh sa mga barkada mo ibinabalibag. bakit?
dahil hindi mo masabi ng diretso doon sa taong kinagagalitan mo. bakit?
dahil kung below sya or ka-level mo lang in the corporate heirarchy, umiiwas ka sa isang confrontation that could lead to something embarrassing. tulad ng magsagutan kayo sa office. worse, mag-umbagan kayo. baka ma-personnel pa kayo. and you don’t want the embarrassment it may bring. kaya hindi ka na lang umiimik kahit nagpuputok na ang butse mo. and you still smile or say something nice while bordering on being the ultimate representative of tupperware. plastic!
o kung amo mo naman sya, of course, hindi mo sya ku-kumprontahin and say it to his/her face na f**k u boss, hindi na tama ang pinagagawa mo sa akin! unless na mas malaki ang galit mo kesa sa takot mong mawalan ng trabaho at magutom, hindi mo gagawin yon. unless na ready ka na to pack your bags and go, hinding-hindi mo gagawin na kumprontahin ang pumipirma ng payslip mo. kaya, again, tatahimik ka na lang kahit 200 over 200 na ang bp mo.
so what’s my point? yon nga, ang inis o galit mo, nadadagdagan pa ng ibang bagay - frustration. dahil hindi mo makumpronta ang taong kinagagalitan mo or the situation itself. and that exacerbates the whole situation. hindi mo maibato ng diretso ang anger mo doon sa tao and you have to find other targets para lang mailabas ang inis/galit mo. and that’s what makes it more frustrating.
you vent your anger on other things. sayang naman kung yong workstation ang hahambalusin mo, baka masira. or sayang naman ang flower vase na décor sa mesa mo kung ibabato mo lang sa dingding. besides, mahirap i-explain sa boss mo kung bakit sabay nabasag ang vase at ang plake na nakasabit sa dingding di ba.
so you would pick up the phone at tatawag ka sa isang friend. or mag-e-email ka na ang font eh 48, bold and blazing red! if not, pag-uwi mo ng bahay, tatakbo ka sa isang family member at magsusumbong ka na parang isang batang naumbag sa school na hindi makalaban.
but is it the right thing to do? not really. and that, i will deal on my next posting!
Wednesday, November 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment