Saturday, May 8, 2010

ang araw na ito, para sa yo

.
ito ang unang mother's day na hindi kita matatawagan
hindi na kita mabibiro, hindi na tayo magtatawanan
hindi ko na rin maririnig yong lambing mo at biro
uungot ka ng kahit ano basta meron ka lang regalo.
.
ang bilis talaga ng araw nakaka-dalawang buwan ka na
iniwan mo kami at sa langit dumiretso ka
sigurado naman ako, di ka pahihirapan ni san pedro
dahil mabait na nanay ka kahit medyo istrikto.
.
siguro marami ka ngayong kalaro sa bingo
at siguro kasama mo na si tatay, panay ang date nyo
at siguradong sa videoke ay nagdu-duet pa
sa theme song nyong sa baybay dagat, kundiman talaga.
.
lagi lang ninyong tandaan ang bunso ninyong mahal
hindi kayo nalilimutan gaano man katagal
dalangin ko kayo ay masaya sa inyong kinalalagyan
at pinagpapala ng Poong Maykapal.
.
Happy Mother's Day Nay
***

No comments:

Post a Comment