Sunday, December 6, 2009

hotnothot 23

Hothot: Tiger unleashed! Malaking balita sa US ang nabunyag na extra-marital affairs ni Tiger Woods. Lumalabas na tatlo ang kulasisi nya. Isang taga-new York, isang cocktail waitress at isang marketing executive sa Vegas. Meron pa akong nabasa na may 2 pa raw na babaeng posibleng mag-surface at mag-claim na naka-relasyon din nila ang Tiger. Lima! Whew! Walang sinabi si Pacman! Kung ano pala ang kinabait-bait at mild-mannered nya, he lives up to his name pala talaga. At kung kasama sa criteria ng pilian ng US Male Athlete of The Year ang paramihan ng chicks, talo na ang Pambansang Kamao natin. Teka, what’s hot about it nga ba. Distorted na yata ang values ko to celebrate something like this ah!

Hothot: Avoid meat, save the earth. Isa sa mga recommendation ng mga experts kung gusto raw nating matigil ang patuloy na global warming is for us to change our eating habits. We have to avoid meat and meat products daw coz this is the worst offender when it comes to green house gases. Sabi nila, food production, particularly meat products, ang pinakamalaking source ng problema. Even bigger than industrial emissions. Cool. Ngayon, hindi lang cost-cutting ang reason ko when shying away from Applebees and Sizzlers. Pati global warming na rin. Noble and heroic pa ang dating di ba!

Hotnot: Obama sending more troops to Afghanistan. Idol ko si Barack baby but his latest decision of sending 35,000 more troops into that beleaguered country is a dud. Bakit, ang dami ba ng pwersa ang dahilan kung bakit 48 years na yang giyera na yan eh hindi pa matapos-tapos? Kawawa naman ang mga kaibigan nating Kano (some ay mga kamag-anak pa natin) na kayod to death na pero eto at tataasan na naman daw ng tax para lang may pang-gastos sa mga sundalong ipapadala sa Kabul at Kendahar. Ay naku bakit nga ba ako nakikialam hindi naman ako ang tataasan ng tax. Kaya lang kakainis na eh. Manong bitawan nyo na yan, pabayaan yang mga pasaway na Afghan na yan at sila-sila na lang ang mag-patayan.

Hotnot: Andy Murray dumped over PS3. Da hu si Andy Murray? British tennis player po sya and currently ranked No. 4 in the world. Lately hiniwalayan sya ng hothot at sexy nyang girlfriend Kim Sears. At isa sa mga tinuturong culprit of the break-up? Andy’s excessive playing of PS3! Hindi na yata naaasikaso ang girlfriend nya coz Andy is reported to spend as much as 7 hours glued to his video games. Nakaka-relate ako dyan dahil last week na bakasyon, inaabot din ako ng magdamag kakalaro ng mga games na binibili ko pa sa yahoo. I’d better shape up dahil nakakasira pala ng buhay ang video games!

Hotnot: Actually you have a choice: Gloria running for Congress or her declaring Martial Law in Maguindanao? Pareho yata. Parehong nakakapag-init ng tenga! Abuso na talaga sa powers itong si Madam. Bakit kailangang mag-deklara ng Martial Law eh isang pamilya lang ang pasaway? Dahil takot sya sa mga Ampatuan? Eh sa panlilibak at panglalait sa kanya dahil sa pagtakbo nya sa Congress, hindi sya takot? Sayang talaga ang pinag-rally ko sa Edsa noon ito rin lang pala ang gagawin nya sa Malacanang!

No comments:

Post a Comment