Sunday, March 16, 2008

anabel's diamonds, pacman redux

And so huminto na naman ang mundo ng mga Pinoy kahapon (or kanina, depending on which side of the globe you're in). Lahat siguro ng mga mata, ke singkit, duling, banlag, naka-salamin o naka-contact lenses ke plain o kulay orange, naka-tutok na naman sa Mandalay Arena sa Vegas. Coz Manny is at it again. Up on the ring (bakit nga ba ring ang tawag dito eh square naman sya? Hmmm?) and doing his thing again.

Funny how this diminutive, rather ordinary looking guy has become such a gigantic figure in the sporting scene. Such a giant that in a stretch of his rather short arms to deliver a blow to his opponent, eh hindi lang yong panga ng kalaban nya ang tinatamaan. It also delivers a blow that wipes out boundaries and tear down divisions – at least for a moment.

O di ba at nag-declare pa ng ceasefire ang Philippine Government against it’s fight with the leftist group. Both the military and the insurgents wouldn’t dare miss his fight. Break muna sa barilan at pugutan ng ulo. Let’s enjoy Pacman muna. Have a break, have a Pacman (sounds familiar ba!).

Kahit mga holdaper, mandurukot, bank robbers and all the other petty offenders, nag-day off. They’d rather watch their idol on tv kesa rumaket sa lansangan ng Metro Manila. Ayan at for the second time eh nag-declare ang mga kapulisan na zero daw ang record books nila for street crimes in the metropolis. Hindi ko lang alam kung talagang walang nandukot o nangholdap. O nakatutok lahat ng pulis sa tv kaya hindi nakita ang mga nangyayari sa kalye.

Even Gloria who should be thinking of ways how to get herself out of the quagmire she’s currently in, ayun at talagang pinanood daw yong 12 rounds. Sa akin, palibhasa wala akong hilig sa boxing, that would be a total waste of 2 or 3 hours of my life. Afterall, ang importante lang sa akin eh malaman kung nanalo sya o natalo.

But of course a bigger number of the 86++ million Pinoys will disagree with me. Baka nga batukan pa ako dahil hindi ako nakiki-simpatya, cooperate and lend support to the Pambansang kamao. Parang KJ ako to the max coz I don’t share the frenzy of support the Pacman is being accorded.

Ayan nga at ang mga mapeperang pulitiko, negosyante at lalo ang mga artista, they all flew in droves to Vegas. To lend support daw to Manny. Pero sa totoo lang, gusto lang makita ang mga mukha nila on world-wide tv. Aba, HBO nga naman yon noh, something that they will never be able to do, kahit artista pa sila. So mas mabuti nang sumabit sa laban ni Pacman and get some exposure. Kahit split seconds lang.

What’s funny though, is what I read in Pilipino Star Ngayon na yon palang mga artistang nagpupunta sa laban ni Pacman, si Pacman ang nagbabayad ng mga plane tickets nila. Hindi lang nabanggit kung pati hotel kasama. But I was so appalled dahil all the while, akala ko mayayaman itong mga ito at patriotic yong reason nila for being there. To support Manny. Yon pala, libre ang tiket nila. Siguro hindi lahat huh. Pero Anabel Rama? Why would you buy a plane ticket for Anabel Rama eh mas malalaki pa nga ang diamonds nyan kesa sa mga flood lights ng Vegas strip!

But more than that, ang tanong ko, bakit parang inilalagay ng mga Pinoy sa balikat ni Pacman ang pag-asa ng Pilipinas? Parang nawawala sa tamang perspective ang mga bagay-bagay? Like politics. And priorities of the nation. Bakit nakahinto lahat dahil kay Manny? Are we saying that as of now, dahil sa kawalan natin ng pag-asa sa mga pulitiko, and some, even sa catholic church, si Manny na lang ang natitirang ray of hope natin to achieve something glorious and ecstatic?

Ganon na ba ka-desperate ang sitwasyon ng mga Pinoy?

Siguro nga. Dahil wala na tayong makitang matinong politicians that we can truly admire and respect. Siguro nga dahil kahit mga bishops ngayon ay tinatawag nang ugok ng isa pa namang supposedly high-ranking public servant. Siguro nga dahil kahit ang dapat na tinatawag nating Ina ng masang Pilipino ay nababalot ng kaliwa’t kanang akusasyon ng pangungurakot, katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng yaman ng namamatay na sa gutom at hirap na si Juan dela Cruz.

I've always declared na hindi ako kabilang sa statistics ng Pacman fans. Pero hindi man ako fan ni Manny, I always thank him for his win. Particularly this one. Hindi dahil nagbigay sya ng karangalan sa Pilipinas. Winning a boxing match happens not only in a blue moon. Maraming nananalo nyan. In any corner of the world. In any title na pinag-lalabanan. A boxing championship belt is no longer a rare find.

Pero ang epekto ng panalo ni Manny sa masang Pilipino, that’s what I’m thankful for. Dahil binigyan nya ng rason ang mga Pinoy to celebrate and forget whatever gigantic problem the country is facing. Kahit 3 or 4 hours lang, it was such a relief sa bugbog-sarado nang utak, katawan at buhay ng mga Pinoy.

At least, sa 3 or 4 hours na yon, nakalimutan nila ang init ng araw na kailangang tiisin para anihin ang palay sa kalinangan. Sa maiksing oras na yon, marami ang nakalimutan ang baho ng basurang kailangan nilang halukayin para makakita ng pagkaka-kitaan. At sa maiksing oras na yon, marami ang nabingi sa pag-kalam ng sikmura nilang hindi na nasasayaran ng pagkain ng tatlong araw. Ang importante, lumalaban si Pacquiao. At bonus pa na nanalo sya.

Such a joyous occasion all Pinoys should be proud of. Eh paano kung natalo?

No comments:

Post a Comment