Nag-oversleep ako kaninang umaga at muntik na akong ma-late. Managinip ba naman ako na ako ang tumama sa lotto! Ewan kung dream talaga yon o daydream na lang. Baka naman half-awake na ako at tinuloy ko lang ang panaginip dahil ang sarap ng feeling. Pero hindi ko talaga nadinig ang tatlong alarms ko, pramis!
Ang daming nabaliw dyan sa lotto na yan the last few weeks. Palobohin ba naman ng ganon kalaki ang jackpot! Aba, sinong hindi maglalaway don. 741 million? Eh yong 1 million nga ang hirap ng kitain sa atin (o kahit dito sa abroad noh)! Eh may kasama pang 740…. Susginoo! Yon yong literally, pwede kang mahiga sa pera.
Kung nasa Pinas lang ako kakaririn ko talaga yan. Kita mo nga pati mga mayayaman na at mga celebrities na kumikita ng milyones, nagpi-press release din na tumataya din sila. Although para sa akin medyo kasakiman na yong kanila. Mano ba namang hayaan nilang ang mga mahihirap na tulad natin ang makinabang sa lotto na yon. Makikigulo pa sila samantalang sanay na silang magbilang ng milyones. Dapat tayo na lang ang mag-rambol don tutal di pa natin nararamdaman kung gano kabigat ang isang milyong piso na cash di ba?
In case na hindi mo pinag-isipan maige kung ano yong 741 million, let me paint the jaw-dropping, eye-popping, mind-boggling reality for you.
741 million pesos means 741,000 pcs of 1,000 peso bills. Kung ibibigay ito sa iyo ng cash, kahit ilatag mo yong pera na yon sa buong bahay mo, (lalo’t tulad ng bahay ko na bahay-bahayan lang kaliit), aba literally you’re not just sleeping on money, you’re walking all over it too!
O sige, masyadong OA kung aapakan mo lang ang 1,000 peso bills. Gastusin mo na lang. Sabihin na nating OA kang gumastos katulad ko and on the average, you spend as much as 10k a day (pero wala akong ganon kaya di ako maka-spend ng ganon kalaki!), hindi mo mauubos ang yong 741 million buong buhay mo. You’ll need at least 203 years para maubos yon. Kung gagawin mong 20k a day ang expenses mo, 100 years pa rin yon. Kaya gawin mo nang 50k a day para in 40 years, ubos ang 741 million mo. At least walang pag-aagawan, pag-aawayan at pagpapatayan ang mga maiiwan mong buhay! Hahahaha…
Kung simple ka lang tao tulad ko (hehehe), you can buy 2,117 units of jeepney (@350k each, ewan lang kung ganon pa ang cost ng jeep ngayon wala na ako idea) kaya pwede mong pabahain ng pamasadang jeepney ang buong probinsya mo. Mas malala kung tricycle, 7,410 units yon (at 100k each, ewan din kung makatarungan itong estimate ko). Aba pwede mong ikalat yan mula Appari hanggang Jolo na parang Eat Bulaga!
Kung sa Mindoro ko dadalhin ang 741 million, pwede na siguro akong makabili ng islang mas malaki pa sa isla ni Noli (true ba yon?) o kaya ni Wawa-willie (na dinemanda na naman ng ABS! buti nga! Hahahah).
Kung magarbo ka naman at expensive cars ang pagkakagastusan mo, you can have as much as 62 units of 2010 Jaguar. Gawin mo nang taxi sa Metro Manila para walang sinabi ang Saudi na Benz eh taxi lang… (aktwali yong mga luma lang yon!).
At kung kasing-baliw kita, pwede mo nang bilhin ang lahat ng penthouse units ng high-end condominiums sa Makati. Better yet, pagawa ka ng bahay na mas malaki pa sa mansion ni Pacman. Not just one, or two, but 15 mansions all over PI at 50Million each.
Kung electronics buff ka naman katulad ng ibang mga fwends kong adiks, pwede ka nang bumili ng 1,1million units ng ipad non! O kaya Blackberry. Or, 4,308 units ng 52” na Samsung LED Tv kahit hindi sale sa Extra!
At kung ako ang tumama don, siguradong hindi ako magti-tyaga sa mga maliliit na bato… bibili ako ng isang malaking tipak… yon nga lang, hirap isuot non! Hahaha!!! Hay naku, kaya nga siguro hindi ako tumama kung ano-ano kasing kabaliwan ang naiisip ko! Binasa mo naman! Hahaha!
No comments:
Post a Comment