I really should be practicing what I preach. Coz after just a few days and a couple of posts away, I lost control and slammed myself into another bump on my road to recovery. Di ba’t kakasabi ko lang at buong ningning kong pinagyabang that my visa balance finally hit single digit after a long, arduous battle. Pero eto at nilukuban na naman ako ni Andres Bonifacio. Tinaas na naman ang Visa card at sumigaw ng Charge!
Walang ka-plano-plano, sumabit lang ako sa lakad ni Matt sa Khobar kahapon. Sinamahan ko para may kasama pabalik sa malayo-layo ding byahe. Meron kasing kailangang lakarin sa insurance company about his car. It so happened that MacCoy was also on his way home kaya sumabay na rin. At pag ganong mga pagkakataon, saan pa ba naman kami dadalhin ng aming mga kinakating paa. Eh di mag-ikot sa Khobar. Buti nga hindi na natuloy sa Dammam as planned earlier.
Buti sana kung nag-ikot lang at nahilo pagkatapos. Eh pagpasok ko pa lang ng isang shop, naglulundag na naman ang Visa ko. Something caught my fancy - a couple of bracelets that match the Versace design of one of my rings. I tried a couple of them on and I must have spent eternity just looking at them, resting so gently on my left wrist, begging me to choose either one of them. Or both of them. Lakas talaga nilang manukso!
Eh namahalan ako don sa turing nong Arabong magaling mag-tagalog. O talaga lang hindi buong 100% ang gusto ko don sa dalawang item. Yon nga, just nice to have one of them matching my ring. Besides, parang hindi ko ma-imagine na isusuot ko yon sa Pinas even on special occasions. It’s nothing short of ostentatious. Mainit sa mata. Sabi nga ni Matt baka maputulan ako ng braso dahil don.
So lumabas ako ng shop na hindi naka-talon ang Visa sa pagkaka-kulong ko. Yeyyy! My self-control ruled again! And I was having a silent celebration, giving myself a pat on the back for so firmly keeping my spending (or charging) disease on check.
But not for long. One wrong turn in one ordinary corner washed away all the internal basking I was enjoying. Dahil pagtingin ko pa lang sa window nong isang shop, I found one piece that literally hypnotized me. Biglang nawala ako sa wisyo, went inside, asked the shop keeper to let me touch and feel that shiny piece of temptation. And just like that, my will power was thrown into oblivion.
Hindi ko na sasabihin, hindi ko na ide-detalye kung ano yon. Ang punto ko lang, ang hirap talagang alisin ng sakit na ito. Kaya nga sabi ko don sa last posting ko, I had my fingers crossed. Buti na lang, meron akong rebound factor don sa pinagka-gastusan ko. As in pwedeng i-justify at sabihing investment naman yan, naga-appreciate ang value as time goes by. At ang importante, madaling ibenta just in case you need to liquidate it.
I hope it doesn’t come to that point. Or else, binili ko nga sya pero hindi naman pala sya magiging akin forever.
No comments:
Post a Comment