Isa sa mga balitang abroad ng abante ngayon ay tungkol sa mga kabayan nating nasa Dubai na baon daw sa utang sa dahil sa kanilang mga credit card (http://www.abante.com.ph/issue/nov0510/abroad01.htm).
Actually that’s not a surprise. Having seen life in Dubai when I was there for a 1-week training, medyo nagulat din ako sa taas ng bilihin. Alam naman natin na nagra-rank na ang Dubai among the most expensive cities in the world. At kung isa kang OFW sa lugar na yon, you gotta have a salary comparatively higher than in Saudi dahil nga sa cost of living. At kahit super laki ng sweldo mo doon, you have to watch your spending closely kung ayaw mong kapusin at mabaon sa utang.
Hindi lang kasi basic cost of living ang mataas doon. To make matters worse, Dubai is an open society as far as foreigners are concerned. Most of the restrictions imposed against expats in Saudi don’t apply there. Kung kaming mga nasa Saudi ay nagtitiis sa kung ano-anong ‘safe’ activities during weekends, our kabayans in Dubai enjoy a wide variety of option for entertaining themselves. They have movie houses showing the latest blockbusters. They have bars where you can hang-out after work, kahit pa araw-araw. At halos linggo-linggo ay may mga concert ng mga well-known musical artists na kung doon ako naka-base ay siguradong linggo-linggo din akong gumagastos sa concert tickets.
Kaya nasabi kong na-appreciate ko ang sitwasyon ko dito sa Saudi. Dahil kung ako rin ay sa Dubai nagta-trabaho (or anywhere else na maraming options for gimik), baka nabaon na rin ako sa credit card tulad ng mga kabayan natin na nandon sa news. In fact, nandito na nga ako sa Saudi pero grabe pa rin ang inabot kong utang, how much more kung nasa ibang lugar ako na maraming pwedeng pagka-gastusan.
Just last week, naisipan kong gumawa ng excel sheet where I tabulated all of my on-line payments. And it was a shock to find out na ang nai-bayad ko na sa aking Visa card, for the last three years up to this month’s payment, ay umabot sa SR 65,000++. Well, get a forex table and do your math. Aba eh pambili na ng isang 2010 Honda Civic ni Maccoy yon ah! Jeezzzz! Saan napunta yon? I cannot recall charging a major major (pahiram, Venus!) purchase sa aking Visa Card.
Isang beses lang akong nag-CA sa aking Visa nong na-ospital ang mother dear ko for two weeks na sumira sa budget ko. I had to cough up the rest of the bill na hindi kinaya ng PhilHealth. But that was a meager SR 3k.
Then epiphany hit me like a 2000 kw thunderbolt. Na-realize kong ano bang inaangal ko eh inabuso ko naman talaga ang Visa card ko. I was inflicted with the spending fever which sent me to a buying frenzy of several electronic items. Charged ang 8GB I-pod ko na binigay ko lang naman sa isang pamangkin ko dahil hindi ko ma-appreciate. Pati ang PSP Madden limited edition na binenta ko rin naman dahil hindi ko rin ma-appreciate. And for two years, nagpapalit ako ng laptop almost every quarter of the year. Bumili, este umutang, din ako ng ilang jewelries, including my long-time dream na Tag. At ang mga dinner ko of T-Bone steaks and yummy Makis, karamihan charge din. So ano’ng inaangal ko!?
Kaya hindi nagtagal yong shock na naramdaman ko. Napalitan agad ng dismay. At syempre, ng pagsisisi dahil hindi ko na naman na-kontrol ang sarili ko sa pag-gastos. Looking back, I must have looked like Andres Bonifacio’s monument every time na papasok ako ng isang commercial establishment. But if Andres is holding a ‘tabak’, ako, yong Visa ko ang hawak ko. At kung ‘sugod mga kapatid’ ang sinisigaw ni Gat Andres, ako, ‘CHARGE’!
Buti na lang medyo naging firm ako sa aking sarili nitong mga nakaraang buwan. Medyo madalang ko nang istorbohin ang Visa card ko. In fact, nong Wednesday night na sumugod kami ng ilang ka-adik sa mega sale ng Extra (one of the more popular electronics store here) , I learned na kaya ko naman palang mag-pigil. Muntik na akong bumili nong 10 inch digital photo frame. But when I found out na hindi yon kasama sa sale and the SR 599 tag price isn’t reduced, binitiwan ko. Na-tempt din ako don sa 42” Samsung LCD Tv na gusto kong bilhin matagal na pero napigil ko rin ang sarili ko. Kaya lumabas ako ng store na walang damage at buong ningning kong tinawanan ang aking mga kasama na may 2 or 3 bags na bitbit. Yeahh! Will power!
Kinaya kong mag-kuripot mainly because ini-enjoy ko yong feeling na kakaunti na ang binubuno ko sa aking Visa. For the longest time, double digit lagi ang nasa statement of account ko buwan-buwan. But starting last month, nag-single digit na sya. And my last payment brought it down to SR 5k. Isa o dalawang sweldo pa, matatapos na ang long-standing battle ko against my Visa. And when that time comes, I think hindi na mauulit na maging alipin ako ng credit card ko. I’ve learned my lesson.
Ok. I'll admit naka-tago yong crossed fingers ko sa likod when I said that. Kasi sinabi ko na rin yan noong nabaon ako sa utang sa Visa at Master Cards ko when I was working in Makati almost a decade ago. Ang lapit kasi namin sa Glorietta kaya para din akong Andres Bonifacio nong mga panahon na yon.
Good thing nga, nandito ako sa Saudi. So shaking off the spending fever can be easy. Eh pano na lang kung marami ngang gimikan sa paligid? Siguro hindi na ako nakaahon sa utang ko. That is why super-relate ako sa kwento ng mga kabayan natin sa Dubai. Tutulungan naman daw sila ng gobyerno. Pero ang tulong, bibigyan lang sila ng training about literacy on spending. At yong literacy na yon, nakuha ko na dahil ngayon I can say I’ve learned my lesson.
Quite expensive learning experience kaya hindi ko agad-agad malilimutan. With my strong resolve, kakayanin ko nang hindi sumigaw ng CHARGE. Except when I’m dining in my favorite Soul Kitchen! Hahaha!
No comments:
Post a Comment