Tuesday, April 20, 2010

hotnothot 29

Hotnot: Eyjafjallokull’s wrath. Eyja… who? Sya lang naman ang bulkan sa Iceland na matapos matulog ng 200 years eh biglang nagising at nagwala. Bumuga ng katakot-takot na abo at parang sinabing walang kwenta ang Pinatubo. Dahil hindi lang isang bansa ang pinerwisyo ng ash fall nya kungdi buong Europe and even the whole world coz of the thousands of stranded passengers who couldn’t fly. Although wala silang magawa, force majeur eh. Until they found someone na mapagbuntunan ng inis. And that was the EU leaders na binakbakan ng criticism coz they did not come up with a solid stand/plan until 5 days later. Ang bagal nga naman considering na mga advanced countries sila. As for the poor passengers, I hope you guys just sit it out, grin and bear it. It’s better curling up a hard airport bench than risking your own safety.

Hotnot: The gods called Ampatuan. Multiple murder charges were dropped daw against two Ampatuans doon sa nangyaring Maguindanao massacre. Nag-aalma, nag-ngingitngit ang mga pamilya ng mga biktima. At kahit ako ay naniningkit ang mata sa pagkabuwisit sa Acting Justice Secretary Agra na bumira nitong obviously ay very tagilid na ruling na ito. Kawawa na nga yong mga biktima, ginawa pang tanga. You don’t have to be a lawyer to figure out the involvement of these two. Hindi ba dapat mas matindi ang kasalanan nila if they are proven to have plotted, planned, organized and masterminded the massacre? Tapos sasabihin mong walang involvement only because wala sila sa crime scene? Bakit, nagpapa-impress ka sa Malacanang kasi acting ka pa lang? Para matuloy na at hindi lang acting? Over –acting ka manong! O baka naman may utos ka galing sa kung saan. If that is the case, talaga palang mala-Diyos ang impluwensya nitong mga Ampatuan na ito. Kaya dapat, hindi na sa court of law ang laban dito. I-petition na lang kay San Pedro dahil siguradong matutuwa si Taning at madadagdagan ang mga kampon nya.


Hotnot: Goldman Sachs sucks. Another financial giant crushing down to its knees. Under investigation ngayon ng US SEC ang isa sa mga oldest and biggest investment banks in the world. According to reports, Goldman introduced a product which apparently tricked the investors by ‘misstating and omitting key facts’. Hindi ako financially or economically knowledgable pero ang pagkakaintindi ko, bilyones na naman ang pinag-uusapan dito at lumalabas na ang culprit ay isang VP ng Goldman Sachs. Porke sinamantala itong katatapos lang na economic recession. Natatandaan ko rin na few weeks ago, sabit din itong Goldman Sachs sa pagbagsak ng economy ng Greece. Kaya sangkatutak din ang rally ng mga Greeks dati. My point is, ano ba talaga ang role nitong mga ganitong kumpanya. They actually have nothing to sell but they do make a lot of money. At dahil sila ang expert sa pagpapaikot ng pera, sila-sila na rin mismo ang gumagawa ng kurakutan na akala nila hindi malalaman ng iba. Damn, I should have been in Wall Street instead of Jeddah Street!

No comments:

Post a Comment