Only Eugene Domingo can make hatak me out of my katamaran to make nood a movie… ehe. Kimmy ikaw ba yan? Hehehe… sinipag na rin akong panoorin ang sabi eh naka-grade A pa raw sa CEB na pelikulang directed by ni Joce Bernal at produced in part by Piolo. Makatawa na nga lang kasi wala naming matinong palabas sa tv.
.
Ano naman kako ang ka-grade A grade A sa isang comedy film. Normally slambang, slapstick at puro kakornihan lang ang nakikita natin sa mga ganyan. Well, hindi naman pala. Simple at maigsi lang pero kahit paano matino ang istorya. At ang importante, natawa ako without being insulted.
.
Though at times medyo OA yong ibang eksena like the action scene sa rooftop ng isang building. Nag-ala-matrix pa kasi. O sige na nga, comedy naman. But for the most part of the film, maayos naman.
.
In fact, kung tutuusin, may pagka-seryoso ang story line. It’s about the relationship between siblings na yong isa matalino at yong isa slow. The film could have unwittingly fallen into serious scenes buti na nga lang at malinaw sa mga gumagawa nong pelikuka na comedy yon, hindi drama.
.
The comedy comes from the switching between the two personalities – kimmy and dora. Siguro ilang libong beses na itong nagawa in previous films but this one was given a fresh approach by the director. Ginawang contemporary and very in yong sitwasyon. Kaya the film was successful to provide an entertainment without any pretensions.
.
Nahagalpak din ako ng tawa in a couple of scenes. Particularly don sa eksenang I’ll look into it, I’ll get back to you on that, I’ll give you an update. Bwahahaaaa!!!!
.
Eugene did very well. Walang hirap ang ginawa nyang pag-portray ng dalawang extreme characters. For a brilliant comedienne like her, hindi naman mahirap yon lalo na’t na-supervise mabuti ng director ang mga eksena.
.
Naawa lang ako kay Miriam Quiambao kasi ginawa lang syang punching bag ni Kimmy. But Dingdong was believable as a nerdy hunk na pinag-agawan ng magkapatid. Bakit kaya hindi na lang si Piolo ang gumanap tutal sya naman ang producer? At bakit naman sa dami ng umekstra si Mark Bautista pa ang na-assign na maging doktor. Hindi naman credible kahit katiting! Dahil lang ba sa... ay teka lang baka kung ano masabi ko!! Hahaha!
.
Kaya nang magdala ng pelikula ni Eugene. A welcome addition to lead comedy actresses para hindi naman puro AiAi, Pokwang and the likes ang nakikita natin. And I do hope na marami pang malinis, matino at nakakatawang pelikulang ganito. Tumawa na lang tayo kesa mamroblema kay Gloria!
No comments:
Post a Comment