Sunday, November 1, 2009

steak house o stick-up?

It's halloween but you know the non-conformist me. Kaya hindi about halloween ang posting ko... instead it's something about a resto. (pasaway ba! hehehehe)
.
Had dinner last night with a friend in the newest dining spot in Jubail, the Steakhouse. And, in keeping with DS tradition of reviewing almost anything (or simply being a pakialamero), let me share my thoughts about the place.

I thought it was a local franchise of the US-based Steak House (na hindi ko na pinagkaabalahang itanong) so sabi ko siguro masarap ang pagkain. Isa pa, I like the location coz it faces the beachfront of Fanateer. It’s calm and quiet as opposed to other restos lalo na yong mga nasa loob ng malls. Pero kung franchisee nga sya ng internationally recognized brand at kahit gaano kaganda ang place from the outside, marami pala akong ililitanya.

Let me start with the doorman na kabayan pa mandin. Dahil sallah (prayer time) kami dumating, parang sinisi pa kami kung bakit hindi kami kumatok eh nagpapapasok naman daw sila kahit prayer time. How would I know you imbecile. He rambled on a few more words pero wala akong narinig ni katiting ng standard na ‘good evening sir, welcome to’ whatever. Buti pa sa Jollibee matutulig ka sa mga service crew sa mga ganyang linya.

Ok, the interiors was nice but it’s too dull for a yuppie (uso pa ba ito?) like me. I’m more into Chili’s and TGIF ambience. Ok na rin ang Applebees. Pero ito, parang pang-matanda at boring na executives.

Here comes the waiter na kabayan din. He introduced himself and gave us the menu. The list was typical. Nothing unique. Pero gasgas na nga ang menu, pag-order ko ng Alfredo pasta (my all-time fave fettuccini), hindi raw available lahat ng pasta nila! What the…!!! At kung ano-ano pang io-offer ng impakto na mga specials at promos, ipipilit ang soup at salad bar na sabi ko na ngang hindi kami interesado.

Fast forward. Eto na ang drinks. Iced tea for me, soda for my friend. Parehong umaapaw sa bloke-blokeng yelo. Na pag inalis mo yong ice, kalahati na lang ng baso ang matitirang inumin. Besides, bakit ganito ang glass nila? Alam mo yong mga garapon sa sari-sari store dati? Yong parang cookie jar kumpleto with the grooves na kinakapitan nong takip? Yon ang baso nila. Nilagyan lang ng hawakan. It may look unique (dahil ngayon lang ako nakakita ng ganon in a dining place like that). But it sure looks odd.

Then the food was served. Mabilis naman dumating (maybe because iilan kaming customers nila at that time) but it’s more disappointments. The plate of Shrimp I ordered (in place of the fettuccini) looks Ok. Okey din ang lasa. Kaso, parang ang liit ng serving. Siguro 12pcs lang yong shrimps na small size pa, cooked in so much tomato paste, may kasamang slices of blanched carrots and beans at kaunting Mexican rice. Yon lang pero SR65 ang presyo! Parang hindi makatarungan.

And so is the rib-eye steak na highlight sana nong dinner ko. It looked more like a steamed piece of meat rather than grilled as I was expecting. Served with (again) carrots and beans and the potato wedges na kahit paano ay na-enjoy ko. Malambot yong steak but it tastes bland compared to countless other rib-eye na natikman ko. It could easily win as the worst rib-eye I ever had, hands-down!

And again, at SR65 (din), maliit ang serving ng steak nila. Hindi rin makatarungan. Para kang hino-holdap sa presyo. At yong hotplate nila, it looks like you’re eating right off a kawali. Naalala ko ang mga friend kong socialite. I can hear them chorusing ‘pang-hampaslupa’! hehehe…

Sa irita ko, binara ko ang lumapit na kabayan who did not introduce himself at basta na lang nagtanong kung how was our food daw. Baka manager nong resto. Eh unang subo ko pa lang kaya sabi ko “we’ve just started kaya wala pa akong masasabi sa iyo”. Hindi na nagpakita ulit ang hunghang.

Hindi nga ako nag-enjoy sa main course so I had to cap off the whole exercise with a dessert. Usually sa Applebees, Sizzlers and even Flamingo, hindi na ako makapag-dessert sa sobrang busog. But here, I just have to. Bitin ako. Hindi ako nag-enjoy. And I’m still giving them a chance to redeem themselves. So I asked for the menu again.

Pero wala na naman yong gusto kong apple pie. Iba na lang daw. O sige yon na lang (whatever that is na nakalimutan ko kung ano). But a few minutes later, heto na naman ang waiter. Ubos na rin daw yong whatever that is! Ano ba yan! Grrrr! O sige strawberry cheesecake na lang.

Na-enjoy ko naman yong cheesecake. Very smooth yong cheese unlike others na parang buhangin. Pero hindi pa rin talaga ako natuwa. Tinawag na strawberry cheesecake dahil cheesecake na nilagyan ng slices of strawberries. Kaso nilagyan ng puree. At ang puree na ginamit? Apple! Ano ba yan! Tara na nga!

On our way out heto na naman si kabayang doorman. ‘Tapos na?’ sabi ba naman sa akin. Tapos nang ano? Parang ‘tapos ka nang tumae?’. Hindi ko nga pinansin. Tiningnan ko lang. Walang ni hi ni ho. Impaktong ito saan kayang karinderya galing.

Sabi ko nga sa friend ko, I won’t go back to that place kung ako rin lang ang magbabayad. Pupunta lang ako don if it’s somebody else’s treat. And if that happens, I’ll even tell the guy treating to consider other place instead. Gusto kong kumain at mabusog. Hindi mainis at mabitin tulad ng nangyari kagabi. What an expensive way to get disappointed!

No comments:

Post a Comment