Just a day after Ketsana battered various parts of Metro Manila killing a few hundreds of my kabayans, dumiretso ito sa Vietnam at ilang Vietnamese din ang pinatay. Oras lang ang pagitan, isang tsunami naman ang tumama sa Samoan islands kung saan marami ding namatay. Almost simultaneously, a killer quake hit Sumatra which has the biggest casualty (estimated at around 1,000 last night). Kahapon naman, flooding and landslide hit a small town in Sicily. Ano na bang nangyayari sa ating mundo?
Habang pinapanood ko ang mga balita tungkol sa mga kalamidad na ito, hindi maiwasang tumakbo na naman ang utak ko. Let me share some of my random thoughts about these events.
.
Medyo mababaw:
- Marami siguro sa binahang kababayan natin ang nag-iisip na kung sa mataas na lugar tulad ng Sicily sila nakatira, hindi sila aabutin ng baha. Marami naman sa mga taga-Sicily, siguro nag-iisip na kung sa may beach lang sila nakatira tulad ng beaches sa Samoa, walang landslide. Pero ang mga taga-Samoa siguro, iniisip na mas mabuti pang sa city na lang sila nakatira, sa condo tulad ng sa Sumatra para hindi abutin ng tsunami. Samantalang ang mga taga-Sumatra nag-iisip na kung sa isang mababang bahay sila nakatira, something like yong mga bahay sa Marikina, ligtas naman sila sa lindol. Ironic di ba.
Medyo malalim:
- Ang daming nega sa mga tumutulong lalo na pag celebrity o pulitiko. Talaga naman kasing nakakainis pag masyadong obvious na umeepal lang. Pero kung ako naman ang nasa evacuation center, wala akong paki kung totoo sa puso mo ang pagtulong o nagpapapogi ka lang. Ikaw ang may alam sa totoong dahilan ng pagtulong na ginagawa mo. And you’re the one going to go to bed with it.
- May nakita akong report ng isang lalaki na after ng baha at bagyo, naghalungkat ng basura para kumita ng pera (24 Oras, Thursday, 01 Oct 09 report). Kumita sya ng halos 1,000 pesos na pinangbili nya ng pagkain ng kanyang pamilya. Bilib ako sa kanya. Tinulungan nya ang kanyang sarili instead na mag-ngangawa sa paghihintay ng tulong ng kung sinong pulitiko.
Eto talagang malalim:
- Some call these calamities ‘acts of God’. Parang sa akin hindi ko kayang sabihin yon. Coz I know the God that I believe in is not killing his people senselessly. Bakit hindi na lang natin tanggapin na parte ito ng balance of nature. At parte din ng circle of life. We should all understand that there is one grand scheme na hindi natin kayang unawain dahil ang utak at pang-unawa natin is too miniscule to fathom the wisdom of God.
- Pag may ganitong mga pangyayari, very common maririnig natin, pinaparusahan daw ng Diyos ang mga tao dahil sa mga kasalanan. Again, bakit ang Diyos ang ituturo? Aren’t we the bigger part of the problem? Na kung hindi inaabuso, pinakialaman at dinadapurak ng tao ang maraming bagay sa mundo, hindi masisira ang magandang balance nito? Example na lang ang missile testing. Most of these testing is done underground. Imagine the destruction it brings to the intricate layers of earth that, when disturbed, causes movements of plates. Tapos ituturo natin ang Diyos pag may lindol? Kung hindi ba naman tayo isang bulto ng mga ingrato.
Eniweys, nuf said. Let’s just be thankful that Pepeng didn’t hammer us as hard as it can. At sana wala nang susunod pang mas matindi. Let us pray that people will be given enough chance to restart their lives. Hindi biro ang kakaharapin nilang challenge. This is Survivor, real life edition.
No comments:
Post a Comment