Monday, October 19, 2009

no. 16: bakuna

dapat karugtong ito nong no. 10 ko entitled i've never... kasi sa buong buhay ko hindi pa ako nabakunahan. i don't have those scars in the upper arm like most people i know. ewan ko pero for whatever reason, my parents seem not to have bothered to bring me to the hospital for a vaccination noong maliit pa ako.
.
and now that malaki na ako at alam ko na kung ano ang hitsura ng injection, ayaw ko na. kasi takot ako don. kaya siguro madalas akong may sipon. coz the immunity system is low dahil nga wala akong antibodies. eto nga at sinisipon na naman ako at may kati-kati pa ng lalamunan kung kelan pa naman kailangan sa trabaho na mag-ngangawa ako maghapon.
.
though this one is coming from my allergic rhinitis. na-irritate na naman dahil kahapon i changed my perfume. eh sabi pa naman ng doktor sa akin, for that allergy to go away, kailangan daw that i stop smoking, stop using perfumes and avoid dust. yong dust walang problema pero the other two, well, pasaway lang talaga ako. kaya ayan sisinghot-singhot na naman.
.
nagkataon naman that our clinic is now offering the seasonal flu shot like what they are doing on a yearly basis. pero ilang taon na nilang ginagawa yon and hindi naman ako nagpapa-shot. takot nga ako sa bakuna eh. tsaka nilalagnat pa raw di ba. ayoko kaya non!
.
sa isang banda, maganda na rin coz i know that my natural system is working. at least natural resistensya ang ginagamit ko. but with the onslaught of the swine flu, baka pag-isipan ko na rin.
.
i-kwento ko agad dito kung sinumpong ako ng tapang at na-overcome ko na ang takot ko sa injection!
.

No comments:

Post a Comment