walang masyadong magandang issue lately dahil karamihan puro nega. but just to keep in line with our title, banggitin ko na rin yong kay charice para hindi masabing listahan ng hotnot itong issue number 10 natin.
Hothot: no. 44 daw ang kanta ni charice sa billboard. good for her. at least isang orig na pinay ang nakasama sa billboard charts. though jocelyn enriquez and mutya buena have already been there (and on a higher spot pa), us at uk na ang dinadala nilang flag so hindi masyadong proud ang pinoy. but for charice, binabandera talaga ni oprah at david foster na isa syang talent from pinas. as a pinoy, proud ako sa achievement ng batang ito. the same way na proud ako sa ginagawa ni pacquiao para sa bansa. though personally, meron akong sariling opinions about these two. pero akin na lang yon dahil for now, let’s just be proud of these guys bringing honor and recognition to pinas. opinionated nga ako pero patriotic din naman most of the time!
.
Hotnot: the champions crashing out of roland garros. the ladies defending champion ana ivanovic was hammered to a 6-2, 6-3 defeat by victoria azarenka of belarus. then the king of clay rafael nadal was sent packing by sweden’s robin soderling in a 4-set match, the first loss by nadal after a long winning streak since last year. this is not good for french open fans like me. the absence of champions makes the tournament less appealing. although this may be an opportunity for my favorite roger federer to finally win the surface he has never conquered in his career.
.
.
Hotnot: ang pasaway na north korea. hindi paawat sa pagte-test ng kanilang nuclear missiles. sending some signals cum warning sa mga neighbor nya? south korea and japan must be on their toes right now. wag naman sanang mag-escalate into something serious ang sitwasyon. coz if ever, para tayong sisipunin dahil nasa ulunan lang natin ang mga nagliliparang missile. at dahil siguradong kasali ang usa sa eksena, we might end up getting one or two of those long range monsters dahil kilala tayong strongest ally ng us sa asia-pacific region.
Hotnot: susan boyle second lang sa britain’s got talent. after receiving more than 100million you tube views, I can’t believe she lost the competition. it was such a shock to most of the british fans and maybe to all susan boyle fans all over the world. pero sabi nga sa euronews, maybe she lost because her fans became too confident. they didn’t pick-up the phone to vote thinking that a huge number of fans will do the voting. such a costly assumption. pero kahit natalo sya, I’m sure it’s not the last we’re gonna see and hear of this talented lady.
Hotnot: the myanmar auhtorities finally ending aung san suu kyii's 6-year house arrest. eh bakit hotnot pa rin? kasi naka-kulong pa rin sya dahil sa violation nya kuno na hindi naman nya kasalanan. obviously, planted yong lalaking puti na lumangoy across the lake papunta sa bahay nya and stayed there for 2 days. para may bago na namang maika-kaso sa kanya. sa totoo lang, sobra na itong ginagawa ng mga kababayan nyang nakapuwesto sa gobyerno. 6 years without freedom is probably one of the biggest human rights offenses around. at ngayon, posibleng ikulong na naman sya. sadly, parang walang magawa ang international policing bodies versus the myanmar authorities. i wonder why.
Hotnot: nasentensyahan na ng 10 years ang kabayan natin sa dubai na nahulihan ng buto daw ng marijuana sa kanyang bagahe. noong kumakalat ang kwento nitong si kabayan sa e-mail, I thought kwentong kutsero lang. coz sino ba naman ang kakain ng grapes at ilalagay pa sa travelling bag nya ang buto then go on an international flight. not unless na gusto nyang mag-tanim sa kanilang baryo ng ubas. eh kaso nga nasabat sa dubai airport at yon nga, marijuana daw yon hindi grapes sabi ng mga dubai pulis. but just the other day, lumabas na ang balita sa dyaryo (abante yata) confirming the story at yon nga, 10 years daw ang sentensya ni kabayan. ang masakit pa, ni wala daw ma-extend na tulong ang gobyerno natin kasi walang abogado para mai-depensa si kabayan. milyones ang kinikita sa aming ofw tapos isang abogado hindi makapag-provide para maipagtanggol si kabayan? tsk, tsk, tsk.
No comments:
Post a Comment