I wouldn’t say na maganda ang istorya ng Kubrador. Kasi sa totoo lang, napa ‘ano yon?’ ako nong biglang nag-roll ang credits somewhere in the 90th minute of the film. Biglang nag-rewind ang utak ko and tried to establish kung ano nga ba yong istorya nong film. Biglang natapos na ganon lang. Walang closure ng mga sitwasyon. But then again, ano nga ba ang istorya at anong situations ba ang bibigyan ng closure?
Then I realized, walang istorya ang Kubrador. Kasi, hindi ka nanood ng pelikula. Instead, isinama ka at nakita mo, na-experience mo personally ang buhay ni Amy. Nakita mo kung ano yong mga ginagawa nya sa pangungubra ng jueteng. Nakita mo kung sino-sino ang mga kasalamuha nya kahit sa pangongolekta ng abuloy para sa patay. Nakita mo kung gaano kabait ang mister nya pero medyo may pagka-inutil. Nakita mo kung paano sya hulihin ng mga pulis na bago naman sya lumabas ng presinto eh tumataya rin ng patago.
Maaawa ka sa kanya nong dinala sya sa presinto. 57 pesos na nga lang ang kinita sa pagpapataya nahuli pa at magpi-pyansa ng 10,000 pesos. Maiiyak ka rin nong naiyak na sya dahil naghi-hysteria na si Tatay Nick. Pero kambyo bigla at ako’y natawa nong after magpunas ng luha at uhog eh naalalang i-anunsyo yong patay.
Kung tutuusin, walang interesting na storyline yong pelikula. Parang kinuwento lang yong ilang araw na activities ng isang kubrador ng jueteng. But it has a lot of genuinely strong points kaya siguro na-invite ito to participate in 21 international film festivals.
Saludo ako sa gumawa ng screenplay (Ralston Jover who also penned the story). Simple, natural at hindi mounted ang dating ng mga eksena. Which can also be credited sa Director. Mahirap i-retain ang attention ko kung ganong mga klaseng eksena ang nakikita ko. Para lang akong cameraman sa likod ni Amy. But Jeffrey Jeturian managed to make it interesting dahil ina-anticipate ko kung ano na namang misadventure ang mangyayari kay Amy. Kaya hindi ko binitiwan hangga’t hindi tapos yong film.
At hindi na natin pagdidiskusyunan ang galing ni Gina Pareno dito. Walang acting na nangyari. Si Amy mismo ang nakikita ko. Kahit yong pag-ubo-ubo nya. Was it a coincidence na talagang may ubo sya habang ginagawa yong film? Kasi mahirap peke-in yong ubong pumuputok huh. Kaya naman kahit walang nakakawindang na mga dramatic scenes na tipong nag-iiiyak sya at naglulupasay, humakot ng Best Actress award ang Gina.
In fairness, hindi lang si Gina ang magaling dito. Lahat silang nakita mo sa film. Umpisa don sa mister nyang si Eli, sa apo nyang little boy, sa mga kumareng ka-tsismisan nya sa kalsada, sa mga pulis na humuli sa kanya hanggang sa mga kabo ng jueteng. Lahat sila natural ang kilos. Parang walang script na minemorize. Parang walang blocking na kinabisa. Parang walang instructions na sinunod. They all made it look so real.
Another thing that I liked about this film is that kahit tungkol sa jueteng ang kwento, it didn’t attempt to do a social or political statement na usually ginagawa ng mga ibang pelikula para masabi lang na may social relevance sila. The film was made from the point of view of an ordinary man living an ordinary life which includes jueteng among the many other things na dinadanas nya araw-araw. Walang pretensions. Real life captured on cam. Yon lang.
And probably that is why this film won rave reviews. For something this simple to be so representative of a real, breathing persona, talagang maganda nga ang pagkakagawa. And I don’t mind kahit feeling ko biglang naputol yong istorya nong mag-roll yong credits. Nagpasalamat na lang ako na nabigyan ako ng chance to take a peep sa buhay ng isang tao na in my real life eh hindi ko mae-experience. And that’s the beauty of this work of art.
No comments:
Post a Comment