I was just telling my friends the story nong nagbayad ako ng rent sa bahay last week. Tinaas na kasi ng realtor yong rent ko from 14k to 20k. To think na nag-start ako dito noong Dec 2003 na 10k lang ang rent.
For more than four years, ganon ang rent ko. Then March last year, tinaasan kami to 14k na. Sumabay ang may-ari at naki-uso sa mga realtor all over Jubail (I don’t know if it’s the same case sa ibang part ng KSA). Tingin ko lang, nakigaya sila sa Dubai where house rent is one, if not the highest, in the gulf region.
At nong February nga, sinabihan na ako ng realtor na magtataas na naman ulit. Yon nga, 20k na for this rat hole na may two-bedroom, 1 bath and a kitchen at wala namang living room.
Dahil ayaw kong dumanas ng hirap ng paglilipat (I have a few big pieces of furnitures/appliances), kinagat ko pa rin yong presyo. Besides, mahirap na ring maghanap ng flat. Mahal na rin kahit sa outlying areas ng Jubail town. Pero sabi ko nga sa ka-share ko, pag tinaasan pa kami ulit next payment, talagang lalayasan ko na ito. Better yet, lumayas na lang kaya ako ng Saudi.
Tumaas na kasi lahat ng bilihin dito. It all started nong may rice crisis. Nag-umpisa sa bigas where a 5kg-bag previously sold at SR 15 eh biglang naging 18, 22 at ngayon ay nasa 25 to 27 SR na. Ang 1 liter na cooking oil na dating SR 8 or 9 ay naging SR 13 na. Ang 2.5kg detergent soap (Tide) na dati’y SR 13 lang ngayon ay SR 18 na, at 1.75kg na lang.
With these increase in basic commodities, nobody else loses kungdi kaming mga dayuhang manggagawa. Hindi naman sumabay ang pag-taas ng sweldo namin. We were given some adjustments pero hindi commensurate don sa naging pag-taas ng cost of living.
Hindi naman katulad ito ng Pinas na pwede kang mag-organize ng union at mag-picket para humingi ng wage increase. Kontrata ang pinag-uusapan dito. Maswerte na nga kami at nag-bigay ng increase kahit papano ang kumpanya namin.
At kung tutuusin, double jeopardy ang nangyayari sa amin ngayon. Coz hindi lang dito kami binubugbog ng gastos. Of course sa Pinas din.
Nong nasa bakasyon ako, minsan tinanong ko ang ate kong namamalengke. Magkano kako yong dalawang piraso ng patatas. 18 pesos daw. Haaa??? Since then hindi na ako nakialam sa pamamalengke. At sa grocery, kuha na lang ng kuha at bayad ng bayad. Ang control na lang, yong mga importante na lang ang dinadampot. Hindi tulad ng dati na kung ano-ano ang nasa grocery cart.
Kaya ngayon, dagdag din ng budget sa Pinas plus the budget dito. Kaya in the end, lumiit na ang natitira sa amin. Lumiit na ang naiipon. Maaring malaki pa rin kung iku-compare sa sitwasyon sa Pinas. But still, hindi na ganon kalaki ang nagiging savings ko buwan-buwan.
And that only means na kung may target savings ka over a period of 2 years, ngayon hindi mo na yon maa-achieve at the same period. Maaring maging 3 or 4 years na yon. Meaning, tumatagal at humahaba ang sentensya mo sa Saudi. Idagdag mo pa yang global economic crisis na yan. Naku, parang nasentensyahan na yata tayo ng reclusion perpetua!!!

No comments:
Post a Comment