Monday, November 3, 2008

no. 12: raindrops and nostalgia

Umuulan na naman (yup, umuulan din po sa Saudi for those who doesn’t know). Magbabago na kasi ng season at yong dating init ng panahon ay mapapalitan na ng lamig. And in between these extreme seasons, laging may transition na nangyayari. Magsa-sandstorm muna saka bubuhos ang ulan. Then change weather na, either from summer to winter or vice versa.

Hindi ako madaling ma-homesick but whenever it rains, feeling ko nasa Pinas ako. And it brings back memories, fond or otherwise, ng mga experiences ko about rain. Let me share some of them with you.

Pitter-patter…
When I was still young, hindi ko natandaan na nakaranas akong maligo sa ulan. Sakitin kasi ako noon, madaling sipunin. Kaya while other kids na kapitbahay ko ay nagtatampisaw sa ulan, ako nakapanood lang sa kanila. Madalas nagpapa-anod lang ako ng bangkang papel sa kanal ng tubig na galing sa bubong namin. Or, paglalaruan ko ang pusa kong si Turnino, ihahagis ko sa ulan at tuwang-tuwa akong nagpi-pipitlag ang mga paa pagtakbo pabalik ng bahay. Pero kahit ginawin ako noon, enjoy na enjoy naman ako dahil malamig ang hangin. Ang sarap matulog at hindi na kailangan ng pamaypay o bentilador (na wala naman kami). Ang masarap pa, parang music yong patak ng ulan sa bubong naming yero. Minsan maglalagay pa ako ng empty na lata sa mismong pinapatakan ng tubig galing sa bubong. At yon ang ini-enjoy kong pakinggan hanggang makatulog ako. I still cherish those memories. Simpleng buhay. Simpleng enjoyment.

Hayyy… hirap ng buhay.
After High School yata yon and it was summer break bago ako pumunta ng Maynila para mag-college. Nagkataong tag-ani ng palay. Mabait naman akong anak (hehehe) kaya tumulong ako sa Tatay at Nanay ko na maki-ani ng palay sa kabilang baryo namin. Hapon na at pauwi na kami, pareho kami ng Tatay ko na may pasan na sako ng palay habang bitbit naman ng Nanay ko ang mga gamit namin. Saka naman biglang bumuhos ang malakas na ulan. Eh tatawid kami ng isang bundok. Nagkadulas-dulas ako lalo na nong pababa na kami. Kaya ang Tatay ko ang nag-buhat ng palay na dala ko. I was such a whimp. At ang Tatay ko, ganon kabait. Yan, na-miss ko na naman si Ka Lando.

Ulan sa Sentosa.
1995 nang mag-tour ako sa Singapore. All by myself dahil nag-back out ang kasabay kong magbakasyon na dapat kasama ko sa Singapore trip (it was a side trip on my way to Manila from KSA). Pero kahit mag-isa ako, tinuloy ko yong tour. It was my second day in Singapore nang sumama ako sa Sentosa tour. At the end of the trip, sumakay ako sa cable car from Sentosa papunta ng Mount Faber where our tour bus was waiting. At the start of the ride, marami akong kasabay, 7 or 8 yata kami sa isang car. Pero bumaba sila lahat doon sa terminal na nasa gitna nong dagat. And I was left all alone on the second segment papunta sa Mt Faber. Biglang-bigla naman, bumuhos ang ulan na may kasamang malakas na hangin. And the cable car was swaying mad! It was really scary. Pero kahit ganon ang experience ko, I’d do it again (cable car ride) pag napunta ako ulit don. Sana lang wag nang umulan ulit.

Barefoot on Buendia.
Back in 99 nong nagta-trabaho pa ako sa Makati, pauwi na ako isang hapon nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buong Metro Manila yata ang inulan ng malakas and in just a couple of hours, baha na halos lahat ng kalsada. Even Ayala Avenue was not spared. Ang masakit nito, tumigil na ang ulan pero tigil din ang traffic. Bumper to bumper ang mga sasakyan at walang umuusad kahit isa. 5pm ako lumabas ng office, spent an hour na magpatila ng ulan and another hour trying to find any form of transpo para makauwi. Nong wala talaga akong masakyan, naglakad na lang ako since dela Rosa lang naman ako uuwi. Pwedeng lakarin. Kaso, baha nga lahat ng kalye. At nanghihinayang ako sa sapatos kong medyo mahal (medyo pa-sosyal kasi sa Citibank Towers ang office namin). No second thoughts, hinubad ko si sapatos at medyas at naglakad ako sa Buendia Ave – barefoot. Na-realize ko na lung gaano ako ka-stupid ng maka-uwi ako ng bahay. What if nakatapak ako ng bubog or pako? Stupid di ba? Anyways, pagdating ko ng bahay, nakita ko nga sa Tv ang mahabang traffic na hindi lang pala sa Ayala at Buendia, even the entire stretch of EDSA all the way from Baclaran to Cubao. Ganon pala ka-grabe yong sitwasyon.

Well, these are just a few of the experiences na naaalala ko pag umuulan. How about you, may mga memories din ba ang ulan sa yo?

No comments:

Post a Comment