Saturday, November 29, 2008

pacman fever again

in a few days manny pacquiao is at it again, slugging it out with the bigger and much heftier oscar de la hoya. something that made me raise my eyebrows as high as the eiffel tower the first time i heard of it. just thought to myself well, maybe manny's fame has gone into his head already. squaring it off with a taller opponent? with longer reach? he must have gone nuts.

not that i care. i never liked boxing so i never liked manny. though i always say i respect him for what he has done in his life. his story was one of cinderella and all that stuff.

anyways, let me see if you can predict the result of their match. be a madam auring just for once. cast your vote on that thing somewhere in the right panel of this blog. you only have until dec 5th. whoever gets the correct result will win something from me..... awww com'n, you know i'm just kiddin hehehe!

but really, me know what you think of that match. vote now!

Monday, November 24, 2008

one genuine talent

Sabi ng mga local entertainment press, isa raw si John Lloyd sa mga sensitive young actors of the current generation. Though I must admit I’ve never seen any of his films. Even his soaps, never kong pinanood. Hindi ako mahilig sa soap and if ever na manood man ako, I still wouldn’t watch him dahil hindi naman ako Kapamilya.

But then I was intrigued sa dami ng mga nabasa ko na yong pelikula raw nila ni Sarah ang biggest blockbuster of the year. Kaya pinanood ko yong film out of curiosity. To find out kung bakit hahamig ng milyones (as in 140million pesos nga ba?) sa takilya yong film.

Well, I wouldn’t blame the 1.4 or 1.7 million Pinoys na nanood nitong A Very Special Love. Be it 80 pesos o 100 pa ang binayad nila for the ticket, it was money well spent. In fact, barya lang yon compared to the entertainment value na nakuha nila sa film.

It was a teeny-bopper film alright. Pero maayos naman ang pagkakagawa. At magaling kumiliti yong director (Cathy Garcia-Molina) para pakiligin ang target audience nya. Kahit ako, may mga scenes na napa-LOL ako dahil genuinely funny yong mga eksena.

Fortunately, kahit pang-bagets yong film, matino naman sya. It was well-directed, well-acted and overall, a well crafted film. Simple ang story, walang complex plot, walang grandiyosong conflicts kaya hindi ka mai-stress habang nanonood. It was meant to be a feel-good, fall-in-love film and it delivered exactly just that.

It must have banked on the charms of John Lloyd dahil talagang mukhang inalagaan ang hitsura nya all throughout the film. Na kahit umiiyak sya hindi pinabayaang malukot yong kanyang mukha. Though same thing cannot be said kay Sarah who should have been given a better hair dresser para naman ma-accentuate yong gandang Pinay ng batang ito.

Pero kahit ganon at may mga eksena syang para syang Pokwang/Candy Pangilinan combined, her talent shines radiantly on screen. In fact, sya ang pinakamalaking selling point nong film. Dahil bukod sa captured market nya (from her singing), marami talagang pinabilib ang batang ito on her acting. Isa na ako.

And now I believe what the critics have been saying. She is, indeed, a natural. Ke magpatawa sya or umiyak, effortless. Agree ako. And that gave the movie a convincingly genuine feel na hindi siguro maa-achieve had the role been given to somebody else.

If Sarah will continue her strong showing sa acting department, she can easily be the next Sharon who successfully crossed over from singing to acting. And with that, lalo akong pinahanga nitong batang ito. Kaya isasama ko na rin sya sa collage ko ng favourite personalities. A very dark horse in third place right behind Lani and Leah.

Nokia going green.........

The No. 1 cell phone maker in the world is showing off a conceptual cell phone design at the GSMA Mobile World Congress that is made of entirely renewable and recycled parts. The phone, called "Remade," was unveiled here during a keynote speech given by Nokia CEO Olli-Pekka Kallasvuo on Tuesday.
The device, which has an outer case made of renewable materials rather than petroleum-based plastic, doesn't yet make phone calls. And Nokia has not determined yet if it will actually manufacture the "Remade." But Kallasvuo said it showed what could be done with such materials and also gave insight into how Nokia thinks about its role in the global environment.

Sunday, November 23, 2008

How to protect your mobile to make it come longlife?



1.Never charge your mobile,except when it displays "LOW BATTERY" , message.This makes your battery come long life.


2.Dont ever charge your mobile for a long time.


3.Avoid using any extra covers like crystal covers,zipped cover,laminating ,etc,,,


4.When you drop your mobile down accidentally,immediatel switch of and switch on your mobile.


5.When speak over the mobile dont cover the anntanae with your hand,It is aways better to use the mobile as shown in the picture,.


Saturday, November 22, 2008

atlantis rising

Antok na antok na ako last Thursday night and in fact nakahiga na ako nang biglang mag-flash sa screen ang opening daw ng Atlantis sa Dubai One tv. So inantay ko kung ano yon. Bad decision. Lalong hindi ako nakatulog ng maaga.

Nag-umpisa yong show where the façade of a big hotel became the backdrop of awesome laser images. Ilang minuto siguro yong laser show na yon na ang interpretation ko is that it talks about a land rising from the waters. Atlantis nga kasi. At yon pala yong nababasa kong super high end resort na nasa The Palm Dubai na alam naman nating reclaimed area from the sea.

Then may lumabas na mga muscle men clad in some Egyptian-inspired costume followed by a beautiful woman na naging hostess nong show. Hindi ko sya kilala although she looked like Diana (Miss India who became Miss Universe during the 90’s). And after a brief welcome to the royal highnesses and the distinguished guests (including Donald Trump, Denzel Washington, Robert DeNiro and Charlize Theron), nag-umpisa na ang fireworks.

At ito lang ang nasabi ko while watching the pyrotechnics: “tinalo ang Olympic games opening sa Beijing ah.” Turned out na tama ako. Dahil according to reports, 7 times daw nong ginamit sa Beijing ang ginamit na fireworks dito. If you haven’t seen it, imagine nyo na lang – yong buong Palm was literally lit up dahil sabay-sabay yong fireworks na tumagal ng halos 15 or 20minutes yata. 40km daw ang haba nong fireworks na nilatag.

Reports say that this ultra-fabulous launch cost as much as 20million dollars. Malaking pera pero siguro kailangan nila itong gawin to drum up business. Kasi, inabot pala ng 1.5billion dollar yong construction nitong Atlantis.

The marine-themed resport boasts of a 1,500++ room hotel of ultimate opulence. Tingnan nyo na lang ang mga pictures dito. And in case you’re planning to live in one of those rooms, mag-handa muna kayo ng dolyares. Specially if you want to try their 3bedroom + 3bathroom suite, magdala ka ng 25,000 dollars pambayad – one day lang yon huh.

Ang centrepiece nong hotel is a gigantic aquarium with 65,000 species of fish and 2 dolphins na binili pa and flown all the way from the Solomon Islands. In fact, in most of the rooms daw, you can have a piece of the gigantic aquarium right in your bedroom. So pwede kang matulog while whale shark watches over you.

Although sabi nga ng reports sa Al-Jazeera, mukhang wrong timing daw ito because of the global economic recession. And even CNN said na sana daw wag itong matulad sa mythical Atlantis na nalubog lang sa kawalan. And if the economic situation doesn’t get better, baka nga mapunta sa wala ang efforts nila. Who’d waste 25,000 dollars para lang sa isang hotel room? Not Warren Buffet I’m sure.
.
(Ps. Kylie Minogue provided the entertainment during this party. She then had a concert last night, Friday, na eto at kakakita ko lang sa Dubai One News na disappointed daw ang mga nanood nong concert coz she was lip-synching! What a shame!).

The Palm in Dubai. Right at the tip is the Atlantis.

The ultra-lavish Atlantis hotel resort

Fireworks galore!

One of the intricately-decorated lobbies

Even the corridor spells luxury

Probably the simplest room in the entire hotel

while this one can be one of the most expensive space just to sleep ....

... and dine on!

Tuesday, November 18, 2008

pa-sa-pa

well i've always been a self-confessed geek when it comes to gadgets. hindi ako ganon ga-techie and i really don't go gaga over new mobile phones, i-pods or whatever. masaya na ako dati sa n70 kong stone age pa yata nang lumabas sa market. and now i have one of those 3120 classic na slim and cute and most importantly, nakakatawag ako at nakaka-text. afterall, that was the basic purpose of a mobile phone before it was marketed as one highly convoluted piece of gadget.
.
but lately i decided to get one of those mp3 players (my second kung natuloy akong bumili. my first was a creative 512mb some two years back na hindi rin nagtagal sa akin and i just sold it off). medyo hindi na kasi kaya ng cp ko yong dami ng mp3 ko na naipon nang naipon.
.
besides, kailangan ko na ring magpasak ng earphone in the mornings on my way to work lalo na pag hindi maganda ang gising ko at wala akong tiyagang makinig ng ingay na hindi ko gusto. some people kasi just don't know the words sensitivity, consideration at lalo na siguro yong respect. kaya makikinig na lang ako ng aking mga mp3s kesa ako pa ang bumatok sa kanya. don't want blood in my hands kaya i'd let other people do it na lang.
.
so i thought of getting an i-pod. and since bibili din lang ako ng bago, kahit nga hindi ako techie, yong latest naman ang gusto ko para medyo matagal bago mapag-iwanan at ma-luma.
.
but ricky and raoul put some sense into my head kaya sa psp ako napunta. multi-functional nga naman. at talagang in-escortan pa nila ako kahapon pagbili with matching free dinner sponsored by ega. kaya eto yong sinasabi ni raoul sa chatbox na bago kong baby blue.
.
and of the three main functions it offers, i would rank my use as 1 - music player, 2 - video player and 3 - gaming. weird ba? sabi nga ni irwin "psp gagawin lang music player?" eh kasi po medyo tetris, super mario at queen bee lang ang alam kong laruin! hahahaha. don't worry irwin, kakaririn kong pag-alaran ang mga games. i just hope hindi ito matambak sa baul like some people i know! peeeaaaacceeee!!!
.


Thursday, November 13, 2008

when diplomacy runs out

saw this in the news last night. reminded me of the slapping incident in the philippine senate a few years ago. as well as the lady parliamentarian hitting her fellow politician with her shoes in taiwan also a few years back.

this time, it's in ukraine's parliament. only shows that guys in nice suits and expensive ties need anger management just like everybody else. or, maybe more than everybody else coz they're occupying public positions. and it's a lot more embarassing when international tv flash these kind of fits from public officials.

Wednesday, November 12, 2008

what's playin

i've said it before - my taste in music is as so varied you can never really tell what i'm listening to whenever i've got my earphones on. i love the chamber music of the gregorian chants as much as i love bruce springsteen's pop rockin. or eminem's white rap (wonder where is he now) to the operatic charm of josh groban.

this time, i'm goin dancin and wigglin so let me share three songs with you - two upbeat tunes that i wiggle my booty on even while i'm in the office, and one with a delightfully reggae beat.


Paid My Dues by Anastacia

i luv the fullness of her voice and the song speaks of what you get when you've been bad. a bit baddy but with some lesson woven into the danceable tune. nice.


I'm Yours by Jason Mraz

he's a newbie in the music biz (started only in 2007 with his debut album The Beauty in Ugly) but he's already making waves. not a surprise coz this guy's definitely got the groove. and in this song, he successfully adopted the reggae beat into his genuinely american music. I'm Yours is one song that can lift your spirits on a cold, damp day.


Closer by Ne-yo

another hip and cool tune that never fails to make me do some funky moves. well, at least according to what i imagine. haha...

listen to these songs via the e-snips widgets below. hope you like them too....

Saturday, November 8, 2008

meeting na namannnn???

In my current job, grabe ang mga meeting. Ito na yata ang kumpanyang nakita ko na kaliwa’t kanan ang meeting. There are days na halos wala akong magawa kungdi mag-attend lang ng meetings, one after the other.

Hate ko pa naman yan. I think it’s counter productive. Ang daming oras na nasasayang. But even if I don’t want to, wala akong magawa minsan kungdi mag-attend. And in all those countless sessions, may napansin ako. And that’s what I’m gonna share with you.

Napansin ba ninyo na ang mga nag-aattend ng meeting, iba-ibang klase ng tao? I mean, iba-ibang personalities. And if I’d put a tag on them, eto yon:

The Dictator – eto yong mga dino-dominate ang discussion all to himself. Halos walang makasingit at sya lang ang nagsasalita. Makes you wonder kung bakit ka pa nag-attend eh sya lang pala ang gustong makipag-meet sa sarili nya.

The Impressionist – ito yong mga taong gusto laging magpa-impress. Always trying to appear as the know-it-all guy kahit wala namang alam. Ang daming sinasabi pero wala ka namang mahagilap ng substance.

The Artist - you might see him busy scribbling on his notepad. Akala mo nagsusulat ng notes about the meeting. But look at his paper when the meeting is over. Most likely, naka-tapos na sya ng isang Mona Lisa kung mahaba-haba ang meeting nyo.

The Politician – pag may pinagtatalunan, hingan mo ng comment ang taong ito and most likely he’ll give you an answer na ikakataas ng kilay mo. He’d refuse taking sides para walang makagalit. Hindi mo maaasahan ang mga ganito pag may botohang mangyayari. Balimbing.

The VIP – he’d come late and burst into the meeting room, profusely apologizing at sasabihing marami syang ginawa o galing pa sya sa isang meeting kaya sya late. And long before your meeting is over, magpapa-alam na porke may naghihintay pang tao. Coz he’s very important at kayo ay hindi kaya kayo na lang ang magtuloy ng meeting nyo.

The Kitten – kung magsalita ang taong ito, akala mo kuting na ngumingiyaw. Sobrang hina ng boses and you have to strain your ears para maintindihan lang ang sinasabi. Either he’s so shy na magsalita o talagang ganon na ang speaking voice. Minsan gusto kong tapakan ang paa para mapa-aray at lumakas-lakas naman ang boka.

The Ghost – at least si kitten, maririnig mo. Pero etong Ghost, magugulat ka na lang and say ‘uy, nandyan ka pala’. Dahil after hours na naguusap kayo, hindi mo sya narinig magsalita. Either natutulog o ayaw magsalita dahil walang alam sabihin sa pinag-uusapan ninyo. Makikita mo na lang as you were leaving the conference room.

Well, I'm just trying to humor myself sa mga pinag-gagawa ko rito. But the truth is, minsan ako rin, dahil sobrang bored, uninterested at hate ang meeting, nagiging The Artist ako minsan. Kaya after the meeting, nakakagawa ako ng mga starts, flowers at kung ano-ano pa from repeated strokes of my pen. Hay naku, meeting na walang katapusan. We gotta use our time in a more productive manner.

Friday, November 7, 2008

condelences

gusto ko lang pong i-share ang king condolences with a very good friend, Cesar of Jeddah, who lost his dear father yesterday.

i've never met his father, and even his mother for that matter, pero halos kilala ko na sila dahil sa madalas naming kwentuhan about them. Cesar kasi was just like me whose love for his parents never takes a backseat. in whatever he does, it's his parents na priority nya sa buhay.
and i know exactly how it feels to lose someone so close to your heart. but, as i always say, the line 'they'll live on forever in our hearts' is not just a cliche. totoo yon. dahil buhay na buhay pa rin sa puso at isip ko ang tatay ko after 13 years na mawala sya sa buhay namin.

and i know Cesar will have the spirit and love of his dad in his heart just as long.

to you dear friend, my deepest sympathy. cry it out. let your heart bleed. but try to celebrate with your dad who is now freed from the hardships of a mortal existence. he went peacefully and that says a lot. and in the end, just remember that having his spirit guide you in all your days is something more magical. you'll see.

Monday, November 3, 2008

no. 12: raindrops and nostalgia

Umuulan na naman (yup, umuulan din po sa Saudi for those who doesn’t know). Magbabago na kasi ng season at yong dating init ng panahon ay mapapalitan na ng lamig. And in between these extreme seasons, laging may transition na nangyayari. Magsa-sandstorm muna saka bubuhos ang ulan. Then change weather na, either from summer to winter or vice versa.

Hindi ako madaling ma-homesick but whenever it rains, feeling ko nasa Pinas ako. And it brings back memories, fond or otherwise, ng mga experiences ko about rain. Let me share some of them with you.

Pitter-patter…
When I was still young, hindi ko natandaan na nakaranas akong maligo sa ulan. Sakitin kasi ako noon, madaling sipunin. Kaya while other kids na kapitbahay ko ay nagtatampisaw sa ulan, ako nakapanood lang sa kanila. Madalas nagpapa-anod lang ako ng bangkang papel sa kanal ng tubig na galing sa bubong namin. Or, paglalaruan ko ang pusa kong si Turnino, ihahagis ko sa ulan at tuwang-tuwa akong nagpi-pipitlag ang mga paa pagtakbo pabalik ng bahay. Pero kahit ginawin ako noon, enjoy na enjoy naman ako dahil malamig ang hangin. Ang sarap matulog at hindi na kailangan ng pamaypay o bentilador (na wala naman kami). Ang masarap pa, parang music yong patak ng ulan sa bubong naming yero. Minsan maglalagay pa ako ng empty na lata sa mismong pinapatakan ng tubig galing sa bubong. At yon ang ini-enjoy kong pakinggan hanggang makatulog ako. I still cherish those memories. Simpleng buhay. Simpleng enjoyment.

Hayyy… hirap ng buhay.
After High School yata yon and it was summer break bago ako pumunta ng Maynila para mag-college. Nagkataong tag-ani ng palay. Mabait naman akong anak (hehehe) kaya tumulong ako sa Tatay at Nanay ko na maki-ani ng palay sa kabilang baryo namin. Hapon na at pauwi na kami, pareho kami ng Tatay ko na may pasan na sako ng palay habang bitbit naman ng Nanay ko ang mga gamit namin. Saka naman biglang bumuhos ang malakas na ulan. Eh tatawid kami ng isang bundok. Nagkadulas-dulas ako lalo na nong pababa na kami. Kaya ang Tatay ko ang nag-buhat ng palay na dala ko. I was such a whimp. At ang Tatay ko, ganon kabait. Yan, na-miss ko na naman si Ka Lando.

Ulan sa Sentosa.
1995 nang mag-tour ako sa Singapore. All by myself dahil nag-back out ang kasabay kong magbakasyon na dapat kasama ko sa Singapore trip (it was a side trip on my way to Manila from KSA). Pero kahit mag-isa ako, tinuloy ko yong tour. It was my second day in Singapore nang sumama ako sa Sentosa tour. At the end of the trip, sumakay ako sa cable car from Sentosa papunta ng Mount Faber where our tour bus was waiting. At the start of the ride, marami akong kasabay, 7 or 8 yata kami sa isang car. Pero bumaba sila lahat doon sa terminal na nasa gitna nong dagat. And I was left all alone on the second segment papunta sa Mt Faber. Biglang-bigla naman, bumuhos ang ulan na may kasamang malakas na hangin. And the cable car was swaying mad! It was really scary. Pero kahit ganon ang experience ko, I’d do it again (cable car ride) pag napunta ako ulit don. Sana lang wag nang umulan ulit.

Barefoot on Buendia.
Back in 99 nong nagta-trabaho pa ako sa Makati, pauwi na ako isang hapon nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buong Metro Manila yata ang inulan ng malakas and in just a couple of hours, baha na halos lahat ng kalsada. Even Ayala Avenue was not spared. Ang masakit nito, tumigil na ang ulan pero tigil din ang traffic. Bumper to bumper ang mga sasakyan at walang umuusad kahit isa. 5pm ako lumabas ng office, spent an hour na magpatila ng ulan and another hour trying to find any form of transpo para makauwi. Nong wala talaga akong masakyan, naglakad na lang ako since dela Rosa lang naman ako uuwi. Pwedeng lakarin. Kaso, baha nga lahat ng kalye. At nanghihinayang ako sa sapatos kong medyo mahal (medyo pa-sosyal kasi sa Citibank Towers ang office namin). No second thoughts, hinubad ko si sapatos at medyas at naglakad ako sa Buendia Ave – barefoot. Na-realize ko na lung gaano ako ka-stupid ng maka-uwi ako ng bahay. What if nakatapak ako ng bubog or pako? Stupid di ba? Anyways, pagdating ko ng bahay, nakita ko nga sa Tv ang mahabang traffic na hindi lang pala sa Ayala at Buendia, even the entire stretch of EDSA all the way from Baclaran to Cubao. Ganon pala ka-grabe yong sitwasyon.

Well, these are just a few of the experiences na naaalala ko pag umuulan. How about you, may mga memories din ba ang ulan sa yo?

Sunday, November 2, 2008

Some New Kimis









Stap in de huid van Charly Chaplin of plaats je in een schilderij van Rembrandt doe mee in een travestieten act klik dan op de gewenste foto

Saturday, November 1, 2008

life... death.... and everything in between

So it’s Nov again. At sa ating mga Pinoy, Nov 1 is always observed as the day of the departed. Although sa totoong buhay, Nov 1 is All Saints Day at Nov 2 ang All Souls Day. Naging tradisyon na lang ng mga Pinoy na pagsamahin.

Nevertheless, eto yong mga panahon that always makes me think kung ano talaga ang nangyayari pag namatay na ang isang tao. Totoo ba ang sinasabi ng mga doktrina ng ating kinamulatang relihiyon na mayroong buhay beyond our mortal existence?

Or should I be more practical and believe that death ends it all and nothing lies beyond your last breath. And neither Heaven nor Hell is nothing like what we usually painted in our minds. Or, at the risk of sounding radical and irreverent, ask something like - does it even exist?

Kasi, sa totoo lang, sino ba talaga ang makakapag-patunay na merong life after death? May namatay na ba at nakabalik sa mundong ito at nagsabing he has been to the gates of heaven? Or has seen Satan welcoming him to the depths of hell? Wala pa di ba.

So how can we believe something like that kung wala talagang proof? And all we have is our faith, base sa kinalakihan natin at pinaniwalaan natin? Faith in what we believe is true dahil yon ang tinuro sa atin. Yon kasi ang sabi ng Bible. Yon kasi ang sabi ng Pari. Yon kasi ang sabi ng mga magulang natin.

Ok, sabihin nating walang life after death and we all end up as a ghostly spirit as soon as our heart stopped beating. Then, what happens? Saan pupunta yong spirit? Sa Heaven if you did good during your lifetime or Hell if you spent it otherwise? Again, why? Dahil yon ang sabi sa atin ng Bible, ng Pari, ng matatanda at ng mga magulang natin?

But isn’t it one big blackmail? I mean, hindi ba’t parehong-pareho lang yon ng mga pang-uuto ng Nanay natin sa atin nong maliit pa tayo? “Sige anak, pag nagpakabait ka, ibibili kita ng laruan. Pag naging salbahe ka, papaluin kita.” O kaya yong sabi ng Tatay natin na “Anak, pag first honor ka, ibibili kita ng bike. Pero pag bumagsak ka, humanda ka sa sinturon ko”.

We are told to do good and be good para ibigay sa atin yong gusto natin. Otherwise, we don’t get the prize and instead, punishment ang ibibigay sa atin. Yon ang sinasabi kong parehong-pareho. May kakabit na threat yong kundisyones. Pag mabait ka, sa langit ka pupunta. Pag masama, sa impyerno ang bagsak mo.

O sige, sabihin nating nagpaka-santo ka, malaking mag-abuloy sa simbahan and was doing lots of charity works. But at the back of your mind, you’re doing it all dahil meron kang hinihintay na kapalit. In fact, you look at everything you do as an investment. Na bawat ginagawa mong kabutihan, binibilang mo na para kang naghuhulog ng coins sa piggy bank. And in the end, ang gusto mong ROI ay ang mapunta sa langit.

Do you think it’s gonna get you to where you wanna be?

Why can’t we just do good things because we know in our heart and our mind that it is the right and good thing to do? Just do good things to our family and to the community as a whole na walang selfish motive. Yong gusto lang talaga nating maging mabait na tao, matinong member ng society without fixating on what happens to us in the after life. Coz again, naron yong paniniwala ko na if you do something good na may hinihintay na kapalit para sa sarili mo, it’s just as bad as doing something bad.

And what happens if it turned out na walang langit, walang impyerno. And after you gasped your last breath, naging spirit ka na, wala na palang kasunod. Wala yong inaasahan mong welcome party ni San Pedro sa yo with matching pearly white gates and singing angels? Natunaw yong inaasahan mong ROI. So you’ll turn out to be one sour spirit? Tatambay sa mga balete at mananakot ng mga inosenteng tao?

Tapos makikita mo yong mga taong buhay na nakakakilala sa yo, pinag-uusapan ka at ang sabi “Naku, kunwari lang naman mabait yan pero sa totoo lang, kurakot yan, manloloko, rapist at gangster pa. Mabuti nga namatay na.” Well, for me, yon ang impyerno. Patay ka na nga pero wala kang iniwang mabuti kaya walang masabing mabuti yong mga kakilala mo.

Di ba mas maganda yong maganda lang talaga ang ginawa mo nong buhay ka pa at walang ini-expect na kung ano pag namatay. You may float in the air as one happy spirit. Kung wala mang langit na naghihintay sa yo, heaven na rin ang feeling mo dahil magaganda ang naririnig mong comments sa mga taong tinulungan mo ng walang pagkukunwari. And every good word they utter about you are just like petals of flowers thrown your way. Di ba, yon ang paradise?

I know this thing has been the subject of countless debates. Marami na ang nagtalo, nag-away at siguro nagka-patayan sa argumento tungkol sa bagay na ito.

Unfortunately, kahit anong balitaktakan ang gawin natin, kahit itambak natin lahat ang documents from all the versions of the Bible, kahit gamitin natin lahat ng research papers for scientific evidence, we can not come up with anything definitive to support either sides. And in the end, it all boils down to what we believe. To what we have accepted in our hearts and in our minds as the truth.

So is there really life after death? Totoo ba ang Heaven and Hell? I’ve said my piece. And that's what I believe in. It’s up to you what you make out of it.

MY Anastasia on the Internet
















POST UPDATE 11/01/09




MY Anastasia on the Internet, a post with pictures of Anastasia that I come across on the Internet so in this post regular updates click on the picture(s)





MY Anastasia op het Internet , een post met foto's van Anastasia die ik tegenkomt op het Internet dus in deze post regelmatige updates klik op de foto(s)