A co-worker got hospitalized last week for what seem to be a mild stroke. Maybe because of the scorching heat of summer which, by the way, seem to be inching a few degrees each year. In my years of stay in this place, parang nagiging worse each year ang temperature. Mas mainit ang summer at mas lumalamig ang winter. Epekto siguro ng atmospheric imbalance dala ng global warming. O talaga lang tumatanda na ako.
Sa kaso ng co-worker ko na na-ospital, primary suspect ang age nya kaya sya na-stroke. Though he kept on denying na past 60 na sya, he does look it. Hindi lang sa itsura. Pati sa ugali. Yong ugali ng matatanda na makulit na and extra-sensitive. Kaya nga madalas syang mapa-away sa trabaho.
Without a doubt, nandoon na sya sa edad na dapat nag-retire na sya and was just enjoying his twilight years in comfort. Kasi matagal na rin naman syang nagsa-Saudi. Kaso, nandito pa rin sya at kumakayod. I’ve heard stories na porke may pinag-aaral pa, may ganito-ganiyang pang obligasyon sa pamilya.
Which is sad kung totoo dahil kung ako siguro ang nasa kalagayan nya, tatanungin ko ang sarili ko – for how long do I have to be burdened with these responsibilities? Hanggang kailan ako kailangang kumayod para magampanan ang mga obligasyon na ito? Hanggang kailan ako kailangang mag-banat ng buto, dito pa sa Saudi?
I’ve always looked at people and reflect on them kaya pumasok ito sa utak ko. Dahil ako mismo, matagal na rin sa pagiging OFW. At katulad nya, marami rin akong responsbilities sa buhay. Mga responsibilities na noong una ay tinanggap ko, kaliwa’t-kanan, kahit saan nanggagaling. Until na-realize ko na habang dumadami ang responsibilidad na pinapatong ko sa sarili ko, humahaba ang sentensya ko sa pagiging isang OFW.
I always hear things like “ang tagal mo na pala sa Saudi, di mayaman ka na!?”. Dahil kung tutuusin nga naman, matagal ka nang dollar earner which means milyon na ang kinita mo. Pero ang tanong…”alam ba ninyo kung gaano kalaki rin ang nagastos ko just to keep up with those responsibilities na pinatong ko sa balikat ko, voluntarily or otherwise?” I’m sure hindi kaya nasabi ninyong mayaman na ako.
I’m sure hindi lang ako ang ganon. Common kasi ito sa ating mga Pinoy. Kung sino ang may kayod, kung sino ang may kita, sya ang papasan ng burden sa pamilya. Masuwerte yong mga pamilyang lahat halos ay productive. Eh pano kung tulad kong mas marami ang nagsikap kunong mag-aral pero in the end eh wala ring pinuntahan like what I’ve already wrote a few postings back. Pero bago ako mapunta na naman sa pagwawala, balik na lang tayo sa co-worker kong naospital.
Unang kita ko pa lang sa kanya dito sa company namin some 5 years back, sabi ko, sana hindi ako abutin ng ganong edad dito sa Saudi. Dahil yan nga, inatake na sya. Umaalma na ang katawan nya. But whatever reason he has for sticking it out in this place, hindi natin alam. Wala tayong karapatang kwestiyonin yon.
Ang sa akin lang, lalong na-reinforce yong nasabi ko dati na hindi ako dapat abutin ng ganong edad dito. And to do that, I had to do some streamlining of my responsibilities.
Tapos na yong mga araw na nagi-sponsor ako ng birthday, kasal, debut, binyag at kung ano-ano pa. Tinapos ko na rin ang mga scholarships kong walang pinupuntahan. Sa ngayon, wala na akong pinag-aaral. Yong isang nagki-criminology, pinabayaan ko na just recently. Kung gusto nya talagang makatapos, he should find ways other than relying on what I dole out. May isa pa akong apo sa pamangkin (oo na, matanda na nga sabi ko sa umpisa pa lang di ba!?) na naghihintay ng desisyon ko. And I’m still mulling it over kung pag-aaralin ko o hindi.
Ang sa akin, kung ano na lang yong basic responsbility ko sa Nanay ko. And aside from the regular expenses na talagang budgeted na, wala na akong tinatanggap na responsibility ngayon. That’s it. Ang main responsibility ko ngayon is to build a retirement fund for myself. As much as possible, makaipon at the earliest. Para makalayas na at matapos ang sentensya ko dito sa Saudi.
Mahirap gawin. But we gotta start somewhere, somehow. Dahil pag hindi ko ito ginawa, dalawa lang ang pupuntahan ko – first, umuwi ng Pinas na uugod-ugod na, without a single cent to my name at umasa na lang sa charity of people na tinulungan ko noong unang panahon. Ito, parang hindi ko kayang gawin. My pride is bigger than you could imagine.
Or, kung hindi ako umuwi ng Pinas, matulad ako kay co-worker na nandito pa rin kahit uugod-ugod na. And that, I really don’t want to do. Dahil sigurado akong pag nangyari yon, may magbubulong din sa sarili nilang “ano ba ito, ang tanda-tanda na, ayaw pang umuwi ng Pilipinas!”.

No comments:
Post a Comment