Thirteen years ka na palang umalis. Pero parang kelan lang. Parang kahapon lang yong araw na dinatnan kita na hindi na tayo nakapag-kamustahan. Hindi ko na nakita yong saya mo pag umuuwi ako. Nakapikit na ang mga mata mo. May kahoy at salamin na nakapagitan sa atin.
Dito pa lang sa Saudi noon umatungal na ako ng iyak. Pero pagdating ko at kaharap na kita, hindi na ako maka-iyak. Parang humiwalay yong kaluluwa ko sa katawan ko. Mabigat at masakit ang dibdib ko pero hindi maramdaman ng katawan ko. Kaya walang luhang napiga.
Siguro naibuhos ko lahat nong matanggap ko yong fax. At siguro, dahil sa haba ng biyahe ko pauwi dyan sa atin. Dinagdagan ng puyat at pagod yong masakit kong dibdib at namamagang mata. Kaya para na akong zombie noon. Kumikilos pero manhid.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dyan noon eh. Basta ang alam ko kailangan kong makauwi agad. Para bang kung mapapa-aga pa ako ng isang oras ng pagdating dyan, aabutin pa kita at makakausap pa kita. Samantalang sinabi na nga ng fax sa akin dito pa lang sa Saudi.
Ilang araw at gabi rin kitang binantayan. Parang robot pa rin ako nong mga oras na yon. Yong robot na bobo kasi kahit sinong kumausap sa akin parang mga hindi ko kilala. Parang mga walang mukha. May naririnig akong boses pero hindi ko maintindihan ang sinasabi. Ganon pala yong tulala at wala sa sarili. Kumikilos, gumagalaw, humihinga, kumakain at nabubuhay pero wala namang buhay. Para ngang zombie.
Nong ilalabas ka na ng bahay, napaiyak lang ako dahil narinig ko na yong mga OA na iyakan ng mga tiyahin ko at mga pinsan. Mga iyak na akala mo eh sobrang lungkot nila noong mawala ka. Samantalang inaaway-away ka pa dati. Tapos ganon na lang maka-atungal.
Pero saglit lang yon. Naisip ko nga kasi, mga OA lang ang iyak nila at nadala lang ako. Pero hindi ako totoong naiiyak. Sa isip ko kasi, hindi ka naman nawala eh. Ramdam na ramdam kong nandoon ka lang sa tabi ko.
Kahit noong nasa simbahan na tayo, hindi pa rin ako makaiyak. Naka-shades nga ako para kunyari maitago yong pag-iyak ko. Pero sa totoo lang, yong hindi ko pag-iyak ang tinatago ko. Bakit nga ako iiyak eh hindi ka naman nawala.
Tuwing anniversary mo o kaya November, drama ko lang yong pinapadasalan kita, pinapapinturahan yong nitso mo, dinadalhan kita ng bulaklak at pinagtitirik ng kandila. Pagagalitan ako ni Inay pag hindi ko ginawa yon. At sasabihin ng mga kamag-anak natin, wala akong kwentang anak.
Pero alam mo naman ang totoo. Hanggang ngayon, hindi ko inisip na wala ka na. Denial daw ang tawag nila don. Pero ang habang denial na siguro ng nangyayari sa akin. Dahil hanggang ngayon, alam kong nandyan ka pa rin at lagi akong binabantayan. Minsan nga alam ko nandito ka lang sa tabi ko eh. Lagi mo pa rin akong kinakamusta lalo na sa mga panaginip ko. Lalo kung may mga problema ako. Bilib talaga ako sa yo. Hindi mo ako pinababayaan.
Na-miss lang kita ng sobra noong ginawa ko yong una kong blog tungkol sa iyo. Last year lang yon. At habang nagsusulat ako noon, para akong inuntog sa katotohanan na nami-miss kita. Kaya para akong dam na sumabog noon. Bumalik yong atungal ko. Yong atungal na tulad nong nabasa ko yong fax.
Pero nakakatawa nga kasi ngayong 13 years ka nang wala, mas madalas pa kitang maalala at mapanaginipan. Baliktad di ba. Dapat nakalimutan na kita sa haba ng panahong dumaan. Pero alam mo naman, hindi mangyayari yon. Dahil isa lang ang Tatay ko na da best pa. So ngayon, saan ka man nandon, enjoy ka lang. At sana meron ka pa ring tinotoma dyan para hindi ka naiinip! Ingat ka lang lagi at baka makasagi ng angel, magagalit si San Pedro.
Miss you Tay. Lab yu po.

No comments:
Post a Comment