Kung dati ang subject ko about bmw (bitching, moaning and whining) was focused on the job, let me discuss naman this time ang tungkol sa buhay outside of work. Particularly yong tungkol sa pagsi-share ng living accommodations sa mga kababayan, kaibigan or ka-kompanya natin. Dito, marami ring bmw ang nangyayari.
Dahil pag magkasama kayo sa iisang bahay, kahit pa sabihing magka-kumpanya kayo, old acquaintances, magkapitbahay sa pinas or kahit pa relatives kayo, doon lalabas ang mga tunay ninyong ugali. Mga individual differences on tastes, ways and habits na pag hindi napag-kasunduan ay nagiging umpisa ng tampuhan, disagreement at pag lumala pa eh away ang pinupuntahan.
Mas madaling mag-surface ang disagreement kung magka-kwarto. Kasi dito, talagang detalye ang pinag-uusapan. Magnified bawat kilos nyo kasi madalas, too close for comfort ang distansya nyo.
I had this experience noong 2001, bagong dating ako sa isang kumpanya sa Al-Khobar. And as usual, sa company housing ka muna hangga’t hindi natatapos ang 3-month probationary period. Entitled ako to have my own room pero ang kasabay kong dumating, nakiusap na maki-kwarto sa akin. Feeling close na kahit sa airport lang naman kami nagka-kilala. Um-okey naman ako. Ang siste, room mate pala sya from hell.
Kainitan ng summer, nagigising ako sa gabi na pinagpa-pawisan ako. Pinapatay pala ang aircon kasi daw tumatama sa ulo nya at sinisipon sya! Eh bakit hindi ka na lang mag-iba ng pwesto para hindi tinatamaan ang ulo mo!
Common na dito na carpeted ang room and everybody knows that carpet loves dust. Ang room mate ko from hell, hindi marunong mag-hubad/palit ng footwear pagpasok ng kwarto. Kung saan man sya galing, ke sa cr o sa kalsada, diretso ang tsinelas nya hanggang sa loob! Tapos magre-reklamo kang sinisipon ka dahil sa alikabok! Eh ayaw mo namang mag-vacuum. Sasabihin mong hindi ka marunong kahit ilang beses na kitang tinuruan! Grrr!
Ako ang taong hindi madaling gumawa ng tulog. Kaya pag nakagawa ako ng tulog at nabulabog, mahirap na akong makatulog ulit. Pero itong room mate ko from hell, walang pakundangan kung mag-cell phone. Kadalasan, magri-ring ang cp nya ng 4am. Full volume pa. Parents pala nya yong tumatawag kaya magsusumbong na ng kung ano-ano at minsan may iyak pang kasama. Bakit kako ang aga naman ng tawag. Kasi daw 9am na kaya tumatawag na ang mom/dad nya! Eh 9am sa pinas yon, di sabihin mong naghihilik pa ang mga tao sa saudi!
Sa umpisa, ini-ignore ko lang. Pinag-bigyan ko kasi tingin ko nag-a-adjust sa buhay na malayo sa pamilya. First-timer kasi sa Saudi. And besides, either mukhang mama’s boy o may pagka-spoiled kaya hindi pa masyadong responsible sa sarili. At kulang pa ng inter-personal skills. Parang may sariling mundo kasi.
But as days went on, hindi ko na rin natiis kaya kinausap ko na sya. Inisa-isa ko ang mga bagay na directly nakaka-apekto sa akin being his roommate. With all the diplomacy I could muster, nag-suggest ako ng mga pwedeng gawin namin para ma-solve ang problema.
Pero sumpa nga mga patron ng katinuan, totoo pala ang hinala ko. Overgrown child nga pala talaga sya! Nag-ngangawa at inaway pa ako dahil hindi ko raw sya maintindihan. Home sick daw sya tapos inaaway ko pa sya! Mea culpa! Grrrrrr!!!
Eh hindi ko pa nga sinasabing:
- Magpalit ka naman please ng bedsheet/kumot/punda dahil amoy tao na yong hangin na sinasagap at ibinubuga ng aircon! Ayaw mo naman ng air freshener kasi nga sinisipon ka kamo!
- Bumili ka na lang ng lamp shade kung ayaw mong matulog ng walang ilaw!
- Alam mo, pagod na ako kakahugas ng plato/baso/sandok/kalderong iniiwan mo lang sa lababo matapos mong gamitin
- Tsaka, may kasama ka bang mud-wrestlers sa banyo pag nagsi-cr ka? Grrr!!!
But beyond the tempers and expletives na pinakawalan ko, either in front of him or kapag nagbi-bmw ako sa mga kaibigan ko, I’ve managed to calm down myself. Naisip ko, ito yong realisation of the fact na hindi lahat ng tao sa mundo ay kapareho ng ugali ko. At kaya ako nagagalit ay dahil ini-expect ko syang maging malinis at maayos sa bahay/kwarto. Na hindi naman nya ugali. Dahil iba ang personality nya.
Kaya instead na ubusin ko ang oras at panahon ko sa pakikipag-talo sa kanya, nag-hanap na lang ako ng bahay na pwede kong lipatan. Talo inis sabi nga. To think na ako ang may right sa room at hindi sya. Pero mas mabuti na yong umiwas na lang ako kesa mag-away kami araw-araw at lumala pa ang problema.
Looking back, maganda rin naman ang nangyari dahil may mga natutunan ako sa sarili ko. I realized na maiksi pa rin pala ang pasensya ko. Dapat dinagdagan ko pa ang pasensya ko sa kanya and upped my tolerance level a bit more. Naisip ko, dapat pinagtiyagaan ko syang turuan sa tamang ways sa bahay. I could have changed him to something better instead na inaway-away ko sya. He could have learned something from me na pwede nyang gamitin later on in his life. At hindi na sya matawag na room mate from hell. Ah, well!
No comments:
Post a Comment