Wednesday, March 5, 2008

pizza afternoons

This week nagbalikan ang dalawang adik members na nagbakasyon sa Pinas. Matt gave me pasalubong na dried pusit and goldilocks polvoron while Ricky boy’s loot bag included some candies na nginunguya ko sa office. Thanks again guys.

Sa true lang, dati, never kong naging ugali na mag-pasalubong ng kung ano-ano galing Pinas. Sa mga office mates ko dati, minsan dadalhan ko ng T-shirt. But it’s not a regular thing. Hindi sa nagkukuripot ako pero hindi ko kinarir lalo na’t laging rush ang empake ko pabalik coz of so many things na inaasikaso ko sa Pinas. But since I became an adik member, napilitan na (hehehe)… adik tradition kasi. Kahiya namang receive ka nang receive pero never kang give!

Eniweys, back to Matt. He liked Ribbons a lot kaya dalawang araw na sunod syang nagpa-meryenda ng pizza and cakes. Kwentuhan ng mga gimik nila ni Ricky sa Pinas lalo na sa Kabayan Hotel at Sogo and some adventures in Tagaytay including an encounter with a girl na gumawa ng pelikulang Takbo sa dilim, Sisa!! (hehehe… papatayin ako ni Matt nito). Then today, Ribbons pa rin kami kaya that was three days in a row. Sabi ko nga sa may-ari ng Ribbons na si Larry, dapat bigyan na kami ng VIP card.

Si Orgee naman ang sponsor today na kahit iika-ika eh kinarir pa ang pagwi-weyter. Palibhasa may interest (vested? hehehe… jowk) sa Ribbons. Sinita pa ako dahil di ko raw bino-blog ang mga chikahan namin. Kala ko si Raoul lang ang blog patrol ko, meron pa palang iba!

As usual, kung ano-anong napapag-usapan. Pero today ang pinaka-grabe dahil naglabasan ng mga ka-berdehan. Naumpisahan kasi sa chat ng mga kalokohan. Kaya pati sa bus hagalpakang umaatikabo. Palibhasa walang board of censors! (Hi Raoul, enjoy your vacation! Sigurado pagdating mo ikaw naman ang magpapa-Ribbons! Hehehe.)

Sabi ko nga magastos na bisyo to kung araw-araw. Buti na lang 15SR lang ang yummy pizza (o ayan Larry ha, dapat talaga may discount card na kami!) But more than anything else, itong mga chikahan na ito does something really good sa katinuan ng mga tulad naming pare-parehong stressed sa trabaho.

Although in those three days naman, walang masyadong bmw na napag-usapan. Pero kung pipilitin siguro ako eh para akong bulkang sasabog. But I’d rather not. Mas gusto ko pang i-enjoy ang mga insane conversations ng grupo tapos hahagalpak ng tawa (meron bang hagalpak ng iyak, Raoul?) kesa magbuhos ng sama ng loob. Afterall, pag nakatawa na ako, wala na, relieved na kahit papano.

It shakes off the dust of negative vibes nibbling on me and in the end, I can think more clearly. At malaking factor yon sa pag-iisip ng tama kung ano ba ang magiging next move ko. And for that, I’m thankful na may support group akong ganito.

O ayan mga adiks ha… indirect TY yan for being the adiks that you are!

Teka nga muna, bago nga ako mag-emote, look na lang tayo sa mga wonderful shots ni Master Matt na galing Pinas. Magaganda ang mga flowers from the garden of his Nanay. Visit nyo na lang blog nya... http://espiyangmandirigma.blogspot.com/

(matt, second time ko na mag-try mag-post ng comment, nagha-hang ang pc ko! post mo rin dito yong sa flicker + photo bucket mo, di ko alam ang url eh)

No comments:

Post a Comment