baka naman sabihin nyo eh puro western films ang nire-review ko kaya heto, ikuwento ko naman sa inyo yong 2 tagalog films na napanood ko habang nasa bakasyon.
KKK
I’ve read so much about Kasal, Kasali, Kasalo siguro from paid movie reporters and mostly from Alfie Lorenzo’s columns sa kababasa ko ng Abante on-line. Kaya naintriga ako. I wanted to see why it won awards for Juday and Gina Pareno on last year’s MMFF plus a few more awards pa yata. Besides, nag-top grosser pa ito that year. So it was one of the first few titles I asked my suki nong tinanong nya ako kung gusto ko ng DVD ng Tagalog films.
Maayos naman pala ang pagkakagawa nong film kaya humakot ito ng awards at nagustuhan pa ng viewing public. Simple at walang kumplikadong story line, focused ang kuwento sa kina Jed and Angie who, after being friends suddenly jumps into marriage and along the way eh pinakita ang mga usual na problemang kinakaharap ng isang young couple mula sa pamamanhikan, pagpapakasal, pagsasama, pakikitira sa mga in-laws, pagbubuntis, pagkaliwa ni mister and in the end eh reconciliation.
At dahil dramedy, wala yong mga hysterical na over dramatic scenes you would usually see sa mga drama films noon nina Ate Guy at Ate Vi. Very light ant atake ni Jose Javier Reyes nong pelikula kaya nakaka-entertain and yet nakaka-relate ang masa sa mga sitwasyon na pinakita.
I’m not a fan of Judy Ann pero kahit hindi ko napanood ang mga kasabayan niyang actress that year, siguro deserving talaga si Juday sa kanyang award. Dahil natural na natural yong mga arte nya. Revelation si Ryan Agoncillo dito na first movie nya yata and yet he looks very comfortable and natural on cam. I’m sure ito ang nag-seal ng Juday-Ryan love team dahil heto at sa current MMFF eh may part two na sila entitled Sakal, Sakali, Saklolo.
And of course, hindi mo na matatawaran ang galing ni Gina Pareno ngayon na humahakot pa rin sya ng international awards sa Kubrador. Dito, walang duda na karakter na karakter sya as the baranggay kagawad na nanay ni Juday.
Ang ikinatuwa ko dito sa KKK, it didn’t disappoint me. Na-entertain ako, natuwa ako, nakiiyak at tumawa ako sa mga eksena. In short, naramdaman ko yong film. Hindi ako nabuwisit, nainis at nagsisi matapos kong panoorin yong pelikula, a feeling which, unfortunately eh madalas kong nararamdaman pag nanonood ako ng local films. Mukha ngang tapos na yong mga panahong puro pa-tweetums ang mga love team. Sana nga, tapos na yong panahon na nakaka-insulto ng matitinong manonood ang mga pelikula natin. At sana, dumating na at patuloy na ang panahon ng mga quality Tagalog films para matahimik na finally sina Brocka at Bernal saan man sila naroroon.
Desperadas
Among the MMFF entries, ito ang inuna ko and was planning to see the others pero hindi na nangyari. Gusto ko sanang makita yong sequel ng KKK na ngayon ay SSS na (Sakal, Sakali, Saklolo), as well as Resiklo ni Bong na curious ako kung bakit nabigyan ng A ng CEB and most importantly yong Katas ng Saudi ni Jinggoy dahil super mega-relate tayo don. Kaso nga wala nang time. So eto na lang ang ikwento ko sa inyo.
I know Joel Lamangan is one of the credible directors today pagdating sa drama. But to handle a comedy film like Desperadas, parang nakulangan ako. Siguro sa screenplay ang diperensya.
Wala akong inaasahang acting sa mga lead – Ruffa, Ruffa Mae, Iza and Marian, puro mga actress in training pa ang mga ito. Lalo na si Ruffa na matagal ding tumigil sa pag-arte kaya parang masyadong pilit ang acting sa kanyang come back movie na ito. As Isabella, the eldest of the four step-sisters (one mother, four different dads), mayaman siya pero waldas sa pera at hindi rin alam ang gustong gawin sa buhay lalo na sa lovelife. Sadly, walang highlights ang part niya that would give her the moment to prove na she’s finally back in the business.
Si Ruffa Mae naman, the usual hysterically funny but very sexy bebot na dinadaan sa palakihan ng boobs ang bawat eksena. Buti na lang maganda yong part na napunta sa kanya as Dr. Patricia, the sex guru na mahilig mag-quote ng mga quotable quotes na sinasagot ng mga ka-eksena nya, mostly ng katulong nya na inspired by Inday, the sosyalerang maid na nabuhay sa pages ng Abante, jokes section.
Si Iza, well, sya lang yata ang medyo seryoso ang role sa apat as the lawyer na kinukulang ng dilig sa asawang doctor and almost got into a fling with a companero. She provides the moral backbone among the group although meron din syang moral dilemma sa sarili nya.
Marian plays Courtney, the youngest of the half-siblings. She designs sexy underwears and is also luka-luka tulad ng Ate nyang si Patricia. Na dapat ay hindi dahil supposedly eh iba-iba sila ng karakter na magkakapatid.
Inspired daw ito by Desperate Housewives. Medyo obvious nga kasi yong location nila, parang Wisteria Lane na magkakapit-bahay ang magkakapatid na sa sobrang lapit eh dinig ng lahat kung may isang titili sa loob ng bahay nya. May mga eksena rin si Ruffa na ala-Gabriel tulad nong hinatak na yong kanyang BMW dahil hindi sya nakakabayad sa financing company. Nag-linya sya na kunwari eh pina-paayos nya lang sa talyer ang kotse.
Pero kung talagang inspired ito by Desperate Housewives, dapat binantayan nila ang screenplay. Nang-gaya na rin lang sila, sana ginaya na rin nila yong short, witty and funny scenes sa Desperate. I mean not to copy it literally pero gayahin nila yong atake. Dito kasi sa Desperadas, maraming eksenang mahaba at sa bandang dulo ka lang matatawa. Minsan hindi pa. In fact sa bandang katapusan na lang nong movie ako humagalpak ng tawa in two or three scenes yata. But that’s it. Karamihan ng scenes, corny at over used na. Tulad nong pagpasok ni Courtney sa simbahan at sumigaw na itigil ang kasal samantalang obviously nasa maling church naman sya. Ho-hummm…
Sayang na trabaho ni Joel. Siguro natutuwa rin sina Gretchen, Dawn at Pops na hindi sila natuloy sa film na ito. Dahil hindi bagay sa stature nila, lalo na ni Dawn na magaling na actress na gumawa ng ganitong klaseng pelikula.
PS. Napanood ko rin yong Apat Dapat, Dapat Apat nina Ruffa Mae, Eugene, Pokwang at Candy - gusto ko sanang mag-relax at matawa kaya puro comedy ang pinapanood ko... pero sa halip na matawa ako eh nainis lang ako at gusto kong batuhin ng remote yong tv. Sayang lang ang binili ko ng dvd. Hmmppp!
No comments:
Post a Comment