Follow-up ito nong isang posting ko last October 27 (title: Kalas) which discussed the proposal of Bahrain government to the GCC leaders to revise their policies of employing expats in the Gulf Region. In that proposal, gusto ng Bahrain government na i-limit to a maximum of 6 years ang stay ng bawat foreign workers in all member states of the GCC.
Last Monday (Jan 28), lumabas ang balita sa Arab News under the byline “Gulf States Warned of Asian Tsunami”. This is a quote from Bahrain Labor Minister who warned the GCC states na dahil sa sobrang dependence nila sa foreign labor, parang tsunami daw ang effect ng milyones na foreign workers sa GCC.
He even highlighted na sa 17 million foreign workers na nasa GCC ngayon, most of them mga Indians, may dala daw itong “danger worse than atomic bomb”. Ewan ko lang kung yong amoy ng mga itik ang ibig nyang sabihin.
At hindi raw sya nag-e-eksads pag sinabi nyang ten years from now, that 17 million will balloon to 30 million. Sinisi nya ang katamaran ng mga kababayan nya (or mga ka-region) kaya ganito ang dami ng manggagawa sa kanilang mga bansa. Sa UK daw, ang isang milyonaryo, naglilinis ng kanyang sariling sasakyan. Dito raw sa kanila, magpapa-abot pa ng isang basong tubig samantalang kayang-kaya namang abutin.
Naghihinampo ang nasabing minister dahil siya pala ang pasimuno ng proposal na 6-year cap ng foreign workers. At ang proposal na yon, dinedma ng mga GCC leaders. Wala na raw follow-up, mukhang namatay na at nabaon na sa limot.
Napahiya tuloy ako sa prediction ko dahil sabi ko noon, baka ma-approve ito sooner than later. For reasons that I mentioned like patriotism and the high rate of unemployment na dinadanas nila ngayon. Yon pala, walang pakialam ang mga hunghang. Keber sila sa patriotism at lalong wala silang pakialam kung marami man ang walang trabaho sa local population nila.
At sabi ko pa, kahit ma-approve ito, matagal naman bago ito ma-implement. Eh paano pa nga mai-implement kung ganyang hindi man lang pinag-lamayan, basta na lang ibinaon sa disyerto ng walang marker!
Well, mali man yong mga predictions ko, masaya pa rin ako dahil maganda ang epekto noon sa atin. (At pasalamat ka Madam Auring dahil hindi pa kita pwedeng kumpetensiyahin! Hahaha!!!)
Totoong-totoo naman yong sinabi ni minister. Na katamaran pa rin ang pinakamalaki nilang kalaban. Dahil ang mga kababayan nya, ayaw talagang magsipag-trabaho ng maayos. Umpisahan mo man sa mga matataas na posisyon sa kumpanya, mga director, managers, hanggang pababa sa mga superintendents, supervisor, technicians at kahit mga drivers. Laging may isang expat na nasa likod nila na sumasalo ng talagang trabaho.
Kaya kailangan pa rin nila tayong mga foreign workers para hindi bumagsak ang mga planta, negosyo, pabrika, public utilities, health services, educational institutions at lahat halos ng sektor ng kanilang lipunan.
Pasalamat tayo dahil ganyan ang level ng kanilang katamaran. Dahil hangga’t ganyan sila, makaka-asa pa tayo ng matagal-tagal na pagkita ng dolyar sa lugar na ito. Ganon pa man, ulitin ko lang yong sinabi ko dati…. Mabuti na yong habang nandito tayo, nag-iipon tayo at naghahanda para sa kinabukasan.
Oo nga’t pwede pa tayong magtagal dito. Pero hindi naman ibig sabihin non ay pwede na tayong mag-stay dito forever and ever. Malay mo isang araw, biglang binawi ang sumpa ni Juan sa kanila! (Naku, masisira na naman yata ako sa prediction kong to!)

No comments:
Post a Comment