Wednesday, March 5, 2008

pizza afternoons

This week nagbalikan ang dalawang adik members na nagbakasyon sa Pinas. Matt gave me pasalubong na dried pusit and goldilocks polvoron while Ricky boy’s loot bag included some candies na nginunguya ko sa office. Thanks again guys.

Sa true lang, dati, never kong naging ugali na mag-pasalubong ng kung ano-ano galing Pinas. Sa mga office mates ko dati, minsan dadalhan ko ng T-shirt. But it’s not a regular thing. Hindi sa nagkukuripot ako pero hindi ko kinarir lalo na’t laging rush ang empake ko pabalik coz of so many things na inaasikaso ko sa Pinas. But since I became an adik member, napilitan na (hehehe)… adik tradition kasi. Kahiya namang receive ka nang receive pero never kang give!

Eniweys, back to Matt. He liked Ribbons a lot kaya dalawang araw na sunod syang nagpa-meryenda ng pizza and cakes. Kwentuhan ng mga gimik nila ni Ricky sa Pinas lalo na sa Kabayan Hotel at Sogo and some adventures in Tagaytay including an encounter with a girl na gumawa ng pelikulang Takbo sa dilim, Sisa!! (hehehe… papatayin ako ni Matt nito). Then today, Ribbons pa rin kami kaya that was three days in a row. Sabi ko nga sa may-ari ng Ribbons na si Larry, dapat bigyan na kami ng VIP card.

Si Orgee naman ang sponsor today na kahit iika-ika eh kinarir pa ang pagwi-weyter. Palibhasa may interest (vested? hehehe… jowk) sa Ribbons. Sinita pa ako dahil di ko raw bino-blog ang mga chikahan namin. Kala ko si Raoul lang ang blog patrol ko, meron pa palang iba!

As usual, kung ano-anong napapag-usapan. Pero today ang pinaka-grabe dahil naglabasan ng mga ka-berdehan. Naumpisahan kasi sa chat ng mga kalokohan. Kaya pati sa bus hagalpakang umaatikabo. Palibhasa walang board of censors! (Hi Raoul, enjoy your vacation! Sigurado pagdating mo ikaw naman ang magpapa-Ribbons! Hehehe.)

Sabi ko nga magastos na bisyo to kung araw-araw. Buti na lang 15SR lang ang yummy pizza (o ayan Larry ha, dapat talaga may discount card na kami!) But more than anything else, itong mga chikahan na ito does something really good sa katinuan ng mga tulad naming pare-parehong stressed sa trabaho.

Although in those three days naman, walang masyadong bmw na napag-usapan. Pero kung pipilitin siguro ako eh para akong bulkang sasabog. But I’d rather not. Mas gusto ko pang i-enjoy ang mga insane conversations ng grupo tapos hahagalpak ng tawa (meron bang hagalpak ng iyak, Raoul?) kesa magbuhos ng sama ng loob. Afterall, pag nakatawa na ako, wala na, relieved na kahit papano.

It shakes off the dust of negative vibes nibbling on me and in the end, I can think more clearly. At malaking factor yon sa pag-iisip ng tama kung ano ba ang magiging next move ko. And for that, I’m thankful na may support group akong ganito.

O ayan mga adiks ha… indirect TY yan for being the adiks that you are!

Teka nga muna, bago nga ako mag-emote, look na lang tayo sa mga wonderful shots ni Master Matt na galing Pinas. Magaganda ang mga flowers from the garden of his Nanay. Visit nyo na lang blog nya... http://espiyangmandirigma.blogspot.com/

(matt, second time ko na mag-try mag-post ng comment, nagha-hang ang pc ko! post mo rin dito yong sa flicker + photo bucket mo, di ko alam ang url eh)

All Miss Universe Images Collection Till Now






















Monday, March 3, 2008

a constant existence

Virgin Atlantic has just flown from London Heathrow to Schipol airport with one of it’s four engines partially running on bio-fuel. Beaming with pride si Richard Branson sa Euronews report kasi nga ground-breaking itong flight ng kanyang carrier.

Obviously, this is an attempt to do something about the global warming issue. Kasi nga, aircrafts daw are the biggest offenders when it comes to carbon footprint. Ang isa pang maganda nito, hindi lang global warming ang naso-solve. It also provides alternative solution to another huge problem that is fossil fuel running out in the very near future. Di nga ba analysts say that oil reserves in the Middle East are estimated to run out in 30 to 50 years time.

Dapat mag-celebrate tayo dahil mukhang killing two birds with one stone yong bio-fuel. Kaso, environmentalists think otherwise. Mas malala daw na global warming ang mararanasan natin if we clean-out vast areas of land para pagtaniman ng coconut (the main ingredient ng bio-fuel na ginamit sa flight).

In effect, parang sinasabi nilang it’s one vicious cycle dahil sa global warming pa rin ang bagsak natin kahit pa nakakita tayo ng isang effective alternative fuel.

Ewan ko naman kung nagko-kontrabida lang itong mga environmentalists. Or maybe they are just having reservations regarding the sudden change. Baka hindi sila comfortable from the idea of riding a plane with bio-fuel instead sa long-time nang naka-sanayan na jet fuel.

Yon ang isang problema sa kahit anong changes na ii-introduce mo. Be it in your business or your personal life. Lalo na sa trabaho mo. We do not accept change quite easily. Coz we have the tendency to stick to what we have been routinely doing. Naka-develop na kasi tayo doon ng comfort zone. Knowing that we have done something for so many times, hindi na tayo nangangapa. Thus giving us the confidence to go through it without any worries.

Kaso, hindi pwedeng sa buhay natin, we maintain a constant existence. We have to deal with variables any day, any time. And how to deal with change is something not many people can handle well. Kaya sumulpot ang mga consulting services who specialize in change management.

Fortunately, naka-intindi ako ng ilang basics ng change management in my previous work. Something which I am trying at my level best na i-apply sa current situation ko. Dahil I’ve come to a point where I have to do some considerations, serious thinking and a big step out of my comfort zone.

Leo ako at sabi ko nga sa header nitong blog, I pursue with much ardor kung ano man ang mapag-tuunan ko ng pansin. Ganon din ako pag nag-decide. Diretso. Because I do careful analysis bago ako mag-decide. Kaya pag dating ko sa isang decision, I can never be shaken unless may force majeur.

Buti nga ngayon, nag-iisip na akong mabuti. When I was still a bit younger (and that wasn’t so long ago, mind you), pag naisip kong ganito, yon na yon. Decision na yon. And I will go ahead with it no matter what. Pasalamat naman ako kasi I haven’t had major regrets so far sa mga decision ko sa buhay.

But now, of course, supposedly older and wiser na ako. So I will go through the whole process. And whenever I’ve come to a decision, dito sa dantespeaks nyo agad malalaman. Meantime, that’s it muna. Umpisahan ko nang mag-analyze.