Wednesday, May 12, 2010

no. 18: pag dhl mabilis!

Over lunch today, maingay na naman ang mga adik. One of the many topics being discussed (simultaneously, as usual) was about internet connection. May narinig akong DSL sa kabilang dulo nong mesa kaya sumingit ako at tumira ng ‘pag DHL mabilis’. Everybody around the table, being internet techies themselves, ang daling napick-up ng supposedly booboo ko. Nagtawanan. Si JunC tinanong pa ako kung intentional daw yon.

Of course it was. Gusto kong mag-joke even if it’s on me. Kahit papano may humor naman ako. Ascerbic nga lang minsan. But instead of quelling JunC’s suspicion on my very rare slip-off, nakitawa pa ako at bumanat ng ‘bakit, am I not allowed to commit mistakes?’. Hindi raw. Kasi pag mga tulad daw namin (Ega and Raoul) ang magkakaganon hindi raw bagay.

Siguro lang nasanay sila na magbasa ng mga sinusulat ko. Or sanay na silang bumabanat ako every now and then ng mga trivia that makes them go ‘ahhh ganon pala’. Sus, kakapanood ko ba naman ng tv at kakabasa sa internet. Aside from the fact that I have a few good years of experience ahead of them. Eh mga totoy pa sila ako nakapantalon na! hahahah!
.


That’s why they have this notion that I’m too good for a stupid mistake like that. Tipong kung magkakamali, hindi na kasing-tuleg (pahiram ega… hehehe) ng DHL versus DSL. I just hope they didn’t believe it was real. Joke lang po yon. Nagpapatawa lang.



Pero sa totoo lang, talagang may mga booboo ako. At ako mismo nahihiya sa sarili ko for being so careless.



Like one time, tumawag si Ega… ‘nasan ka na’… sumagot ako ‘on the way na ako’. On the way? Buntis ako? hahaha! Ewan. Lapit kasi ng ‘I’m on my way’. Halos magkatunog kaya wala sa oras, nabuntis ako! hahahaha…
.
A few weeks ago my friend Jonas and I were in Herfy (burger house po yon sa mga hindi taga-Saudi). Bigla akong tumayo, pumunta sa counter at tumira ng ‘kabayan pengeng Mayoneys’. MA as in maganda or maengot instead of the usual maarteng pronunciation nating mga pinoy na ‘meyoneys’. Alam ko nag-isip si kabayan. Siguradong isasama na nya ako sa isang high-ranking military na ang sabi sa burger eh ‘burdyer’!



One thing I don’t commit though is the very obvious and almost criminal redudancy in ‘at least kahit papano’. Daming words non at tamad ako kaya either one of the two lang ang ginagamit ko. At least. Kahit papano. Pero hindi magkasama. ‘At least at least’? or ‘Kahit papano kahit papano’.! Para kang echo! Hahaha!



May ilan pa akong katimangan na hindi ko lang agad maalala while I’m writing this. My point, however, is that yon nga, am I not allowed to commit mistakes?. Hangga’t maari wag sana. At kung may mga error man dito sa mga pino-post ko, maniwala po kayo I’m trying my best not to be careless about it. in fact, binabasa ko pa rin kahit lumang posts ko just to see kung meron akong palpak na sinulat.



If ever na may makita kayo, sabihan nyo na lang ako. Don’t worry di ko kayo tatanungin ng ‘am I not allowed…’ hehehehe…

No comments:

Post a Comment