Monday, February 2, 2009

parental guidance: highly recommended

Sa araw-araw na pagbabasa ko ng dyaryo, laging may news item tungkol sa isang teen-ager na babaeng na-rape. At maraming kaso na ang rapist, teen-ager din. Kadalasan, nangyari ang krimen dahil nilasing ang dalagita. Then pinagsamantalahan.

Sa lahat din halos ng kaso, the victim knows the attackers. Either kaibigan, boyfriend, kapitbahay or ka-klase. Ilan lang yong kaso ng mga dina-dampot by some total strangers at saka ginagahasa.

Whenever I read something like this, I always put the blame on the girl. Kung hindi kasi umiinom, hindi dapat nangyari. Kahit pa pilitin. Kahit pa kaibigan o boyfriend ang nagpapa-inom.

In the first place, ang pangit tingnan ng isang dalagitang tumutungga ng alak. It is so unlady-like. Pero mukhang marami na ang gumagawa nito. Siguro mahina ang pundasyon ng moral, kulang sa guidance ng magulang, iba ang paligid na kinalakihan or, ang pinakamalala at pinakamahirap na dahilan – sadyang pasaway ang bata. Rebelde. Matigas ang ulo.

Aside from the girl, gusto ko ring batukan ang mga owners ng grocery stores or kahit mga sari-sari na nagbebenta ng alak sa mga kabataan. Ke lalaki o babae, they should not sell alcohol to minors. Di ba sa states, may batas na nagbabawal nito. Sa atin kasi wala. Hindi maisip gawin ng mga lawmakers natin ang ganito. Dahil bahagi na ng kultura natin yong inuutusan ng magulang ang anak na bumili ng ganito-ganyan sa tindahan, including alak. So hindi na bago yong 5-year old kid pero may bitbit na kwatro kantos galing sa tindahan.

Of course hindi ko ina-abswelto ang mga rapist na karamihan ay kabataan din. Wala rin sa katinuan itong mga batang ito na sa halip mag-aral, alak ang inaatupag. At dahil kulang pa sila sa maturity to handle such an adult indulgence, iba ang nagiging takbo ng utak. Kaya pag lasing na, wala nang kinakatakutan.

Ang masakit nito, lives of these youth are being destroyed. Ke yong victim or yong rapist, both will suffer from the consequence of the rape. The girls will suffer the trauma, indignation and stigma that comes with being a rape victim. While the boys will bear the agony and humiliation of the punishment.

Ang nakaka-awa dito, ang mga magulang who do their best to bring up these kids properly. Sa dami ng factors na sumisira ng magagandang bagay na tinuturo nila sa kanilang mga anak, they seem to be fighting an uphill battle.

Siguradong masakit sa dibdib yong lagi kang naghihintay maka-uwi safely ang anak mo kung saan man sya galing. At siguradong halos gumuho ang mundo mo when any of your kids figure in any of these atrocities.

Sana lang ang mga batang ito ay maging mas responsible sa kanilang mga sarili. Sana maintindihan nila that whatever they are doing at the early stages of their lives greatly affect whatever they will become later on. At sana, matutunan nilang pakinggan at sundin ang kanilang mga magulang. Parental guidance is not only for the cinemas. It is the mold that makes us a better person. Ignore it and you’ll turn out otherwise.

No comments:

Post a Comment