After 9 days na wala akong pasok nong nakaraang holiday, heto at balik na naman ako sa trabaho. And, just like everytime na galing ako sa bakasyon, ang hirap gumising ng maaga para pumasok after some quiet, alarm-clock-free mornings.
9 days of peace. Walang makukulit na tao sa paligid, walang maingay na office, walang teleponong ring ng ring, walang email na nakaka-high blood, walang meetings na nakaka-buryong, walang lunch sa cafeteria na pinagtya-tyagaan ko na lang araw-araw ang pagkain. And most of all, wala yong feeling na antay ako ng antay ng 4 o’clock para makauwi na!
9 days of laziness. Yong tipong kakain ako kahit anong oras na gusto ko. Or sa gabi na maligo dahil nakakatamad pag umaga. Malamig na kasi ang tubig. At kung hindi tulog, nakasalampak lang sa harap ng tv. Walang ginawa kungdi manood kahit paulit-ulit ang balita sa Euronews, Al-Jazeera, BBC at CNN. Patulan kahit rerun ng The Simpsons sa Fox Series. Paulit-ulit din ang pagchi-check sa Yahoo Mail, Hotmail at sa Dantespeaks kahit wala namang bagong comments, mail or posting. At laging updated sa mga balita from Abante, Abante-tonite at Philstar.
9 days of tulog. Lalo ngayon na ang sarap magbabad sa kama at mamaluktot under the warmth of my comforter. Ang lamig na kasi kahit walang aircon at bahagya lang ang awang ng bintana ko to let some fresh air in. At sa umaga, ang gumigising lang sa akin is either yong liwanag ng araw na dahil mataas na eh kayang-kayang tagusin ang makapal kong kurtina. Or, yong sikmura kong nagrereklamo dahil nalipasan na ng breakfast eh mukhang aabutin pa rin ng lunch na walang ginigiling na pagkain!
So what did I achieve out of the 9 days? Wala. Well, aside from the fact na nagkaroon ako ng time na mag-organize ng mga papel, resibo, warranty cards at kung ano-ano pang papel na basta ko na lang siniksik kung saan-saan at siguradong mahihirapan akong hanapin in case na kailanganin ko. Pati mga resibo ng Telemoney, na-sort ko and arranged chronologically. Now I’m ready to be disorganized again until the next holidays. Haha!
Aside from that, I just enjoyed the feeling of being irresponsible for some 9 days. Yong walang oras na hinahabol. Walang trabahong gagawin kahit ayaw gawin. Walang taong kakausapin kahit ayaw kausapin. Just some peaceful, quiet and blissful days na akin lang. Was I bored? Not a bit. Ibahin mo ang tanong. Something like – ‘ganon ka na ba katamad? Dyan, masasagot kita. Hahaha!

No comments:
Post a Comment